Dahan: 15

139 6 0
                                    

KABANATA 15

    Promises were meant to be broken. Iyan ang paniniwala ng karamihan. Kaya nga huwag ka raw mangako kung sa tingin mo ay hindi mo naman kayang panindigan. Ngunit para sa akin, promises were meant to be made and were not meant to be broken. Kasi kapag nangangako tayo o nagbitaw tayo ng pangako, ang sigurado lang tayo ay sa ngayon. Hindi natin hawak ang mga susunod na mangyayari sa buhay natin kaya hindi natin dapat sisihin ang ating mga sarili o ang mga nangako sa atin kung nabali man ang ating mga pangako. It wasn’t meant, it just that, people’s feelings changed as days passed.

    Kaya nga kung hindi man namin mapinindigan ni Roshan ang pangako naming panhabangbuhay kaming magkasama, hindi ko siya sisisihin at ayaw ko ring sisihin niya ako. We made it that time because we were certain and sure we could fulfill it, ngunit ngayon, lumalayo na iyon. Why would we blame ourselves for that? Hindi naman namin ginusto ang mga nangyayari ngayon. Hindi kasalanan ni Roshan na hindi niya ako gustuhin at hindi ko rin kasalanan na gustuhin siya. It just happened.

    Natigil ako sa pagsusulat at napatingin sa paligid. Noon ko lang napansin na halos ako na lang pala ang tao sa loob ng tahimik na library. Napahilot ako ng aking noo. Ilang araw ko na nga bang ginagawa ito?

    “Halata ka na yata masyado, Miko,” bulong ko sa aking sarili.

    Magmula noong araw na iyon sa falls, nagsimula na akong umiwas kay Roshan. Iniyak ko lahat ng sakit sa gabi ring iyon. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakauwi noong araw na iyon na hindi pinapahalata sa kanilang lahat na may dinaramdam ako, lalo na kay Esther na obserbante, lalo na sa akin. Simula noon, pilit kong iniiwas ang puso ko sa mas makasasakit pa lalo sa akin. Ayoko nang lumaban gayo’ng klaro na sa akin ang pagkatalo. Ayaw kong sirain ang namumuo kila Roshan at senyorito Nathan. Ayaw kong maging dahilan ng sakit sa kanilang dalawa. Ayaw kong maging hadlang. Dahil kung masaktan ko man ang isa sa kanila lalo na si Roshan, hindi rin ako magiging masaya.

    Mainam pang ibaon ko na lang ang damdamin kong ito sa hukay at ituon ang pagpalaya ko sa aking sarili sa sakit.
   
    “Mabuti pa magligpit na ako ng gamit…”

    Naging routine ko na ang pumuntang library nitong nakaraan lalo na kapag break. Dinadahilan ko ay nagtitipid na kami ni nanay at nagbabaon na lamang ako, hindi na ako makabibili sa canteen. At dahil alam ko rin na boring sa kanila ang library, good choice iyon na pagkublian ko. Noong una umangal sila lalo na sila Roshan at Esther, ngunit sa huli ay wala na rin silang nagawa. Aaminin ko na minsan umaasa ako na susunod sila sa akin lalo na si Roshan o hindi kaya paglabas ko ng library nariyan sila at nakaabang, ngunit nakalulungkot na hindi nangyari iyon. Na tila ba sa paglaki ng aming mundo na hindi kagaya noon na sa aming tatlo lang umiikot ang pagkakaibigan namin, ngayon ayos lang kung ang isa sa amin ay naisin na lumayo at mag-mature mag-isa. Ayos lang na ang isa sa amin ay magkaroon na ng ibang kaibigan bukod sa amin. Lalo na si Roshan at ako dahil kami talaga ang kambal-tuko. Ngayon nga ay sanay na ang mga tao na hindi kami magkasama. Wala nang nagtatanong kung hindi kami magkasama dalawa dahil nariyan na ang mga Villaruel. Sanay na silang sila ang nakikitang kasama sa grupo namin.

    Ayos na rin siguro ito para maihanda ko ang aking sarili kapag nagkaniya-kaniya na kami ng buhay. Ngunit sila kaya, nakakaya na talagang wala ako? Lalo na si Roshan?

    “Oh, narito na pala ‘tong tropa natin na anak na ng library.” Nagulat ako nang marinig ang sinabi na iyon ni Roshan pagbalik ko sa classroom. “Ano kumusta, Mik? Bestfriend na ba kayo ng library, ha? Magtatampo na ako niyan.”

    Tumawa pa siya sa pagkaakbay sa akin habang papunta kami sa sarili naming mga upuan sa likod. Si Esther na nasa upuan na niya’y may kakaibang ngisi sa akin. Gaga ‘to, mukhang may ideya na sa ginagawa ko. Mabuti naman at hindi ako ginigisa. Ganiyan nga, makaramdam ka. Hindi na bale itong isa na ‘tong ubod ng manhid.

    “Huwag kang mag-alala, sawa na raw ang library sa akin at bukas daw ay sumama naman ako ulit sa inyo,” pag-aalaska ko kay Roshan nang makaupo na sa upuan ko.

