Chapter 23

548 17 4
                                    

Chapter 23

Accident

Tumama nga ang malakas na bagyo. Dahil doon ay hindi na muna kami pinapunta sa firm. Nasa loob lang ako ng apartment. Mabuti na lang at may pagkain pa ako rito. Nakakatakot ang bagyo kaya naman hindi na ako nagtangka pa na lumabas.

Nang umayos na ang lagay ng panahon, bumalik na ako sa trabaho. Habang naghahanda, tinawagan ko si Tita Marissa patungkol sa birthday party ni Paul.

"What should I do?" tanong ko. "May kailangan pa ba kayo?"

"No, dear. Naayos na namin lahat. It was all set. Mabuti na lang at humupa na ang bagyo."

"Ayos lang ba kayo?"

She exhaled on the other line. "Yeah, but my garden is ruined. Kailangan ko tuloy na ayusin ito. Ayun nga lang, hindi ko alam kung paano ko isisingit kasi ang dami kong ginagawa as of the moment."

I bid my goodbyes to Tita Marissa. Pati si Mama ay kinumusta ko na rin. Mas delikado pa nga ang Ministry kasi nasa ibabaw na lugar iyon.

"Ayos naman kami rito," ani Mama nang tinawagan ko siya.

"Are you sure? I told you, the place is very vulnerable to storm. Sabi ko naman na ipa-renovate niyo ang Ministry, 'di ba?"

Natawa siya sa kabilang linya.

"It's just for your safety, Ma."

"Alam ko, Katarina."

"Tsaka kung naisipan niyo ngang mag-renovate, kunin niyo na ang firm namin."

Natawa siya kaya natawa na rin ako.

"Ibang klase 'yang marketing skills mo, Kat," biro niya.

I got to my car and ended the call.

Sobrang ginaw dahil sa lakas ng hangin. Wala ng ulan pero hindi pa rin nagpapakita ang araw.

Dahil sa bagyo, maraming puno ang nasira. May ibang kalsada na hindi puwedeng daanan. Nasira din ang iilan sa mga traffic light, kaya naman halos lahat ng traffic enforcer ang nag-ga-guide sa mga sasakyan.

"Oh, come on," angal ko nang hindi rin puwedeng daanan ang papunta sa firm.

Kaya nag-U-turn ako. Doon ako dumaan sa metro kung saan hindi ako pamilyar. Hindi rin nakatulong ang traffic.

Dahan-dahan lamang ako upang hindi makasira. The traffic enforcers were guiding us into a lane. Hindi na ako pamilyar sa daan kaya naman 'di ko na alam kung nasaan ako.

Bahala na nga.

While we were instructed to stop, I took out my phone to look at the google map. Pero sobrang hina pa rin ng signal kaya wala itong epekto.

"I'm late," I murmured.

Understandable din naman kasi hindi maayos ang lagay ng daan. I texted my co-workers about my situation just to give a heads-up.

"Liliko ba ako?" tanong ko sa sarili nang nasa intersection na.

Bumuntong-hininga ako at hinayaan na lang ang sarili na lumiko. Ngunit hindi ko napansin na one-way nga pala kaya may nakasalubong ako na sasakyan.

Napasigaw ako at ipinikit ang mga mata! My heart pounded! Hiningal ako sa kaba.

Then I heard a thud! I closed my eyes tightly. The seatbelt kept my body firm. Thank God I wore a seatbelt or else...

Pinakiramdaman ko ang sarili. Nang ayos naman ako at walang masakit sa katawan, dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata.

"Oh no..." sabi ko.

Memories of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon