Dahan: 34

169 7 2
                                    

KABANATA 34

    Gulat at sabay na bumaling ang paningin nila Roshan at Nathaniel sa akin nang tawagin ko sila. Hindi ko alam kung may napag-usapan na ba sila kanina o ano, ngunit sa nakita ko kaninang kaseryosohan sa pagitan nila ay napilitan na akong pumagitna. Kaagad akong kinabahan. Pagkatapos ng mahigit limang taon, heto na ang muling paghaharap ni Roshan sa isa sa mga Villaruel. Ang pamilya ng lalaking labis niyang minahal.

    “K-Kanina pa ba kayo?” Pilit kong pinasigla ang aking boses.

    Tinawag ako ni Nathaniel, pero si Roshan ang unang nakalapit sa akin. Lumikot ang mga mata niya at tinignan ang buo kong mukha. Concern was evident in his eyes.

    “Ayos ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya sa nag-aalalang boses.

    I was taken aback at naiilang na sinilip si Nathaniel na seryoso nang nakatitig sa aming dalawa. I was facing him while Roshan’s back was in his view.

    “A-Ayos na ako uh… hindi ka nag-text sa akin na pupunta ka pala rito.” Pilit akong ngumiti sa kaniya kahit sa kalooban ko ay hindi ko na alam ang gagawin sa sitwasiyon ngayon.

    “Pasensiya na. Nag-aalala pa rin kasi ako sa iyo,” aniya.

    Nag-aalala. Napatitig ako kay Roshan. It’s been a long time since I felt his concern for me, feeling it again right now after all these years, sinungaling na ako kung sabihin kong hindi ako sobrang nasiyahan. Maybe, just maybe, I still haven’t get over him. Nakaiinis mang isipin matapos kong ginugol ang aking sarili sa loob ng limang taon na kalimutan na ang nakaraang labis na nagpasakit sa akin, pero heto ako ulit ngayon, isang alala niya lang, labis-labis na ang tuwa. As frustrating as it is, hindi ko mapigilan ang sarili kong damdamin.

    Nawala lang ako sa pakikipagtitigan kay Roshan nang malakas na tumikhim si Nathaniel, pinapaalala na nariyan pa ang presensiya niya. Nahihiya akong napatingin sa kaniya at bahagyang humakbang para harapin siya. Tumayo si Roshan sa tabi ko at ramdam ko pa rin ang panaka-naka niyang sulyap sa akin. God, I’m getting nervous.

    “Akala ko… hindi pa kayo nagkikita ulit?” nakangiting tanong ni Nathaniel, ngunit may bahid ng kyuryosidad ang boses.

    Natigilan ako. Oo nga pala! Iyon ang sabi ko sa kaniya noong una kaming nagkita.

    “Ah! H-Hindi. Kagabi lang kami nagkita ulit ni Roshan, hindi rin inaasahan,” depensa ko.

    Nathaniel looked doubtful at first at nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Roshan, ngunit kalaunan ay ngumisi rin at tumango. Medyo nagulat nga rin ako at ang unang lumabas sa mga bibig ni Roshan kanina ay kung kumusta ako. Akala ko ay magtatanong kaagad siya kung bakit narito si Nathaniel at kung may alam na ba ako tungkol sa mga Villaruel all this time.

    “Is that so…” Nathaniel trailed-off then looked at Roshan again. “Then good, I’ll be direct. Can I arrange a meeting with you again? Sa totoo lang, I’ve been looking for you and now the opportunity’s here, might as well say this to you now. I want you and Nathan to see and talk with each other again.”

    Kumabog ang dibdib ko sa kaagad na sinabi ni Nathaniel kay Roshan. Mabilis akong napatingin sa kababata ko para makita ang reaksiyon niya at marinig ang sasabihin niya, but I was dumbfounded to find him looking back at me. His eyes had this unnamed emotions in it. Tila ba humihingi ng permiso o naghihintay na may sabihin ako. Then I felt his hand grazed in mine. Marahang humawak ang mga daliri niya sa aking mga daliri hanggang sa sumakop na ang buo niyang kamay sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala na tumingin pabalik kay Roshan. I instantly felt lost.

    “Kung papayag si Miko…” Inalis niya ang paningin sa akin at tumingin ulit kay Nathan. “Papayag din ako sa nais mo.”
   
    “A-Ano? Bakit ako?” gulantang ko kaagad na saad. “Rosh?”

    Nakita kong napatingin si Nathaniel sa kamay naming dalawa. My hand flinched but Roshan’s grip at me tightened. Labis-labis na kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Kung nananaginip ba ako ngayon o si Roshan ba talaga ang katabi ko ngayon at hawak ang kamay ko.

    “Well…” Nathaniel slowly looked back at me at may kakaiba nang ngiti sa mga labi niya. “Let’s hear what Miko’s say to this.”

    Napalunok ako. Ramdam ko ang pamamawis at panginginig ng kamay kong hawak ni Roshan. Muli akong tumingin sa kaniya at nakitang naghihintay rin siya sa sasabihin ko. I lowered my head and bit my lower lip. Gustong-gusto kong sabihin na ayaw ko na silang magkita ulit. Natatakot ako sa maaaring mangyari kapag nagkita sila ulit. Kung mas nauna lang sana silang nagkita at naayos ang dapat nilang maayos bago kami nagkita ni Roshan, baka sakali na matanggap ko pa kahit papaano. Pero mas nauna kaming nagkita ni Roshan at kinakain ako ng pagka-miss ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ginaganito ako ng tadhana.

    A small gasp escaped from me at naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Roshan sa kamay ko. I closed my eyes for a second bago pilit na ngumiti bago tumingalang muli kay Roshan. Tumango ako sa kaniya at kitang-kita kong paano bahagyang nanlaki ang mata niya, ngunit mabilis lang.

    “Hindi maganda ang huli niyong pagkikita at…baka may mga bagay pa kayong nais sabihin sa isa’t isa, Rosh. Hinahanap ka ni Nathan at sa tingin ko’y hindi niya naman gagawin kung hindi malaki ang pangangailangan niyang makita ka ulit.” I smiled through the pain. “Kaya pagbigyan mo na siguro na magkita kayo ulit.”

    Roshan’s gaze softened at me. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya sa punto na iyon, ngunit tila ba sinasabi ng mga mata niya na hindi niya nagustuhan ang narinig mula sa akin. I’m still lost of what he’s showing me since earlier, ngunit kahit pa man nararamdaman ko muli ang damdamin ko para sa kaniya na pilit kong kinalimutan, pinipilit ko pa ring hindi na paasahin pa ang sarili ko kagaya ng dati.
   
    I am a witnessed of how Roshan and Nathan loved each other, so I needed to brace myself once again.

    Bumuntong-hininga si Roshan at tinignan si Nathaniel na mukhang amuse na sa nakikita niya. Hindi ko na lamang pinansin ang kakaibang tingin na ginawad niya sa akin at nag-abang na lamang sa desisyon ni Roshan.

    “Sige.” My heart dropped with his answer. “Pero isasama ko si Miko, ayos lang ba?”

    I almost groaned. Bakit niya ginagawa ito sa akin?

    Nathaniel chuckled and shook his head in disbelief.

    “Okay, fine.” Nathaniel grinned at tumaas ang mga kilay. “Mukhang kailangan ko nang warning-an si Nathan ngayon pa lang.”

    I frowned. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi.

    “Itatama ko lang ang mga kamaliang nagawa ko noon,” Roshan said almost a whisper.

    My heart skipped a bit hearing that. Kamalian? Anong kamalian?

    “Well, it’s settles then. I’ll just text Miko the day, time, and the location kung saan kayo magkikita,” ani Nathaniel at tinignan pa ulit ako ng nakangiti bago kami tinalikuran para sumakay na sa kotse niya.

    Silence remained between me and Roshan at kahit na wala na si Nathaniel sa harap namin, nanatili ang hawak niya sa kamay ko, tila wala nang senyales na bibitawan ako.

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon