Dahan: 13

112 3 0
                                    

KABANATA 13

    Tama si Esther, kailangan ko nang gumalaw. Pinag-isipan ko ng mabuti ang sinabi niya at natanto ang kaniyang punto. Sabi nga nila, “Live without regrets.” Minsan kasi, mas masakit ang mga salita na hindi mailabas o maisabi lalo na sa mga taong mahal natin. Kumpyansa kasi ako noon habang naduduwag pa dahil wala namang ibang nakalapit ng ganito si Roshan. Lagi lang kaming tatlo, lagi lang ako. Ilang beses din niyang hinindian ang mga babae na umaamin sa kaniya na lihim kong kinatutuwa at mas kinakatakot din dahil baka kapag ako rin ang umamin ay ganoon din ang resulta at mas malala, mawala pa siya sa akin.

    Sa pagdating ni senyorito Nathan at sa mabilis nilang paglapit ni Roshan, doon isinampal sa akin na mas mainam pa rin palang may ginawa ako. Na mas mabuti pala ang mga babae na iyon sa pag-amin nila kahit malaki ang nawala sa kanila nang hindian sila ni Roshan. Ngayon, mas dumoble lang ang takot ko dahil sa presensiya ng senyorito Nathan. Handa na ba ako kahit anong mangyari? Kahit ang nakataya rin sa pag-take-risk kong ito ay ang taong pagkakaibigan namin ni Rosh?

    “Falls?” inosente at nagtatakang tanong ng senyorita Nathalie nang marinig ang sinabi ni Esther.

    Close na rin talaga ang dalawang ito. Kahit na ahead kami ng isang level sa senyorita, mas malapit pa rin talaga siya sa amin kaysa sa mga kaklase niya. Iyon lang, friendly naman talaga siya at masiyahin kaya wala namang naiinis sa kaniya, kay senyorito Nathan lang talaga na ubod ng sungit.

    “Oo, may tagong falls kaming pinagmamalaki rito sa aming probinsiya, senyorita! Baka gusto niyo sumama sa amin doon after exams. Gawain talaga naming tatlo ito lalo na pagkatapos ng exams para makapag-relax,” pagmamalaki ni Esther.

    “Oh my god! Really?” Kumikinang ang mga matang bumaling siya sa kuya niya. “OMG, kuya, let’s go! Papayagan naman tayo nila Mom niyan as long as kuya Nathaniel will come with us!”

    Bagot siyang tinignan ni senyorito Nathan na mukhang hindi interesado sa narinig. Nairita yata sa ingay ng kapatid niya kagaya ng nakasanayan. Minsan nga natatawa na lang kaming tatlo sa kanilang dalawa lalo na kapag nagsimula na silang magsagutan. Para silang sina Tom at Jerry.

    “How sure are you kuya would be there? He’s busy, Nathalie,” aniya na kaagad sinimangutan ng kapatid.

    Ayan na, warla na ‘yan.

    “You’re so killjoy talaga! Pabo! (Idiot in Korean.)”

    Shuta, walang palya ang bangayan nila. Natatawa na lang na pinanuod namin sila ni Esther. Narito kasi kami sa may field ngayon. Katatapos lang naming mag-take ng exam. Hinihintay namin si Roshan na as usual, naroon pa at hindi tapos. Binulong ko na sa kaniya kanina kung ano ang gagawin sa essay, pero hanep at diyes minutos na magmula nang matapos ako, wala pa rin siya. Nauna pa sa kaniya ang senyorita Nathalie bumaba rito sa amin. Napagdesisyunan kasi naming lahat kaninang umaga na rito pumunta kapag natapos nang mag-take at dito na rin kami kakain ng tanghalian. Nauumay na rin kasi sa canteen ang dalawang Villaruel.

    “Mikmik!” Nagulat ako mula sa kinauupuan ko nang mula sa aking likod ay yumakap si Roshan. “Napudpud yata ang utak ko roon sa essay, tangina!”

    Natawa ako nang malakas sa sinabi niya. Seryoso na siya noong nag-review kami, same reaction pa rin ang kinalabasan niya sa huli. Pabiro ko siyang tinulak at pasalampak naman siyang naupo sa tabi ko kaharap ang dalawang magkapatid na nagbabangayan pa rin. Inis na ginulo ni Roshan ang buhok niya at parang tuta na tumingin sa akin. Pinitik ko ang noo niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

    “Hanep ka! Effort ko na ngang ibulong sa iyo halos lahat ng sarili kong essay natagalan ka pa rin. Baka pandinig na problema mo, Rosh,” barumbado kong saad sa kaniya.

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon