Beginning
The wind was telling me something. It was lingering around my ear, waiting for it to be heard.
Simula noong iniwan namin si Mama, palagi kong nararamdaman na may mensahe itong pilit na dinadala. Siguro kapag sinabi ko 'to sa iba, tiyak na aakalain nilang baliw ako.
But it was whispering to me... It was singing a song... It was telling me a story...
At sa tuwing nararamdaman ko 'yun, hindi ko maiwasang mapapikit at pilit na makinig sa bawat ihip ng hangin.
And it was enough to calm me down.
It was enough to make me feel... to make me understand...
"Ate, are you okay?"
Paul, my 9 years old step brother came in the balcony of their big house.
Simula nang pinakasalan ni Papa ang bago niyang asawa, doon ko minarka sa utak na wala na akong pamilya. Pero kahit na puno ng galit ang puso ko, malapit ako sa batang 'to.
Maliit akong ngumiti at hinaplos ang buhok niya nang lumapit siya sa 'kin.
"Ayos lang. Bakit mo natanong?"
"You look sad..."
Napangisi ako. "Pagod lang. Ang daming inaral ni Ate. Sa school."
Kunot-noo niyang tiningnan ang kamay ko.
"Bakit ang dami po ninyong drawing sa katawan? That's new."
Itinago ko ang mga kamay sa likod upang hindi niya makita ang mga bago kong tattoo. Sa kamay, faded lang at maliliit para 'di mahuli ng Dean. Pero sa mga bahaging natatakpan, may mga tattoo ako roon.
"Mahilig kasi akong mag-drawing," sabi ko at ngumiti nang tipid. "Saan ang mga magulang mo?"
"Upstairs. They are busy with work."
Kawawa naman. Parehong doktor kaya wala masyadong oras sa anak.
Hinaplos ko ulit ang kanyang buhok. Kahawig niya si Papa. Gusto ko mang mainis, hindi ko kayang gawin.Wala namang kinalaman ang batang 'to, eh. Kapatid ko na rin 'to.
"Nandito pala kayo."
Pumasok si Papa sa balkonahe. Kaagad na nawala ang ngiti ko at umirap. Iniwas ko ang mga tingin at piniling pagmasdan na lang ang view mula sa kanilang balkonahe.
"Katarina, kumusta ka na?" tanong niya. "Ang tagal mo nang hindi bumisita rito, ah?"
I shrugged. "Wala naman akong sadya rito."
"You can visit anytime, Ate," sabi ni Paul.
Hindi ako sumagot at isinandal ang mga braso sa semento. Nililipad ng hangin ang iilang hibla ng buhok ko.
"Paul, go to your mom. Your sister and I will just talk about something serious, okay?"
Your sister? Lihim akong napangisi.
Tumango ang bata kay Papa at kumaway sa akin. Tinanguan ko lang siya at pinanood na lumabas sa balkonahe. Iniwas ko ulit ang mga mata.
"Here's your allowance for this month," sabi niya at naglabas ng ilang libo mula sa wallet.
Tinitigan ko siya, tapos iyong pera. Tinanggap ko iyon at binulsa. Iniwas ko muli ang mga mata.
"Punta na ako."
"You can stay for lunch-"
"Sa susunod, sa online mo na lang ipadala ang allowance ko para 'di na ako makapunta rito," putol ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...