    Mainam din sigurong bawas-bawasan ko ang pag-iwas minsan para wala rin silang mahalata. Mahirap na baka sa susunod iba na ang kumprontahin sa akin ni Rosh at itong si Esther ay hindi na makatiis at gisahin na talaga ako.
   
   “Yown! Mabuti naman. Hindi ko talaga alam anong trip mo nitong nakaraan,” iiling-iling na sagot ni Rosh na hindi ko na pinansin.

    Ramdam ko ang pagsipa ni Esther sa upuan ko kaya inis ako napabaling sa kaniya. Tinutok niya ang dalawang daliri niya sa mga mata niya sabay turo no’n pabalik sa akin. Dinilaan ko lang siya sabay tinawanan. Ngumisi naman siya at umiling.

    “Usap tayo mamayang gabi, punta ako sa inyo,” bulong niya.

    Natahimik na lang ako roon dahil dumating na rin ang guro namin. Napabuntong-hininga ako. Sa huli, gigisahin pa rin pala ako. Ngunit base sa tinig ni Esther, mukhang may iba pa siyang nais sabihin sa akin kaya ngayon pa lamang, hinahanda ko na ang sarili ko.

    “Ano na nangyari sa’yo?” tanong ni Esther sa akin kinagabihan.

    Sumilip muna ako sa baba kung saan naghuhugas ng pinagkainan naming si nanay bago ko tahimik na sinara ang pinto ng aking kwarto. Pasalampak akong naupo sa sahig habang si Esther nama’y walanghiya na nakadapa sa higaan ko. At home na at home ang gaga.

    “Anong ano ang nangyari sa akin?” pag-uulit ko sa tanong niya.

    “Iyong sinabi mo na lalaban ka!” sigaw niya sabay napaupo. “Akala ko ba ipararamdam mo na kay Roshan na may gusto ka sa kaniya? Naapektuhan ka ba sa sinabi ni Nathalie na may gusto si senyorito Nathan kay Rosh?”
   
    Napatitig ako sa kawalan sabay iling.

    “Hindi naman, Ter.” Ngumiti ako ng mapait sa kaniya. “Gusto rin kasi yata ni Roshan si senyorito.”

    Natahimik si Esther bago matagal na napatitig sa akin. Lumunok siya bago nag-iwas ng tingin. I knew it. She knew something, too.

    “Iyon na nga, eh. Si Nath tinutulungan na rin yata ang kuya niya kay Rosh tapos itong si Roshan…” Binalik niya ang paningin niya sa akin. “N-Nagpapatulong din sa akin… kay senyorito Nathan.”

    Pakiramdam ko, narinig ko mismong nabasag ang puso ko. Natawa ako, ngunit ang tawa ko, may kasamang pamamasa ng mga mata. Putangina, ang hardcore naman.

    “Kaya bakit pa ako lalaban?” may sarkasmo kong tanong kay Esther na halos hindi na makatingin sa akin.

    “Nagulat din ako nang malaman iyon, Mik! Pero alam mo naman na sa’yo ang kampi ko kaya gagawan ko sana ng paraan na malayo sila kung lalaban ka lang, pero mukhang nakapagdesisyon ka na…” Kinagat ni Esther ang ibaba ng labi niya dala ng prustrasiyon. “Natatakot daw si Roshan na sabihin sa iyo at baka raw magulat ka na lalaki ang gusto niya. Kinabahan nga iyon at sinabi na baka lumalayo ka raw sa kaniya nitong nakaraan dahil baka may napansin ka. Kung alam lang ng gagong ‘yun.”

    Pagak akong nangiti. Tama, kung alam lang talaga niya. Baka mas magulat pa siyang malaman na gusto ko rin pala siya. Hindi mo gugustuhin iyon, Rosh. Dahil alam kong ma-gui-guilty ka lang at baka ikaw pa ang lumayo sa akin.

    “Hanggang dito na lang talaga ako, Ter. Ibabaon ko na lang talaga sa hukay itong pagmamahal ko sa kababata ko.”

    Kinabukasan, tila akong zombie dahil hindi ako halos nakatulog ng nagdaang gabi. Tangina, sasama pa naman pala ako mamaya sa kanila pagkatapos noong mga paiwas-iwas ko. Sabihin ko na lang na napuyat ako kababasa. Alam naman nilang palabasa ako ng mga libro.

    “Magandang umaga po, nay,” bati ko kay nanay nang makababa na para sa agahan.

    “M-Magandang umaga rin, anak,” si nanay.

    Mula sa paghikab ay napakunot ang noo ko nang marinig na umubo si nanay. Nanliit pa ang mga mata ko nang sa pagharap niya ay nakita kong medyo maputla siya.

    “Nay? Ayos ka lang po ba?” nag-aalala kong saad sabay lapit sa kaniya para sipatin siya sa noo at leeg. Hindi naman siya mainit.

    “Ano ka ba!” aniya sabay tampal ng kamay ko. “Masakit lang ang puson ko at nireregla ako, Miko. Palibhasa kasi wala kayong ganiyan na mga lalaki.”

    Napanguso ako at sa sungit ni nanay naisip ko na baka nga may regla siya ngayon.

    Pero sana pala mas naging obserbante pa ako. Sana pala mas nagtanong pa ako. Akala ko hanggang doon na lang ang pagkabasag ng puso ko.

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon