KABANATA 14
Nang makarating kami ni senyorito Nathaniel sa falls ay naroon na silang apat. Hindi na namin ulit pinag-usapan ni senyorito ang patungkol kay Roshan at nagpapasalamat ako roon. Mayroon kasi akong pakiramdam na hinuhuli niya ako sa kung ano. Sa gitna ng pagiging lutang ay pilit ko munang inalis ang mga agam-agam ko nang makaharap na sila ng maayos.
"Finally, you guys are here! Nag-iihaw na kami ng mga foods rito!" sigaw ni senyorita Nathalie nang makalapit na kami sa kanila.
Nilapag ko ang backpack na dala sa maliit na cottage roon. Naghanap ang mga mata ko at wala akong nakitang gamit ni Roshan doon. Tanging dalawang backpack lamang ang nakita ko roon na alam kong kila senyorita Nathalie at senyorito Nathan.
"Mik, ayan ang gamit ko sa mesa. Alam mo na, dating gawi!" si Esther na sumunod pala sa akin sa cottage.
Kumunot ang noo ko sa kaniya bago ko dinampot ang gamit niya para mailagay sa backpack ko.
"Nasaan ang gami no'n?" ani ko, sinesenyas si Roshan na noo'y tinutulungan ang senyorita sa pag-iihaw habang ang senyorito Nathan ay prente lang na nakaupo sa tabi.
"Ay..." Napakamot si Esther sa pisngi niya. "Nariyan na sa backpack ni senyorito Nathan, Mik."
Natigilan ako. Nang mag-sink-in sa akin ay tipid akong ngumiti. Imposible talaga. Imposible talaga ang mga sinabi mo senyorito Nathaniel. Pero hindi ko dapat bini-big-deal. Alangan nga namang bitbitin niya lang kanina ang mga gamit niyo kung may paglalagiyan naman habang wala ako, hindi ba?
"Ganoon ba? May kasalanan ka pala sa akin, ah? Bakit hindi mo sinabi sa akin na iiwan mo ako tapos pupunta pala ang senyorito Nathaniel sa amin, ha?" maangas kong saad bago ko pabirong sinakal si Esther palabas ng cottage."Aray, pota! Aba malay ko ba kung nag-text naman siya sa'yo!" inis niyang singhal habang pilit na umaalis sa pagkakasakal ko. "Nililigawan ka na ba no'n, ha?"
Tumawa siya sa sinabi niya kaya binatukan ko nga. Gaga na 'to, kung ano-anong kababalaghan ang sinasabi.
"Gaga ka, masyado kang malisyosa. Sa ating tatlo raw kasi, ako lang ang kaibi-kaibigan. Hindi kagaya ninyong dalawa ni Roshan, mukha raw kayong walang kwenta," pang-aalaska ko.
Pabiro siyang nagtaas ng dalawang middle finger niya kaya sinabayan ko rin.
"Tarantado ka! Iyang bestfriend mo aluhin mo kamo at inis no'ng hindi ka makita kanina," aniya bago ako iniwan doon at nagpatiuna sa paglalakad pabalik sa pwesto nila.
Si Roshan nainis dahil hindi ako nakita kanina? Hindi nga? Tinignan ko naman siya na humahalakhak habang pilit na binibigay ang inihaw niyang baboy kay senyorito Nathan. Iyang mukhang iyan? Mukhang ang saya-saya nga niya, eh.
"Kuya, will you stay para maligo?" kyuryosong tanong ni senyorita sa Kuya Nathaniel niya.
"No. Mabilis lang ako, Nath. I'll go after eating lunch with all of you."
"Aw, too bad, kuya!"
Lumapit ako kay Roshan na mag-isa na sa ihawan. Naroon na ang senyorita kina senyorito Nathaniel at Esther. Bahagya akong sumulyap sa pwesto ni senyorito Nathan at nakitang seryoso lang siyang kumukuha ng litrato sa paligid at ng falls. Tumayo ako sa tabi ni Rosh at mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong mabilis siyang sumulyap sa akin.
"Himala yata at nakakita ka ng bagong tagabitbit ng mga gamit mo," sinubukan kong magbiro at kumuha ng isang stick ng baboy para ihawin iyon.
Narinig ko ang malakas na pagsinghal ni Roshan.
"Himala rin yata at nakakita ka ng sariling tagahatid mo," hindi pabiro, ngunit may sarkasmo niyang sagot sa akin na medyo kinagulat ko.
Oh? Nainis ba talaga siya? Napaipit ako ng aking mga labi para pigilan ang aking ngiti. Nilingon ko na siya at sumalubong sa akin ang busangot niyang mukha habang tutok pa rin sa iniihaw niya. Hindi ko napigilan ang pagtawa ko dahilan para tignan niya ako nang nanlilisik ang mga mata. Potaena! Kinikilig ba ako?
BINABASA MO ANG
🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔
Teen FictionIstorya sa Musika Serye (NEW) #1: COMPLETED Inspired from December Avenue's Dahan BLURB: "Pinky promise?" "Pinky promise." Bata pa lang, magkasama na sina Roshan Ignacio at Miko Dela Cruz. Laging dikit at hindi na mapaghiwalay, kung kaya...