Dahan: 1

364 14 1
                                    

KABANATA 1

    “Promise na forever tayong magkasama? Promise?” nakangiti kong tanong sa harap niya habang nakataas ang aking pinky finger.

    Naghintay ako at hindi ako nabigo nang walang pag-alinlangan na tinaas niya rin ang kaniyang pinky finger at ipinaikot iyon sa akin. Nabalutan ng galak ang aking puso. Siguradong-sigurado na! Siguradong-sigurado nang habangbuhay ay magkasama kaming dalawa. Sobrang saya ko!

    “Promise,” maangas niyang tugon.

    Unti-unting nagmulat ang aking mga mata at ang nakasisilaw na liwanag ng araw kaagad ang sumalubong sa akin. Nakatihaya pa ako rito sa aking katre habang ramdam ko rin na nakanganga ang aking bibig. Kaagad ko iyong sinara at pinunasan ang laway sa gilid. Dahan-dahan akong bumangon habang kinukusot ang aking mga mata. Nagbinat ako ng katawan at nang humikab ay muli kong naalala ang aking panaginip.

    “Kapag naiisip ko iyon ngayon, ang childish pala,” pilig ang ulo na bulong ko sa aking sarili.

    “Miko, anak, gising ka na ba? Maaga akong aalis at magiging busy kami ngayon sa mansiyon ng mga Villaruel,” si nanay iyon na kumatok sa aking pinto.

    “Opo, nay! Gising na po. Lalabas na po ako para makapag-agahan na tayo,” sagot ko sa kaniya.

    Narinig ko ang mga yabag ni nanay paalis kung kaya nagmadali rin akong umalis sa aking katre para maghilamos at magmumog. Inayos ko muna ang higaan ko bago tuluyang lumabas ng aking kwarto. Pagkababa ay amoy na amoy ko na ang agahang niluto ni nanay. Sinangag at tuyo! Nakalalaway kaagad!
   
    “Magandang umaga, nay,” bati ko kay nanay at humihikab pang naupo sa aming kainan. Tama nga ako, tuyo at sinangag ang nakahain doon. Sarap! Napakiskis ako ng mga kamay.

    “Magandang umaga rin, anak. Naku, pagkakain aalis na kaagad ako, ah? Kung aalis ka ngayon para mamasyal, i-lock mo ng mabuti ang mga pinto,” paalala niya.

    “Opo.”

    Nagdasal muna kami ni nanay bago kami nagsimulang kumain. Dalawa lang kami ni nanay dahil wala naman akong kapatid at si tatay, dalawang-taon na ang nakalipas noong mamatay dahil sa malubhang karamdaman. Nagtatrabaho si nanay bilang isa sa mga labandera sa isa mga pinakamayang angkan dito sa aming lugar – ang mga Villaruel. Matagal na roong nagtatrabaho si nanay sa kanila, minsan nga ay sumasama pa ako. Hindi naman mahigpit ang dalawang matanda na nakatira roon, natutuwa lang talaga ako sa malawak at maganda nilang hacienda.

    “Oh siya, aalis na ako, Miko. Ang bilin ko, ha?” paalala niya ulit habang papaalis na. Hindi ko manlang natanong kung ano ang ganap ngayon sa mga Villaruel at nagkukumahog siya.

    “Opo, nay!” sigaw ko na lamang mula sa kusina habang naghuhugas ng aming pinagkainan.

    Dalawang araw na lamang ang natitira mula sa aming bakasiyon dahil sa makalawa ay pasukan na ulit. Napagplanuhan naming magkakaibigan na maligo ngayon sa tagong falls medyo may kalayuan sa bayan. Papasok na iyon sa mga kakahuyan at malayo na sa sebilisasiyon, ngunit dahil sanay na kami at hindi na rin naman bago sa amin ang daan patungo roon ay hindi na nag-aalala ang mga magulang namin. Kung tutuusin nga, destinasiyon talaga iyon ng mga taga-rito. Bukod sa malinaw na tubig ay napakapayapa rin doon at maganda.

    Third year highschool na kami sa pasukan, parang kailan lang kung tutuusin. Excited na akong makapagtapos para makapagtrabaho na at makatulong kay nanay, kaso may parte sa akin na natatakot. Partikular sa puso ko. Natatakot akong magkalayo-layo na kami. Natatakot akong magkahiwa-hiwalay na kami. Natatakot akong… baka hindi na maging kagaya ng lahat ang dati. Dahil kapag tumuntong na kami sa stage na iyon, papasok na rin ang pagbuo namin ng sarili naming mga buhay at pagkatapos ay pagpapamilya. Tila… hindi ko yata kaya.

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon