Chapter 09
Option
Pagkatapos kong pumayag kay Gab ay hindi na ako makatulog nang maayos. Pagulong-gulong lamang ako sa kama habang iniisip ang tungkol sa gaganaping party.
Tumingin na rin ako sa internet, kasi sikat naman sila, at halos masuka ako nang makita kung gaano ito ka-engrande.
Sa tuwing nagpipinta o gumagawa ng plates, palagi akong natutulala. Hindi ko tipo ang mga ganoong bagay. Hindi ako iyon.
Nang hindi na talaga makayanan pa ay nag-text ako kay Karamina na dalawin ako sa unit ko. Dinagdagan ko pa ng emergency kasi totoong emergency naman talaga!
Sobrang kalat ng condo. Kahit saan, may basurang nakakalat. Kanina pa kasi ako gumagawa ng plates pero hindi ako makapag-concentrate kaya naman puno na ng papel ang sala ko. May iilang baso rin ng kape.
Nang may kumatok, tumayo na ako at binuksan ang pinto.
"What's wrong?" kaagad niyang bungad sa akin.
Binuksan ko ang bibig upang magsalita ngunit kaagad niya akong niyakap. Hindi ko iyon inasahan kaya nanigas ako sa kinatatayuan.
Nang kumalas si Mina sa 'kin ay paiyak na siya. Tumingin siya sa loob ng unit ko, tapos sa 'kin.
"Ayos ka lang ba?" she asked again.
"Oo naman. Ba't ang OA mo? Halika, pasok."
Pumasok na kami sa loob. Umupo ako sa sofa. Siya naman ay nagsimula nang pulutin iyong mga kalat.
"Are you really okay, Katarina? Bakit? Ano ang emergency?"
Bigla na tuloy akong nahiya. Paano ko sasabihin sa kanya?
"Basta huwag mo akong tutuksuhin, ha?" tanong ko.
"Oo na. Just tell me about it."
Bumuntong-hininga ako at nag-iwas ng tingin.
"Pupunta ako sa party kasama si Gabriel Serese."
Kumunot ang noo ni Karamina nang tumingin sa akin. Pagkatapos ng ilang segundo ay lumubo ang mga mata niya at isinantabi muna ang mga kalat upang tabihan ako sa sofa.
Naramdaman ko naman ang pamumula ng mga pisngi ko at hindi ako makatingin sa kanya. Napamura ako sa isipan.
"You are going on a date with Mark Gabriel Serese?!"
"Party, hindi date!"
"Omg! I thought... I thought it's something bad. Akala ko may problema ka sa family mo."
Dahil kababata ko si Mina ay alam niya iyong nangyari tungkol sa akin. Simula nang dinala ako ni Papa sa bago niyang asawa, hindi na ulit kami nagkita pa ni Karamina.
Nagkita lang kami sa college at mas naging malapit. Nawalay na rin naman ako kina Princess at Gigi kaya siya na palagi ang kasama ko.
"And it's about a boy!"
"Mina, huwag kang mag-overthink. Lalaki lang 'yan."
"Pero himala kaya na hingan mo ako ng tulong dahil sa isang lalaki! You've never talk to me about boys before."
Umirap ako. "Hindi naman big deal."
"Eh, ba't emergency?"
Panigurado ay pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Dahil sa pagkailang ay tumayo ako at ako na mismo ang pumulot sa mga kalat ko. Punyeta.
"Do you like him?" tanong niya.
"Hindi."
"Omg, you really like him!"
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...