Dahan: 19

141 5 2
                                    

KABANATA 19

    Tulala at walang mailabas na mga salita habang akay ako ni Lola Estella nang pauwi na kami sa bahay. Namamaga pa ang mga mata ko at hilam pa sa mga luha iyon mula sa magdamag kong pag-iyak kanina. Wala na nga talaga si nanay. Dinala na ang mga labi niya sa morgue at bukas daw ng umaga ay narito na siya at ang kabaong niya. Mag-isa na lang talaga ako. Wala nang tatay at ngayon, wala na ring nanay. Kay aga nila akong iniwan na dalawa, hindi pa ako handang harapin ang mundo ng mag-isa.

    “Apo… narito na tayo.”

    Nang sabihin ni Lola Estella iyon ay saka ko lamang napansin na nasa sala na pala kami n gaming tahanan. Sinalubong ako ng katahimikan at wala na ang boses ni nanay na sinasabing nakauwi na siya o ang bango ng amoy ng niluluto niya na kaagad pumapawi sa pagod ko sa buong araw sa eskwela. Hindi ko naiwasang muli ay humagulhol.

    “Nay! Nay!” paulit-ulit kong tawag sa kaniya.

    Hindi ko akalain na sa isang iglap ay magkakaganito. Hinding-hindi ko na siya makikita ulit. Naalala ko noong umiyak din ako ng ganito nang mawala si tatay, ngunit dahil nandiyan pa si nanay sa tabi ko, kaagad ring naibsan ang sakit. Ngayon, sino na lamang ang nasa tabi ko?

    “Apo, tahan na. Hindi matutuwa ang nanay mo niyan kapag nakita ka niyang umiiyak,” alo ni Lola Estella na mas lalo lang nakapagpaiyak sa akin.

    Napayakap ako sa mga braso ni lola na noo’y nakayakap sa aking bewang.

    “Kung ganoon…” Napasinok ako. “Bakit kailangang iwan niya ako kaagad? Kung ayaw niya akong umiiyak o nasasaktan ng ganito, sana nagsabi siya sa akin, la. Baka sakali na nagawan pa ng paraan para maagapan.”
   
    “Kaya hindi niya sinabi dahil ayaw ka niyang umiyak at masaktan,” ani lola. “Mahal na mahal ka ng nanay mo, Miko. Hindi niya intensiyon ang maglihim, sadyang mas iniisip ka lamang niya kaysa sa sarili niya. Ganiyan ang tunay na pagmamahal ng mga ina, ijo.”

    Tunay na pagmamahal. Walang kasingsakit sa lahat lalo na kapag lagi kang nagsasakripisyo para sa tunay na pagmamahal na iyan.

    Roshan, kailangan kita rito sa tabi ko. Kahit ngayon lang, magiging makasarili ako. Iyon ang biglang tumakbo sa utak ko noon, ngunit iba sa aking inaasahan, hindi si Roshan ang dumating.

    “Miko!” Sigaw ng isang boses sabay patakbong lumapit sa kaniya at kaagad siyang niyakap. “I heard what happened pagkarating na pagkarating sa hacienda naming. Are you okay?”

    Bigo akong ngumit sa kaniya. Oo nga pala, hindi na darating ang inaasahan ko dahil nasa tabi na iyon ng kapatid ng tao na ito.

    “Senyorito Nathaniel,” pagbibigay aknolohiyo ko sa kaniya.

    “Ay, susme,” si Lola Estella na nagulat. “Ay ikaw po pala ay apo ng senyor? Magandang gabi po, senyorito.”

    “Magandang gabi rin po,” bati ng senyorito pabalik kay lola bago muli ay bumaling sa akin. “I… I was really concerned when I heard the news and… sorry for your loss.”

    Tipid akong ngumiti sa kaniya. Sinabihan namin siya ni lola na maupo muna. Sinamahan ko ang senyorito sa sala habang si lola ay nagpaalam muna pansamantala para raw magluto ng hapunan. Doon muna niya ako pakakainin at patutulugin sa kanila ni Esther ngayong gabi na hindi ko tinanggihan. Kailangan ko talaga ng makasasama ngayon.

    “Nais mo po ba ng maiinom? Tubig? Juice?” magalang kong alok sa kaniya.

    Umiling ang senyorito at nag-aalalang tumingin sa akin.

    “Hey, don’t try so hard to be fine eventhough you are not. I saw you crying earlier the moment I entered your house, Miko.”

    Nanginig ang mga labi ko nang marinig ang sinabi niya. Napawi ang pilit kong ngiti at muling bumalik ang mga luha. Kuyom ang isang kamay ay nilagay ko iyon sa aking labi para hindi lumabas doon ang aking hagulhol. Ngunit ang mga luha ko’y tila gripo nang muli ay umagos.

    “Ang sakit…” humihikbi kong saad. “Sobrang sakit…”

    Hindi ko na napigilan nang hawakan ako ni senyorito Nathaniel sa aking batok at dinala ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Ramdam ko ang paghagod niya sa aking likod at hindi ko ikaiila na nakaramdam ako ng kaginhawaan. Nang comfort na kailangang-kailangan ko ngayon. Pinanalangin ko si Roshan, ngunit masaya na rin ako na narito si senyorito.

    “Mik!”

    Naantala ang unti-unting pagpikit ng aking mga mata nang maging comportable sa yakap ng senyorito nang marinig ko ang nga tumatakbong yabag ng mga paa papasok sa aming bahay at ang sigaw ni Roshan sa pangalan ko. Hapo siyang napapreno sa pagtakbo at kaagad na sumunggab ang mga kilay niya nang makita ang ayos namin ni senyorito Nathaniel. Naiilang na lumayo ako sa senyorito pagkatapos ay pinunasan ang aking mga luha.

    “Kuya?” si senyorito Nathan at nagpabalik-balik ang tingin sa akin at sa kuya niya. “You’re here?”

    “Yes. I came here as fast as I can the moment I heard the news,” ekspleka niya sa kapatid.

    Lumapat ang paningin ko kay Roshan na nakakunot pa rin ang mga noo habang si Esther – kasunod ang senyorita Nathalie – ay nakalapit na sa akin para aluin at kumustahin ako. Noon lang nakabawi si Roshan at lumapit din sa akin, sa tabi niya ang senyorito Nathan na bagama’t mukhang masungit pa rin ay nakiramay naman sa akin.

    “Mikmik,” seryosong tawag ni Roshan sa akin at pinakatitigan ako.

    Binuka niya ang mga braso niya simbolo na nais niya akong mayakap. Suminghap ako at hindi na naisip pa ang mga nasa paligid. Sa isang iglap ay tinawid ko ang distansiya namin ni Roshan at humagulhol sa dibdib niya. Mula noon, hanggang ngayon, ikaw pa rin talaga ang pahinga ko, Rosh.

    “Rosh, wala na si Nanay…” parang bata kong sumbong. “Wala na siya.”

    “Sige lang, iiyak mo lang, Mik. Naandito na ako. Naandito lang ako.”

    Humigpit ang kapit ko sa laylayan ng damit niya. Nadaanan ko pa ng aking paningin ang biglang pagseryoso ng senyorito Nathan sa tabi niya, ngunit hindi ko na ininda iyon. Noon pa man, kapag may isa sa amin ni Roshan ang nasaktan, lagi kaming nariyan para sa isa’t isa. Noon pa man, si Roshan lang ang palaging handang yumakap sa akin kapag umiiyak at nasasaktan ako. Kaya kahit sila na, karapatan ko pa rin ito dahil bago ang senyorito Nathan, ako naman talaga ang nauna sa espasyo na ito.

    Kaya kahit ngayon lang, magiging makasarili muna ako.

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon