Dahan: 8

145 7 0
                                    


KABANATA 8

    “Ano ‘yun kanina?” usisa ni Roshan habang naglalakad na kami papasok sa eskwelahan.

    Nakauwi na rin si senyorito Nathaniel. Nailang ako sa ginawa niya kanina, ngunit mabuti naman at umalis din siya kaagad pagkatapos noon. Nauna nang maglakad si senyorito Nathan na kagaya sa kasanayan ay parang galit sa mundo. Magkasabay sila Esther at senyorita Nathalie habang masayang nag-uusap. Kaming dalawa ang naiwan ni Roshan sa likod. Pakiramdam ko ay matagal na panahon nang hindi ko siya katabi habang naglalakad habang kamakailan lang naman nangyari na palagi siyang nahihiwalay sa amin dahil kay senyorito.

    “Ano na naman?” Tinaasan ko siya ng isang kilay.

    “Bakit kayo nakasabay kay senyorito Nathaniel at sakay pa sa kotse, ha?” maangas niyang ani sabay maangas ding tango.

    “Bakit masama ba? Tsaka nadaanan niya lang kami ni Esther at hindi alam ang daan patungo rito sa eskwelahan natin. Sinabay niya lang kami dahil papunta na rin lang kami rito,” mahaba kong ekspleka.

    Roshan narrowed his eyes at me. Ganiyan ‘yan kapag nagdududa sa akin. Dahil nga mula pa noon ay umiikot na ang mundo namin ni Roshan sa isa’t-isa, may mga pagkakataon ding protective kaming dalawa sa bawat isa. Minsan nga noong maliliit pa kami, walang nagtatangkang umaway sa akin dahil malalagot daw kay Roshan. Minsan naman kapag kasama ako ni Roshan at may mga babaeng nagtatangka na lumapit sa kaniya para makipaglapit o humingi ng numero, nag-aalangan dahil nariyan ako. Kahit sa mga ganoong maliliit na bagay ay sobrang saya ko na, kahit na ako lang naman ang naglalagay ng malisya. Alam ko kay Roshan ay natural lang iyon dahil magkababata kami, mag-bestfriend, gano’n. Kahit sa mga nakapaligid sa amin ay ganoon din. Sino ba naman ang mag-iisip ng iba sa aming dalawa dahil pareho kaming lalaki? Kung babae sana ako baka matagal na kaming namalisyahan, eh. Gano’n minsan kapag babae at lalaki ang mag-bestfriend.

    “May papisil-pisil pa sa pisngi mo, ako lang naman gumagawa no’n,” dinig kong maktol niya kaya natawa ako.

    Pabiro ko siyang sinuntok sa braso at ang gago nag-make-face pa sa harap ko.

    “Ano ka bata? Ikaw nga kanina nakita ko may paakbay-akbay at pagpisil din kay senyorito. Akala mo hindi ko nakita?” tukso ko pabalik. “Lumalaki na ang mundo natin, Rosh. Natural nang mas daragdag ang mga kaibigan natin, hindi na lang ako at ikaw o ako, ikaw, at si Esther.”

    Nakatingin lang ako sa harap namin habang sinasabi iyon. Para bang ang bawat katagang sinabi ko ay sinasabi ko rin para sa sarili ko. Alam kong alam din ni Roshan iyon. Na ang daang tinatahak namin dati na kami-kami lang ay may sasabay rin sa amin. Ang mga tawanan, biruan, asaran, o ang mga mumunting pisikal na mannerism na sa bawat isa lang namin naibibigay noon ay magagawa na rin namin sa iba. Dahil lumalaki na kami at umuusad na rin ang mundo namin. Masakit man, pero iyon ang katotohanan.

    “Tsk.” Bigla siyang umakbay sa akin. “Pero ikaw pa rin ang number 1 kong bestfriend, Mik. Iyan ang hindi magbabago.”

    Ngumiti siya sa akin at pinisil ang pisngi ko. Noong malapit na kami sa classroom ay sumabay na siya kay senyorito bitbit ang mga gamit nito. Mapait akong napangiti sa aking sarili. Napatigil pa ako sa paglalakad at tinanaw siya roon sa harap ko. Medyo malayo na sa akin.

    Numero unong bestfriend. Siguro nga habangbuhay na iyon. Bestfriend lang tayo. Pero kung usapang pagbabago? Hindi natin sigurado kung hindi nga magbabago ang lahat, Roshan. Dahil dati naglalakad tayo, nasa tabi lang kita. Ngayon naglalakad tayo, nasa harap ka na at katabi ng iba. Hindi ako. Hindi na lang ako. Gusto kitang ipagdamot kahit kanino, ngunit mula noon, alam kong hindi tama iyon. Hindi kita hawak. Hindi ka akin. Dahil bestfriend lang tayo.

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon