Dahan: 39

144 10 5
                                    

KABANATA 39

    I never knew that silence could be this comforting, ngayon lang. Ang tanging naririnig ko lang noon ay ang ritmo ng aming paghinga at ang magkatugmang tibok ng aming mga puso. Kapwa kami nakaupo ngayon sa may kadilimang bahagi ng shop. Magkatabi kaming nakaupo sa isang upuan, magkawak ang aming mga kamay at ang ulo ko ay nakapatong sa balikat ni Roshan. Akala ko hindi na ito mangyayari pa kailanman. Hindi na ako umaasa dahil dahan-dahan ko nang tinanggap, ngunit may takdang oras at panahon yata para sa amin ang tadhana.

    Sana nga… kami talaga.

    “Kumalma ka na ba?” ang masuyong tanong ni Roshan sa tabi ko habang ramdam ko ang paglalaro ng mga daliri niya sa akin.

    Mababaw akong tumawa. Tila musika ang boses niya sa pandinig ko. Naramdaman ko pang hinalikan niya ako sa tuktok ng aking ulo at ang bango niyang nanunuot sa aking pang-amoy ay tila hinihila ang bawat talukap ng aking mga mata.

    “Ayos na ako. Ano nga pala ang ginagawa mo rito?” tanong ko na hindi ko na kaagad natanong kanina dahil kinailangan ko pang kumalma mula sa pag-iyak.

    Narinig ko ang malalim na buntonghininga ni Roshan.

    “Balak ko sana kasing pag-usapan natin ulit iyong huli nating pag-uusap, Mik. Nag-aalala ako at hindi ako pinapatulog ng mga kaisipan na kung hindi tayo magkalinawan ay baka tuluyan ka nang mawala sa akin,” namaos ang boses niya nang sinabi ang huli. “Ngunit hindi ko naman akalain na makikita kita rito kanina na umiiyak. Ano ba ang nangyari, hm?”

    Umalis ako sa pagkasasandal sa kaniya para maayos siyang maharap. Pinakatitigan ko ang mukha niya hanggang sa dumapo iyon sa mga labi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ang nangyari kanina. I pursed my lips at kaagad nahiya nang umangat ang sulok ng labi niya, tila nanunukso.

    “Pumunta kasi rito si Nathan kanina.” Kita ko ang pagkapawi ng ngiti niya nang marinig iyon. “Marami siyang sinabi sa akin tungkol sa nakaraan at nakatulong iyon para malinawan ako para sa magiging desisyon ko ngayon.”

    Kaagad na nagdaan ang takot at alalaa sa mukha ni Roshan. Humigpit ang hawak niya sa isa kong kamay kaya ang isang malaya kong kamay ay dumapo sa pisngi niya. Marahan iyong humaplos doon. Noon ko natanto na kahit labis akong nasaktan noon, kahit pinangako ko sa sarili ko na ayaw ko na, hindi ko pa rin maloloko ang sarili ko sa tunay kong nararamdman ngayon.

    Mahal na mahal ko pa rin si Roshan.

    “May hindi maganda ba siyang sinabi sa iyo kaya umiiyak ka kanina?” aniya at may bahid ng kaba akong narinig sa boses niya.

    Ngumiti ako at umiling.

    “Sabi niya sa akin ay hindi mo naman daw siya lubusang minahal dahil habang nasa kaniya ka, ako naman daw lagi ang bukambibig at hinahanap mo.” Natawa ako nang makita kong mamula ang magkabila niyang pisngi.

    Ngumuso siya at umiwas ng tingin. Natatawa ko namang hinuli ang titig niya. Sa huli ay pagilid niya akong tinignan bago siya umungot at mahigpit na pinisil ang magkabila kong pisngi. Looked like my cheeks missed Roshan’s pinches. Lagi niya iyang ginagawa noon sa akin.

    “Naniniwala ka na ba ngayon sa akin?” taas ang isang kilay niyang tanong.

    Malawak ang ngiti sa mga labi akong tumango. Baka nga nangingislap pa ngayon ang mga mata ko kaya biglang tumamis ang ngiti ni Roshan.

    “Naniniwala na ako,” halos pabulong kong ani. “Nagtitiwala ako sa iyo, Rosh.”

    Nakita kong tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Ang kaninang kaba na bumabalatay sa mukha at mga mata niya ay napalitan na ng kaginhawaan. Pinakawalan niya ang mga pisngi ko bago niya ako niyakap. Ramdam ko kaagad ang mainit niyang hininga sa aking leeg nang ikulong niya ang kaniyang mukha roon. Yumakap ako pabalik sa kaniya. Bahagayang pumarte ang mga labi ko nang maramdaman ko ang pag-amoy niya sa akin.

    “Pasensiya na kung huli ko nang natanto, Mik. Pasensiya na kung hindi ko kaagad nakita ang halaga mo. Pasensiya na kung kinailangan mo pang masaktan dahil lang sa katangahan ko. Noong mawala ka sa akin, hindi na ako umaasa na ibabalik ka pa sa akin ng tadhana at kung mapapatawad mo pa ako kung sakali mang magkita tayo ulit.” Bahagya siyang natahimik at humigpit ang yakap sa akin. “Ngunit ngayon narito ka na sa akin, gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawala ulit sa akin. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito. Hindi ko na kaya. Mahal na mahal kita, Miko.”

    Mabilis na nagsipatakan ang mga luha ko sa aking mga mata sa labis na saya. Pakiramdam ko ay worth it ang lahat ng sakit na nadama ko noon dahil narito na si Roshan sa akin ngayon. Hindi ko man alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap o kung kami man hanggang sa huli, tanga na siguro ako kung pakakawalan ko pa siya ngayon. Matagal kong inasam at pinangarap ito kaya handa na akong tanggapin.

    “Mahal na mahal din kita, Roshan,” halos pabulong kong sagot sa kaniya. “Mahal na mahal.”

    Dinig ko ang pagsinghap niya at pagkatapos ay marahan akong tinulak para magkatinginan ulit kami. Nakita kong nanunubig ang mga mata niya ngunit may malawak siyang ngiti sa mga labi. He carefully wiped my tears away at pagkatapos ay hinalikan ako sa aking noo. Napapikit ako upang damhin iyon. Bumaba ang halik niya sa aking ilong, sa magkabila kong pisngi, at nang tumigil siya ay napamulat ako. He traced my lower lip with his thumb.
   
    “Maaari ba kita ulit na halikan dito?” paghihingi niya ng permiso, tinutukoy ang mga labi ko.

    My lips parted and I gave him a nod for a signal. Ang sumunod na eksena ay ang paglapit ng mukha niya sa akin. I saw him closed his eyes kaya ganoon din ako. Nang maglapat ang mga labi namin ay kaagad kong naramdaman ang kakaibang kuryente at tamis na tumama sa buo kong sistema. Noong una ay marahan lang ang halikan naming hanggang sa kumatok ang dila ni Roshan sa akin. Suminghap ako at nakapasok ang dila niya na kaagad nagtagpo sa sarili kong dila. Naging malalim at mapusok ang halikan namin na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay kong mahigpit nang nakakapit sa kaniyang damit.

     “Hmm…” I hummed, feeling the heat slowly creeping at my body.

    Sa tahimik na shop ay tanging ang tunog ng halikan lang namin ang maririnig. I felt his hand at my back, gently rubbing up and down. Nang halos kapusin na kami ng hininga ay tsaka lang kami naghiwalay sa halikan. Hapo at namumungay ang kapwa naming mga mata nang tignan naming ang isa’t isa. Dinikit niya ang kaniyang ulo sa akin habang pinapakalma namin ang aming mga sarili. Man, that was wild!

    “Akin ka na,” he hoarsely declared. “Akin ka na, Miko.”

    A smile made its way on my lips. Sa wakas, akin ka na rin.

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon