KABANATA 37
“Mik!” rinig kong tawag niya ngunit dire-diretso akong naglakad sa tahimik na parking lot. “Mik, sandali!”
Kaagad pa rin akong naabutan ni Roshan at nahila para maipaharap sa kaniya. Natigil ako sa paglalakad at marahas na hinawi ang kamay niya bago siya hinarap. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya at ang kaagad na nagdaang pagsisisi roon nang makita ang luhaan kong mukha. Akala niya ba matutuwa ako sa narinig ko kanina? Pakiramdam ko nasagasaan ako ng truck at hindi pa rin namamatay sa kabila ng pinsalang natamo. Ganoon ang pakiramdam ko ngayon.
“Akala mo ba magtatalon ako sa tuwa nang marinig ang sinabi mo?” mariin at halos pabulong kong sumbat sa kaniya. “Para ano, ha? Para patunayan kay Nathan na naka-move-on ka na? Gagamitin mo ang nararamdaman ko para sa iyo, gano’n ba?”
Inis kong pinalis ang mga luha ko. Ngunit kahit anong palis, tila gripo pa rin ang mga iyon na umaapaw, ayaw paawat. Sobrang sakit ng dibdib ko. Naalala ko ang dati kong sarili na nagpakatanga kahit harap-harapan nang nagmamahal ng iba ang taong mahal ko, naandoon pa rin ako at nagmamahal sa kaniya. Napakamiserable ko kung iisipin.
“Hindi totoo iyan, Mik!” Nahimigan ko ang inis sa boses niya. “Iyong sinabi ko kanina… totoo iyon.”
Nakita ko ang pagsusumamo sa kaniya at hindi ko napigilang matawa. Pakiramdam ko insulto sa akin ang mga sinasabi niya ngayon. Parang iyon kasi ang dating, eh.
“Paano mo nasasabi iyan ngayon? Naalala mo ba iyong araw na iyon, Rosh? Iyong araw na tinalikuran mo akong umiiyak at nasasaktan?” Lumunok ako para harangan ang hikbi ko. “Naglakas-loob ako sa’yong umamin noon na mahal kita, pero ano? Sariwang-sariwa pa sa utak ko ang sagot mo noon. Alam mo ba kung gaano ako dinurog noon? Ang makita nga ulit ang mukha mo ay nagpapaalala sa akin ng sakit na iyon na pilit ko nang kinakalimutan, pero bakit kailangan mong gawin ito ngayon? Bakit ngayon pa? Unti-unti ko nang tinatanggap, eh.”
Napayuko siya at ang mga kamay na nasa magkabilang gilid ay kumuyom. I saw how his shoulder dropped and his body trembled a bit. Napakagat ako ng ibaba kong labi at umiwas ng tingin.
“Alam ko… Hindi ko rin makalilimutan ang araw na iyon dahil walang araw na hindi ko iyon pinagsisihan, Mik.” Nang tignan ko siya ulit ay ako naman ang nagulat nang nakita na siyang lumuluha. “Noong si Nathan ang nawala sa akin, nasaktan ako, ngunit kailanman ay hindi ko siya iniyakan. Ngunit noong ikaw ang umalis nang walang sabi, tila nawala rin ang lahat sa akin, Mik. Noon ko natanto na hindi ko pala kaya kung ikaw ang mawala sa tabi ko. Noon ko natanto kung gaano kabigat ang nararamdaman ko para sa iyo, hindi pala simpleng kaibigan o kababata lang. Kaya pinangako ko sa sarili ko na kapag nakita kita ulit, kahit masabi ko manlang sa iyo na mahal na mahal kita.”
Kailanman, hindi ko nakita si Roshan na umiyak. Kahit noong maliit pa kami, lagi siyang matapang lalo na kapag pinagtatanggol ako. I always admired his strong back that’s shielding me from harm. Noong naghiwalay sila ni Nathan, kita ko kung paano siya nasaktan, but his strong back remained. He never cried, but seeing him crying right now in front of me at ako pa ang dahilan, inaamin ko na bahagyang lumambot ang puso ko.
Pero sa tingin ko ay hindi ko pa rin kayang tanggapin ang mga nais niyang iparating sa akin ngayon.
“Hindi ko pa yata kaya, Rosh.” Mapait akong ngumiti sa kaniya. “Masyado kitang minahal at masyado rin akong nasaktan.”
He pursed his lips at marahang tumango. Pinalis ng mga daliri niya ang mga luhang umagos mula sa kaniyang mga mata. Napawi ang ngiti ko at mabilis siyang tinalikuran. Nang wala na akong narinig mula sa kaniya, napapikit ako nang mariin bago nagsimulang maglakad paalis sa harap niya. It was like suddenly, the tables turned. Imbes siya ay ako na ang naglalakad palayo sa kaniya. Alam kong hindi tama na isumbat ko sa kaniya lahat ng sakit ko dahil hindi niya naman kasalanan na minahal ko siya, ngunit hindi ko pa siguro kayang tanggapin ang mga inamin niya ngayon. Love is a strong word at dahil minsan na niyang tinalikuran ang pagmamahal na inamin ko sa kaniya, mahirap sa aking lunukin na minamahal na raw niya ako ngayon.
Nang makapasok sa sasakiyan ko ay tumatangis akong nag-drive paalis sa lugar na iyon. Pinilit ko ang sarili ko na huwag tumingin sa salamin ng kotse para hindi makita ang pigura niyang naroon pa rin sa kinatatayuan niya kanina.
Maybe, just maybe, it’s really true na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kung mawala sila sa iyo. But that truth sucks and hurts a lot.
Kinabukasan ay mugto ang mga mata na pumasok ako sa shop. Betty looked like she wanted to ask me what happened, ngunit nagpapasalamat ako na mas pinili niyang manahimik na lang. Kaunti lang din ang naging tulog ko at nakatulugan ang pag-iyak kaya medyo mainit ang ulo ko noong araw na iyon. I received some messages from Esther, tinatanong kung ano ang nangyari sa meet-up. Sinabi ko naman sa kaniya lahat, except lang sa nangyari sa amin ni Roshan. Ayaw ko pang malaman niya.
I also received messages and missed calls from Roshan, kaso ang makita pa lamang ang pangalan niyang nakarehistro sa cellphone ko ay masakit na. I needed some time for now bago siya makausap ulit.
“Boss?” narinig kong tawag ni Betty sa labas ng opisina ko.
I was checking our inventories that time at talagang ramdam ko na ang pananakit ng ulo ko.
“Bakit?” medyo may kasungitan kong tanong pabalik.
“A-Ah kasi… may bisita ka po.”
Marahas akong bumuntong-hininga at inis na linapag ang mga papel na hawak ko sa aking mesa. I massaged my temples. Kung si Roshan iyan, baka mabulyawan ko na siya.
Mabilis akong tumayo at inis na binuksan ang pinto dahilan para mapatalon si Betty sa gulat. Hindi ko na siya pinansin pa at dire-diretsong lumabas only to see Nathan sitting at one of our table. Prente siyang nakaupo roon habang sumisimsim ng sa tingin ko’y mainit pang kape. He immediately saw me and smiled.
“Miko,” aniya sabay tayo. “Sorry for coming unnoticed. Can we talk?”
Shit, mas lalo yatang sumakit ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔
Ficção AdolescenteIstorya sa Musika Serye (NEW) #1: COMPLETED Inspired from December Avenue's Dahan BLURB: "Pinky promise?" "Pinky promise." Bata pa lang, magkasama na sina Roshan Ignacio at Miko Dela Cruz. Laging dikit at hindi na mapaghiwalay, kung kaya...