Chapter 34

591 17 1
                                    

Chapter 34

Scared

Dumiretso kami sa sasakyan ni Gab. Nakahawak siya sa akin habang pababa kami ng Serese Jewels kasi masyado talaga akong tuliro.

Siya ang nagmaneho. Ako naman ay pilit na tinatawagan sina Papa at Tita Marissa pero hindi ko na sila makontak. Kaya tinawagan ko na lang si Boss upang magpaalam nang maayos. Diretso na lang kasi akong umalis dahil sobra nang natataranta.

"Hello, Boss?" sabi ko nang sagutin niya ito.

I felt Gab's gaze towards me.

"Arch. Bales... I heard you have an emergency. You also went with Mr. Serese, am I right?"

Napapikit ako. "Opo. Sorry kasi hindi na po ako nakapagpaalam nang mas maayos."

"It's fine but please don't do it again."

"Opo. Iyong kapatid ko kasi, sinugod sa ospital. Masyado po akong natakot kaya hindi na ako nakapag-isip na magpaalam sa inyo. I even left the site. I'm so sorry."

Huminga siya nang malalim. "I understand."

Pagkatapos ng tawag ay sumandal ako sa upuan habang nakapikit ang mga mata. Sobra talaga akong natataranta.

First time na may tumawag sa akin dahil may isinugod sa ospital. At saka hindi rin maganda na si Paul ang isinugod.

Memories of us together flooded inside my mind. I don't want to exaggerate about it. Pero nang sabihin kasi ni Mama na sa ICU, hindi ko na maiwasang mangamba.

"Ayos ka lang, Kat?" tanong ni Gab.

"Hindi... Natatakot ako."

Gab reached for my shoulders and massaged it. "Everything's going to be okay."

"What if it won't?" Tumingin ako sa kanya.

Binigyan niya ako ng maliit na ngiti. "It will. Just have faith."

Huminga ako nang malalim at ipinikit ulit ang mga mata. Nang tumunog ang cellphone ko. I immediately answered it without looking at the caller ID.

"Katarina," boses ni Tita Marissa ang narinig ko.

"Tita, kumusta po si Paul? Pasensya na hindi ko kaagad nasagot ang tawag niyo. Nasa trabaho kasi ako."

"He's... He's not fine," nanginginig ang mga boses ni Tita at paiyak na. "I-I can't think straight. Especially when I see him like this, Kat. Masyadong masakit para sa 'kin."

Napalunok ako, unti-unti na ring natatakot. "Papunta na kami ni Gab diyan, Tita. Don't worry."

"Okay..." aniya.

Binaba ko na ang tawag. Ilang minuto pa ang dumating na kami sa ospital.

Gab held my hand as we walked inside. Huminto kami sa nurse station upang tanungin kung nasaan sila. We were led towards the ICU.

Habang nasa elevator, pabilis nang pabilis ang paghinga ko sa kaba. Gab squeezed my hands to make me feel better.

"Everything's gonna be okay," he whispered and caressed my head.

Pagdating namin sa hallway, kinagat ko ang pang-ibabang labi nang makita si Tita Marissa na naka-lab coat pa habang nakaupo sa steel bench. Si Papa naman ay nakasandal sa pader. Suot niya rin ang lab coat niya.

Tita Marissa stood up when she saw me. Lumapit kaagad siya at yumakap sa akin. I let her be kahit hindi ko naman gusto na may yumayakap sa akin. She needs the comfort. Nagsimula na siyang umiyak.

Memories of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon