Dahan: 30

175 6 7
                                    

KABANATA 30

    “Miko…” tawag niya sa pangalan ko. “Long time no see.”

    Suminghap ako nang muling makita ang pamilyar niyang mukha. Kinabahan ako. Napatingin pa ako sa likod niya kung may iba siyang kasama, pero wala. Nang muli akong tumingin sa kaniya ay saka lang ako ngumiti. His smiling face reminded me so much of the first time we met. Kung noon sa gilid ng kalsada lang iyon at isa pa akong estudyante, ngayon ay kapwa na kami propesiyunal. He changed so much. He became a more matured man.

    “Senyorito Nathaniel,” nakangiti kong sambit sa pangalan niya.

    “Oh, c’mon. Iyan pa rin ang tawag mo sa akin,” natatawa niyang ani sabay abot sa akin ng dala niyang bungkos ng mga bulaklak na kaagad ko namang tinanggap. “Nate or Nathaniel is fine.”

    Tinupi ko ang aking mga labi at tumango. Nasanay akong iyon ang tawag sa kaniya dahil tinitingala namin ang pamilya nila sa probinsiya namin, ngunit ngayong nag-iba na ang lahat, maaari na rin naman siguro.

    “Okay, Nate.”

    He smiled, contented on what he heard. Dahil alam kong marami-rami kaming pag-uusapan to catch-up with each other, pinahanda ko kila Betty ang isa sa mga magandang pwesto namin sa shop. Nagpahanda rin ako ng mga makakain para makaupo na kami ni Nate at hindi na nakatayo roon sa may harap ng counter. I had so much going on in my mind that time at alam kong mapapahaba ang usapan naming dahil nakikita ko sa kaniya na marami rin siyang nais sabihin at itanong. Lalo na at hindi maganda ang huli naming pagkikita noon.

    “How are you? I’m happy to see you’ve succeed on reaching this far, Miko. I almost didn’t believe when I saw you earlier. You’ve changed so much,” pauna niyang sabi noong naupo kami.

    Mababaw akong natawa.

    “Salamat. Sobrang proud rin ako sa sarili ko. Minsan nga hindi ko akalain na narito na ako ngayon,” I said as I lovingly gaze at my shop. “Parang kahapon lang…”

    “Aling Anitha must be so proud.”

    Nang marinig ko ang sinabi niya, tila may nagbara sa aking lalamunan. Tama. Dahil higit sa lahat, sila nanay at tatay ang inspirasiyon ko para maabot ang lahat ng ito.

    “Paano mo pala nalaman itong shop ko?” wala sa sarili kong tanong na kinatawa niya.

    “Silly, who wouldn’t know the great pastry chief Miko Dela Cruz’s place? Upon arriving from Korea to settle some things, dumiretso kaagad ako rito para makita ka,” aniya na kinatigil ko.

    May kung anong tila kumalabit sa dibdib ko dahilan para mapayuko ako sa tasa ng kape na nasa harap ko. Ibig sabihin, kababalik lang niya o nila galing Korea. Umuwi kaya muna siya sa probinsiya? Pero bukod roon, hindi pa rin nagbabago ang mga may lamang pananalita ni Nathaniel kapag ako ang kaharap kaya nakaramdam ako ng pagkailang.

    “G-Gano’n ba?” Tumikhim ako.

    Nakita ko siyang sumimsim sa sarili niyang tasa ng kape. Naroon pa rin ang ngiti sa mga labi niya.
   
    “You must wanted to ask kung ako lang mag-isa ang umuwi o kasama sila Nathan?”

    Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at muling tumingin sa kaniya. Nakita ko na lumungkot ang ngiti niya. Humigpit ang hawak ko sa aking tasa habang ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay.

    “K-Kasama ba sila?” lakas loob kong tanong.

    Tumango siya. “Yes. Alam kong hindi maganda ang nangyari noong huling pagkikita nating lahat lalo na kila Nathan at Roshan. Everything wasn’t easy for him. He was so depressed kahit pagkauwi naming Korea, pero mas masakit sa amin na wala manlang kaming magawa para sa kaniya. My parents even lolo and lola was very against it dahil malaki ang expectations nila sa aming magkakapatid. Years passed and Nathan changed a lot. He became cold and distant that my parents and grandparents felt bad for what they caused him. Kaya nang magsabi si Nathan na nais niyang bumalik ng pinas, kaagad silang pumayag. Siyempre sila lolo at lola, umuwi kaagad a year after that incident.”

    Nagulat ako sa narinig. Ibig sabihin, umuwi sila senyor at senyora pagkatapos naming makapagtapos ng hayskul? Wala na kami nila Esther sa probinsiya noon at sila Roshan na lamang ang naroon.

    Si Roshan ba ulit ang nais balikan ni Nathan? My heart quivered at the thought na baka sa pagkakataong ito ay umayon na ang tadhana sa kanila. Lalo na kung narito rin si Nathan maging si Roshan sa siyudad. Nagkita na kaya sila ulit? Alam ba niya kung nasaan si Roshan ngayon? Si Roshan kaya… alam ding nakauwi na ang mga Villaruel?

    “Hindi rin naging madali sa amin ang lahat…” halos pabulong kong pag-amin. “Marami ang nangyari pagkatapos niyong umalis hanggang sa sumama ako kila Esther rito sa siyudad at naiwan sila Roshan sa probinsiya. Pagkatapos noon, wala na kaming kumunikasiyon.”

    Nakita kong nagulat din si Nathaniel sa sinabi ko. That confirmed na wala talaga silang alam – kahit si Nathan – sa nangyari sa amin nila Roshan. Hindi ko rin sasabihin na ang isa sa dahilan ng pagkawawatak namin ay ang pag-amin ko ng damdamin ko kay Roshan.

    “Ibig sabihin, hindi kayo magkasama ngayon ni Roshan?” gulat niya pa ring ani.

    Napatitig ako kay Nathaniel. Ah, kaya siguro ako kaagad ang hinanap niya. Para matulungan siguro ang kapatid niyang hanapin si Roshan. I see.

    Umiling ako. “Hindi na.”

    Nathaniel looked disappointed pero kaagad niya ring tinago iyon ng isang ngiti. Tumango-tango siya.

    “I see. It must be painful, huh? Afterall, mag-bestfriend kayo.”

    Sobra. Sobrang sakit. Kung alam mo lang.

    Marami pa kaming napag-usapan ni Nathaniel. Isa na roon nang malaman kong kasal na pala siya roon sa babaeng una niyang minahal. Nagkita raw sila ulit doon sa Korea at muling pinagbigyan ang naudlot nilang pagmamahalan. Inamin niya rin na nagkagusto raw talaga siya noon sa akin at kung hindi raw nag-work ang relasiyon nila ulit ay ako raw ang liligawan niya ngayon. Nang marinig iyon ay natawa na lang ako pati rin siya. So he really did like me way back. But I am happy for him.

    “Sana makabisita ka ulit,” pormal kong ani noong hinatid ko na siya sa labas.

    Nasa loob na si Nathaniel noon ng kotse niya habang ako ay nasa labas at nakatunghay sa may driver seat kung nasaan siya. Pagkatapos ng halos isa at kalahating oras naming pag-uusap ay nagpaalam na siya. Hiningi niya rin ang numero ko para raw may kumunikasiyon pa rin kami.

    “I will. Let’s communicate each other from time to time. I’m really glad to see you again, Miko.”

    Ngumiti ako at kumaway nang magsimula na siyang tumulak paalis. Nang nasisiguro kong wala na siya ay pumihit ako pabalik sa loob ng shop dahil may naiwan pa akong gawain. Ngunit sa gilid ng shop, may nakita akong bungkos ng mga bulaklak. Nagtaka ako kung anong ginagawa ng bulakalak na iyon doon. Kung nahulog ba ng may-ari ng hindi alam o sadyang binitawan. Nilapitan ko iyon at hindi ko alam kung bakit kumabog kaagad ang dibdib ko nang makitang paboritong bulaklak ko ang mga iyon! Mga gumamela! Isang tao lang ang may alam at lubusang kilala ako na alam na paborito ko iyon. Hindi ako umaasa, ngunit sa pagkakaiwan ng mga bulaklak sa shop ko at bungkos ng mga gumamela pa iyon, lumakas ang hinala ko na narito siya kanina!

    “Roshan?” nanginginig na bulong ko sa aking sarili sabay linga sa paligid.

    There was no sign of him, but I could feel it that he was here! Pinulot ko ang bulaklak at may lungkot na pinagmasdan ang mga iyon. Sa huling pagkakataon ay luminga ako, umaasa na baka makita ko pa siya sa paligid. Ngunit wala. Walang Roshan.

    “Rosh…”

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon