Dahan: 32

183 6 1
                                    

KABANATA 32

    “Sigurado ka bang kaya mong umuwi na mag-isa, par?” tanong ni Esther habang akay ako palabas ng bar.

    Namumungay ang mga mata ko siyang tinignan. Sa totoo lang, alam ko pa naman ang ginagawa ko at saan ako, iyon lang, umaalon na rin ang paningin ko. Kailangan ko lang makainom ng maraming tubig para mahimasmasan ng kaunti at makauwi nang maayos. Naroon kasi ang tumbler ng tubig ko sa loob ng aking kotse.

    “Ter, hindi pa ako sobrang lasing. Kaya ko pang umuwi,” pagpapaliwanag ko.

    “Kahit na! Mag-aalala pa rin ako. Kung bakit kasi ang dami mong ininom, alam mo namang babyahe ka pa. Buti ako kaya ko lang lakarin ang apartment ko mula rito,” aniya. “Kung doon ka na lang kaya muna tumuloy sa akin ngayon?”

    Umiling-iling ako sa sinabi niya. Sinikap kong maglakad nang tuwid patungong kotse ko at napagtagumpayan ko naman. Hinihila na rin ako ng antok, pero hindi ako papayag na makituloy kay Esther. Napakaselosa ng jowa niyan at ayaw ko nang may susugod sa shop ko kinabukasan para lang awayin ako.

    “Iinom lang muna ako ng tubig at magpapahimas, huwag kang mag-alala. Tatawag ako sa’yo kapag nakauwi na ako sa bahay,” pagsisiguro ko sa kaniya.

    Kunot na kunot pa rin ang noo ni Esther at nakapamewang habang nakatayo sa harap ng driver’s seat kung nasaan ako. Bukas pa ang pinto at hindi pa maayos ang pagkauupo ko. Pupungas-pungas kong inabot ang tubig ko roon bago umayos ng upo sa loob. Pumikit ako at sinandal ang ulo ko sa upuan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Esther.

    “Ang kulit mo talaga kahit kailan. Oh, siya. Kung ano ang mangyari sa’yo sa daan, huwag mo akong sisisihin, ha? Pinigilan na kita,” anito na natatawa kong tinanguan.

    Kahit nakapikit ay tinaas ko ang isa kong kamay pinapahiwatig na umalis na siya. Esther clicked her tongue at siya na ang sumara ng pinto ng kotse ko. Nagpaalam na siya at may mga binilin pa ulit bago tuluyang umalis. Nang makita kong naglalakad na siya palayo, bumuntong-hininga ako at napahilot sa aking sentido. Mukhang naparami nga ang inom ko ngayon. Amoy na amoy ko ang alak sa sarili kong hininga.

    “Nasaan na ba ang cellphone ko?” bulong ko sa sarili habang pilit na inaaninag ang loob ng kotse ko.

    Nang makita ko ang cellphone ko ay kaagad ko iyong pinailaw. Alas-dose y media na pala ng hatinggabi. Natulala pa ako ng ilang segundo sa cellphone ko bago pumunta sa contacs at hinanap ang numero na iyon na nakuha ko kanina. Staring at the numbers in front of me, I let the alcohol took over my system at nang momento mismo na iyon ay nagsilbing leksiyon sa akin na huwag itabi ang cellphone sa akin lalo na kapag nakainom. Delikado lalo na at hindi ko namalayan na napindot ko na pala ang dial button. Pumikit ako, sinandal muli ang ulo sa kinauupuan at pinakinggan ang dial tone hanggang sa iyon ay kumunekta sa aking tinatawagan.

    “Hello?”

    Nang marinig ko pa lamang ang boses na iyon na matagal ko nang hindi naririnig, tila piniga ang puso ko. Napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone at naramdaman ko kaagad ang mainit na tubig na iyon na kumawala sa aking mga mata.

    “Rosh…” I breathed his name as I forced myself to stay awake.

    Narinig ko ang pagtahimik sa kabilang linya. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng kaunting ingay hanggang sa malalim na paghinga na ang aking narinig.

    “Miko?” Roshan called my name and god; it almost took my heart away. It’s been so long.

    “Hm,” I hummed as I smiled at myself kahit ramdam ko na ang mas lalo pang pag-ikot ng mundo ko. “Gusto kitang makita ulit, Rosh…”

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon