Dahan: 28

180 6 7
                                    

KABANATA 28

    Natahimik ang buong studio kung nasaan ako nang ikwento ko ang bahagi na iyon sa aking buhay. Ilang segundo bago nakabawi ang host sa harap ko at halos itutok sa akin ang camera. Tipid akong ngumiti roon at marahang pinagsiklop ang aking mga kamay.

    “Wow… nasabak pala sa unrequited love ang ating famous pastry chief,” ani ng host sabay ngiti sa camera. “Kung ayos lang itanong, pagkatapos ba noon ay hindi na kayo ulit nagkausap?”

    Napatingin ako sa paligid kung saan nag-aabang ang ilan sa mga tagasuporta ko at ilang staff ng noon time show kung saan inimbitahan ako para sa isang interview. Dama ko ang kakaunti pa rin na kirot na iyon sa aking puso na ilang taon ko pa ring dala-dala sa aking puso. Bagama’t halos maglilimang-taon na ang nakalipas, alam ko sa aking sarili na apektado pa rin ako kapag naririnig ang pangalan ng tao na iyon o may mga bagay na nakapagpapaalala sa kaniya sa akin, pero ang nasisiguro ko lang ay kung nasaan man siya ngayon, alam kong nasa mabuting lagay rin siya kagaya ko ngayon.

    Pagkatapos nga noong araw na umamin ako sa aking kababata at taong unang-una ko ring minahal, dumaan ang summer break at kahit nagpasukan na ulit para sa huling taon namin sa highschool, hindi na kami ulit pa nagkausap ni Roshan. Ang ilang taon naming pagsasama at kahit pagkakaibigan ay natuldukan na dahil lang sa pag-amin ko ng aking nararamdaman sa kaniya. Akala ko nga ay nabigla lang siya at lilipas din dahil kahit papaano magkaibigan pa rin kami, ngunit wala. Hindi rin nakatulong na magkaiba na kami ng section noong fourth year at si Esther na lang ang kasama ko na noo’y ni hindi umalis sa aking tabi.

    Walang kasingsakit noon na kapag nagkasasalubong kami ni Roshan ay daraanan na lamang naming ang isa’t isa. O kung magsalubong man ang aming mga titig ay siya na ang unang iiwas. Bagama’t nakikitaan ko rin ng kakaibang sakit ang mga mata niya kagaya ng sa akin, wala pa ring nangyari. Magmula rin nang umalis ang mga Villaruel sa probinsiya ay wala nang narinig pang balita mula sa kanila. Matagal ding hindi nakauwi ang senyor at senyora at hindi ko alam kung kailan sila bumalik o nakabalik na ba sila roon. Hindi ko rin alam kung… nasa isip at puso pa ba ni Roshan ang lahat ng nangyari na iyon noong mga panahong iyon. Afterall, lubusan niyang minahal ang senyorito Nathan.

    “Hindi na, eh,” nakangiti at diretso kong sagot sa host. “Binati niya ako noong graduation namin, pagkatapos noon, iyon na rin ang huli naming pag-uusap at pagkikita. Sumama kasi kaagad ako rito sa kaibigan ko sa siyudad para rito na rin magkolehiyo.”

    Nakita kong natigilan ang host sa narinig. Bagama’t hindi nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi, may awa akong nakita sa mga mata niya para sa akin. Pasalamat ako at pagkatapos noon, iniba na niya ang usapan.

    Tama, pagkatapos nga ng graduation namin ay hindi na ulit kami nagkita ni Roshan. Bagama’t pinanghahawakan ko pa rin ang pangako namin noong maliit pa kami na kahit ano man ang mangyari ay habangbuhay kaming magkasama, natanto ko sa bawat araw na dumaan na tila wala nang pag-asa sa amin ni Roshan na ang pangako na iyon ay hanggang pangbatang pangako na lamang. That as we grew older, things was really bound to change. Wala na kaming control doon. I decided na sumama kila Esther at Lola Estella sa pagluwas sa siyudad at rito ko na rin pinatuloy ang aking pagkokolehiyo habang nagwo-working student kami ni Esther. Pagkatapos kong magpaalam sa puntod nila nanay at tatay, iyon na ang huli kong apak sa aming lugar.

    Pasado ala-syete na ng gabi nang matapos ang interview. Pinasalamatan ko ang mga staff at director doon bago ko sinabi sa assistant ko na mauna na siyang umuwi at may daraanan lang ako. Ngunit sa totoo lang ay nais ko lamang mapag-isa. That talk earlier made me nostalgic and at the same time, gave a toll in my heart. Siguro nga, kahit pa sabihin kong naka-move-forward na ako, may parte pa rin sa puso kong hindi mabitawan ang mga alalaala na iyon. Eventhough it hurted me a lot, it was still an important memory for me.

    “Napanuod ko sa online ang interview mo. Naks, may kaibigan na akong artista! Parang kahapon lang, kasama pa kitang magtampisaw sa putikan, ah?”

    Natawa ako nang marinig ang sinabi ni Esther sa kabilang linya. Naka-on ang loudspeaker ko sa cellphone habang nasa gitna ako ng pagmamaneho ng kotse ko.

    “Sira. Wala ka bang ginawa kanina at panuod-nuod ka lang online, ha?” pang-aakusa ko.

    “Heto naman, wala ba kaming break, ha?” aniya na kinatawa ko ulit. “Sayang nga panggabi ako ngayon. Celebrate sana tayo, eh.”

    Napangiti naman ako.

    “Sa susunod. Pwede ka naman bumawi, eh.”

    “Sige ba! Oh siya, magpa-patrol muna kami. Ingat, ha?”

    Nang matapos ang tawag ay napailing na lamang ako. Isa nang pulis si Esther. Nag-took-up kasi siya ng criminology sa college, habang ako ay nag-HRM. More-on baking ako dahil na-inspire ako sa mga baker sa bakery shop na pinagtrabahuhan naming dati ni Esther. Dahil sa pagsisikap, napagtapos ko ang sarili ko at scholar ako mula first year hanggang sa naka-graduate ako. Una akong nakapagtrabaho sa restaurant na pinag-ojt-han ko rin. I did well and learned a lot in the process. Hanggang nga sa nakapag-ipon ako na sapat para makapagtayo ng sarili kong bakery shop. Hindi ko talaga aakalain na papatok ang mga cakes and cupcakes ko. Gradually, my business expanded a lot; I became more successful, hanggang sa nagkapangalan sa larangan ng baking. You could say, I’m one of those recognized pastry chiefs in today’s industry at ang interview kanina ang isang patunay noon. Wala na akong mahihiling pa sa buhay. Alam kong proud na proud sa akin sila nanay at tatay.

    But…I still feel empty. Parang may kulang pa rin.

    Pagkarating ko sa isang resto bar na paminsan kong pinupuntahan kapag gusto kong mapag-isa at magkaroon ng intimate time alone, rito ako pumupunta. Hindi gaanon karami ang tao ngayon dito sa loob dahil hindi pa biyernes. Friday night at weekend talaga ang peak dito.

    “Chief! Magandang gabi po!” bati sa akin ng empleyado roon na kaagad kong nginitian pabalik.

    “One VIP room, please? Iyong sa taas sana,” ani ko na kaagad rin naman nilang sinunod.

    Roon ako pumwesto sa vip room kung saan kita ang mini-stage sa ibaba. Riyan nag-pe-perform ang mga banda at singers nila. Masasarap din ang mga pagkain nila rito lalo na ang mga sweets na siya kong binabalik-balikan. I even complimented their bakers here once at talagang nakatutuwang malaman na na-motivate ko raw sila dahil doon.

    “Tonight, may bago kaming mang-aawit na magpe-perform. Sana ay matuwa kayo sa kauna-unahang stage debut niya sa amin dito. He’s such a talented young man at alam kong magugustuhan niyo siya,” ani ng entertainer nila. “Please come up on stage.”

    Nawala ang atensiyon ko sa stage nang dumating ang mga in-order ko. I heard a strum of a guitar below, pero kinausap pa ako ng waiter kaya hindi ko pa nakikita ang bago nilang singer.

    “’Di ba nga ito ang iyong gusto? Oh, ito’y lilisan na ako. Mga alalaa’y ibabaon. Kalakip ang tamis ng kahapon.”

    Hindi ko alam kung bakit nang marinig ko ang tinig na iyon ay kaagad akong nanlamig. Tila ba tumigil bigla sa pag-ikot ang mundo. My body trembled as I felt my heart ache with unexplainable pain. Unti-unti ay muli akong tumingin sa ibaba at nahigit ko ang aking hininga nang makita ang taong naroon sa gitna ng stage. Nakaupo sa high chair hawak ang isang pamilyar at may kalumaan nang gitara. His eyes was closed and god knows how much I missed to stare at that face na kahit kailan, nakaukit na sa buong pagkatao ko.

    “Pasensya ka na sa mga kathang-isip kong ito. Wari’y dala lang ng pagmamahal sa iyo. Ako’y gigising na sa panaginip kong ito. At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa…”

    Nagmulat siya ng mga mata at hindi ko alam kung mapaglaro ba talaga ang tadhana pero saktong nag-angat siya ng tingin sa kinaroruonan ko. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa punto na iyon. Nawala ang ibang tao sa ibaba at tila ako at siya na lamang ang naroon. I was welcomed by his emotionless face, but eyes filled with longing and regrets.
   
    It’s been almost 5 years…

    “Roshan…”

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon