Dahan: 40

142 5 0
                                    

KABANATA 40

    “Sinasabi niyo ba sa akin ngayon na kayo na?” hindi pa rin makapaniwalang ani Esther sa harap namin ni Roshan habang nakaturo pa sa aming dalawa. “Teka, teka nga! Hindi pa nga ako nakamo-move-on na kasama na natin ulit ngayon si Roshan. Tapos hindi pa kayo ayos, hindi ba? Kailan kayo nagbati? Masyadong mabilis, ipaliwanag niyo sa akin ng mabuti!”

    Nagpabalik-balik siya ng lakad sa harap namin habang nakapamewang. Sina Betty naman na noo’y busy sa pag-entertain nga mga costumer sa shop ay natatawa kaming pinapadaanan ng sulyap. Kaninang umaga nga nang makitang hinatid ako rito ni Roshan ay nanunukso niya akong tinignan. Hindi ko na sila binigyan ng pakialam and openly flaunt my status because I am proud of my handsome boyfriend. Manghusga na ang mapanghusga at mainggit na ang mga walang jowa.

    Nagkatinginan kami ni Roshan at pareho kaming may natatawang expresiyon sa aming mga mukha.

    “Maupo ka kaya muna rito? Kami ang nahihilo sa’yo,” ani Roshan kay Esther na kaagad sumimangot.

    Hindi naman siya kumontra at pasalampak na naupo sa upuan kaharap namin. Mariin niya kaming tinitigan ni Roshan na para kaming nahuli sa isang malaking krimen na nagawa. Grabe, iba talaga kapag pulis na.

    Bumuntonghininga ako bago nagsimulang mag-expleka.

    “Umamin si Roshan sa akin na matagal na niya akong gusto at pinatunayan ni Nathan sa akin iyon. Medyo hindi kasi naging maganda ang resulta ng pagkikita ulit nina Roshan at Nathan.” Napatingin ako kay Rosh nang humigpit ang hawak niya sa kamay ko at natagpuan ko rin siyang nakatingin sa akin. “Pagkatapos noon ay pumunta si Nathan dito mismo sa shop, kinausap ako, and well… told me some secrets.”

    Mababaw akong natawa nang maalala ang araw na iyon. I was flabbergasted. Halos hindi ako makapaniwala sa mga narinig. Although one week na ang nakalipas mula noon at naging madalas na ang komunikasiyon namin ni Nathan na naki-a-update sa amin ni Roshan, parang panaginip pa rin sa akin ang lahat. Who knew I could be friends with my lover’s ex and who knew I got to be with Roshan now? It felt very surreal.

    “Sabi ko na nga ba!” Nanlalaki ang mga mata maging mga butas ng ilong na sigaw ni Esther kay Roshan. “Pa-Nathan-Nathan ka pa noon pero grabe ka makatingin kay Nathaniel kapag magkasama sila ni Miko. Para kang inagawan ng lahat-lahat, eh.”

    Umiling-iling si Esther bago malakas na natawa. Natawa rin ako nang makita kong nalukot ang mukha ni Roshan dahil sa sinabing iyon ni Esther. He pinched my cheek pero nangiti rin nang makita akong masaya.

    “Pasensiya na kayo, ah? Sa ML lang kasi ako hindi slow noon,” maktol niya kaya mabilis ko siyang hinalikan sa kaniyang pisngi.

    Nakita kong ngumiwi si Esther sa amin kaya pinakitaan ko siya ng dila. Umirap ang gaga sabay napayapos sa sarili niya na tilang diring-diri sa nakikita.

    “Para pala kayong mga tanga dati tapos ngayon ganiyan na kayo sa harap ko. Pwede ba akong magsuka ngayon?”

    “Ikaw nga nakasusuka pagmumukha mo mula pa noon hindi naman kami nagreklamo ni Miko,” sabat naman ni Roshan na kinahalakhak ko.

    Nagsimula na naman sila sa bangayan nilang dalawa. That moment, I immediately felt so complete. Kung sa mga libro ay kitang-kita ko na ang happy ending. Para mang panaginip ang lahat, pinanalangin ko na hindi na magwakas pa ang kasiyahang nadarama ko ng mga oras na iyon. Buo na ako. Wala na akong mahihiling pa.
   
    “Ter, ikaw? Sabi ni Nathan babalik na sila ulit bukas sa Korea. Wala ka bang balak na… kausapin si Nathalie sa huling pagkakataon?” tanong ko kay Esther noong hinatid na namin siya sa labas dahil papasok na siya sa duty niya.

    Nakita kong natigilan siya bago marahan na hinaplos ang kaniyang batok. May maliit na ngiti sa kaniyang mga labi.

    “Hindi na siguro kailangan, Mik. Wala naman na kaming dapat pag-usapan. Isa pa, ayos na sa akin na hindi niya malaman kailanman ang nararamdaman ko para sa kaniya noon.” Sinsero siyang ngumiti pagkatapos. “Masaya na ako ngayon. Masaya na ako sa April ko.”

    Pinakatitigan ko si Esther at nang makitang walang bakas ng lungkot o pagsisisi sa mga mata niya’y nakuntento na ako. Ang marinig mula sa kaniya na masaya na siya ngayon ay ayos na sa akin. Esther was the one who was with me through thick and thin kaya nais ko ring madama niya na nariyan din ako para sa kaniya. She’s a family to me, sila ni Lola Estella.

    “Ikumusta mo na lang muna ako sa mga magulang mo, Rosh,” bilin niya pa.

    Tinapik ko siya sa kaniyang balikat noong magpaalam na siya sa pag-alis. Simple lang ding kumaway si Roshan sa kaniya bago bumaba ang kamay niyang iyon at pumaikot sa bewang ko. Nagkatinginan kami at matamis na ngumiti sa isa’t isa.

    “Handa ka na ba?” tanong niya, tinutukoy ang balak naming ngayon na i-legal sa mga magulang niya ang relasiyon namin.

    I gently held his face with one of my hand. Pinadaanan ko ng paningin ang buo niyang mukha at bawat pintig ng puso ko ay nagsusumigaw kung gaano ko siya kamahal. Mula noon, hanggang ngayon.

    “Tara.” I kissed the tip of his nose. “Sa sunod naman ay roon tayo sa puntod nina Nanay.”

    He chuckled until he leaned in to give me a warm and sweet kiss.

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon