Dahan: 36

193 8 3
                                    

KABANATA 36

    Kabado ako habang nasa daan na papunta ng lugar kung saan magkikita sila Roshan at Nathan. Kanina lang pinaalam sa akin ni Nathaniel ang lugar at oras at dahil medyo naging busy sa shop kanina, heto ako ngayon at hindi na magkandaugaga sa paghabol. Nainis nga si Esther at saktong duty niya ngayon, hindi raw siya makasasama. Si Roshan naman ay nagsabi na malapit na rin siya sa lugar. I texted Nathaniel at naroon na raw sila ng kapatid niya. I felt so nervous. Magkakaharap na ulit kaming lahat. I could feel my hands shaking so much.

    “Kalma, Miko. Kalma,” alo ko sa sarili ko.

    Nang matanaw ang hotel kung saan sa loob ay may pribadong coffee shop kung saan kami magkikita, dumoble na ang tibok ng puso ko. Bahagya akong napasinghap nang mamataan ko si Roshan sa labas ng hotel, tila naghihintay. He’s eyeing the road na tila may inaabangan, ang mga kamay ay sa magkabilang bulsa. Even from where I am, I could see how tensed he is.

    Dagli akong lumiko patungong parking lot para maparke na ang kotse ko. Nang masigurong maayos kong naiparada ay kaagad akong lumabas. Malalaking hakbang ang ginawa ko patungong harap ng hotel kung saan ay naroon na ang kababata ko. Hindi pa rin niya nakikita na naririto na ako.

    “Rosh,” tawag ko sa kaniya bago marahan na hinawakan siya sa braso.

    Noong una ay tila gulat siya, nang makitang ako ay tila nakahinga siya nang maluwag. His eyes softened.

    “Akala ko hindi ka na makapupunta. Sabi mo kasi busy ngayon sa shop mo,” malumanay niyang ani.

    “Pasensiya na. Hindi pala ako nakapag-text sa’yo na papunta na ako. Masyado na kasi akong nagmadali.”

    Mababaw siyang tumawa at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. My heart pounded at the sight of his and my hand enterwined together. Pilit ko lang na sinisiksik sa utak ko na wala lang, ngunit hindi ko talaga maipagkakaila ang kakaibang pakitutungo na ito ni Roshan sa akin simula nang magkita kami ulit. Ang mga titig niya sa akin ay kagaya noon sa mga titig niya kay Nathan.

    Am I being delusional?

    “Tara?” nakangiti niyang ani at dahil hindi na ako nakapagsalita, binigyan ko na lamang siya ng tango.

    Magkahawak-kamay, sabay kaming pumasok ng hotel. Palihim kong hinila ang kamay ko sa pagkahahawak ni Roshan sa aking kamay dahil may iba na kaagad na napatingin sa akin, ngunit naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa akin. Bahagya siyang nauuna sa paglalakad kaya ang likod niya ang nakikita ko ngayon at hindi ang mukha niya. Wala akong nagawa kong hindi yumuko na lang at tahimik na naglakad, pinapanalangin na sana makarating na kami sa lugar na pupuntahan. Iniisip ko noon na bakit ayaw niya akong bitawan? Balak ba niya na makita kami nila Nathan na ganito? Para ano? May patunayan kay Nathan?

    Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko. Am I really delusional or am I being used?

    Nang nakita ko na papasok na kami sa kapehan na pagkikitaan, tahip-tahip na ang kaba ko. Pilit ko pa ring hinihila ang kamay ko mula kay Roshan, ngunit halos pigain niya na iyon.

    “Rosh…” tawag ko sa pansin niya ngunit tila wala siyang naririnig.

    “Finally, you guys are here.”
   
    Napasinghap ako at diretsong napatingin sa harap nang marinig ang boses ni Nathaniel. Sabay niyang napatayo mula sa pagkauupo si Nathan na malaki ang pinagbago sa pisikal na anyo. He matured a lot, he became more handsome. Nang makita kami ay bahagyang umawang ang labi niya at kaagad na napatingin sa magkahawak naming kamay ni Roshan. My knees started shaking at palihim pa ring hinihila ang kamay ko.

    “Why don’t you guys take a seat?” nakangiting sabi ni Nathan kaya wala sa sarili na napatingin ako kay Roshan.

    Nakita ko siyang ngumiti rin dito pabalik bago bumaling sa akin. I was amazed how his gaze was just normal earlier, ngunit nang mapatingin sa akin ay tila ba punong-puno iyon ng adorasiyon para sa akin. My lips trembled. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa punto na iyon.

    “Tara, Mik?” anyaya ni Roshan para maupo kaya nagpatianod na lang ako.

    Magkatabi kami sa upuan habang ang magkapatid na Villaruel ang nasa harap namin. Buti na lang wala rin si Nathalie rito.

    “Ano ang gusto niyong order-in?” palakaibigang tanong ni Nathan sa amin.

    “A-Ah… kahit ano lang sa akin,” ani ko at narinig kong ganoon din daw si Roshan.

    Si Nathaniel ang nagtawag ng waiter para sa mga order namin. I felt awkward. Mukhang mas magandang ideya pala kung ang mag-ex na lang ang magkaharap ngayon at wala na kaming mga sabit lang.

    “Long time no see…” ang nakangiti at biglang sabi ni Nathan kay Roshan.

    “Long time no see.” Tumango si Roshan sabay ngiti rin sa kaniya.

    Tinignan ko silang dalawa ng maigi at natigilan ako ng makita ang kakaibang contentement sa kanilang mga mata. Walang pagmamahal, wala ring sakit. Tila ba genuine talaga silang dalawa sa kasiyahan na makita ulit ang isa’t isa, pero bukod roon, wala na. Hindi na kagaya ng dati.

    “Long time no see rin, Miko.”

    Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko nang ako naman ang batiin ni Nathan. Ramdam ko ang pagpisil ni Roshan sa kamay kong hawak niya pa rin sa ibaba ng lamesa. Hindi pa rin humhupa sa pagtibok ang puso ko.

    “L-Long time no see rin…” ani ko, pinilit na ngumiti.

    Nakangiti pa rin ay muling bumaling si Nathan sa kababata ko. I saw something glinted in his eyes. Tila ba amused siya sa kung ano.

    “You’re happier now the last time I saw you, I see,” makahulugan niyang sabi kay Roshan na kinakunot ng noo ko.

    Tumingin ako sa kababata ko ngunit muntik nang tumalon ang puso ko nang sa akin pala siya nakatingin. Magiliw niya akong tinignan. I saw that familiar longing in his eyes na nakita ko rin noong una kaming magkita. I felt like choking up. Kaagad na nag-init ang magkabilang gilid ng mga mata ko. I am confused and nervous at the same time.

    “Oo,” halos pabulong niyang sagot sa sinabi ni Nathan ngunit hindi pa rin inaalis ang paningin sa akin. “Sobrang saya dahil kasama ko na ulit ang taong mahal ko.”

    Ano raw? Taong mahal niya? Niloloko niya ba ako ngayon?

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon