Chapter 16

564 18 8
                                    

Chapter 16

Home

Naging palaisipan sa 'kin ang naging pag-uusap namin ni Gab nang gabing iyon. Hindi kaagad ako nakatulog. Pakiramdam ko ay ang lakas ng epekto ng sinabi niya sa 'kin.

"I would be disgusted."

Hindi iyon maalis sa isipan ko. Kahit nang gumising kinabukasan, o nang isang linggo na ang nakalipas, masyado akong bothered.

"Ayos ka lang?" tanong ni Gab.

Ngayon ay pupunta kami sa coffee shop kasi tatapusin niya raw ang term paper niya bago mag-bakasyon. Magpapasama raw siya kasi ilang araw din kaming hindi nagkita kasi parehong busy.

"Oo naman," sabi ko, nakatingin sa labas ng bintana. "Medyo masakit lang ang paa."

Tumawa siya. "Watch where you're going next time, okay?"

Natawa na rin ako. "Okay."

Nauntog kasi ang paa ko sa gulong ng sasakyan niya. Hindi rin kasi ako nakatingin sa dinadaanan.

Pagdating sa coffee shop, nag-order si Gab ng pagkain at inumin para sa 'ming dalawa. Pumuwesto kami sa mesa na malapit sa glass wall.

Binuksan niya ang laptop at naglabas ng notebook pati na rin 'yung iPad niya. Nagce-cellphone na rin ako para hindi mabagot.

Ilang minuto ay pagod na bumuntong-hininga si Gab at isinandal ang ulo sa upuan.

"Ayos ka lang?" sabi ko.

He groaned. "Hindi." Tumingin siya sa 'kin. "Wala na akong maisip."

Tinulak ko papalapit sa banda niya ang iced coffee na hindi niya pa ginalaw. Natutunaw na rin kasi.

Hinubad ni Gab ang salamin niya at isinantabi muna. Pati na rin iyong laptop at iilang gamit niya. Ininom ni Gab ang iced coffee at tumitig sa 'kin.

"Pahinga ka na muna," sabi ko.

Tumango siya. Tinulak ko na rin sa gitna ang cake. Nag-share na kami pati nung tinidor.

Tinago ko ang ngiti kasi ang cute niya tingnan kapag pagod. Sobrang expressive ng mga mata ni Gab, kaya naman hindi ito nakakasawang tingnan kasi parang nararamdaman mo na rin iyong nararamdaman niya.

"Kaya mo 'yan," bulong ko sabay ngiti. "Pagkatapos naman niyan ay wala ka nang iisipin pa."

"Yeah, you're right."

"Isipin mo na lang ang bakasyon para ma-inspire ka."

Natawa siya at tumango. Hinayaan kong ubusin niya iyong cake. Pagkatapos, bumalik na ulit siya sa harapan ng laptop niya.

"Speaking of, saan pala kayo magpapasko?"

"I guess we'll go overseas," aniya habang nakatingin pa rin sa laptop.

"Ah... Hanggang bagong taon?"

"I think so. How about you?"

Nilaro ko ang tinidor. "Sa condo, manonood ng Home Alone."

Joke iyon kaya inasahan ko na tatawa si Gab, pero tumingin siya sa 'kin na may bahid ng pag-aalala.

"You'll be alone?"

Tumango ako. "Kada-pasko at bagong taon naman 'yan kaya ayos lang. Sanay na ako."

Hindi siya nakampante at tinitigan pa rin ako.

"Oo nga kasi," I forced him. "Ayos lang naman sa 'kin kasi ayoko rin ng maraming tao."

"You sure? Because I can be with you."

Memories of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon