Chapter 15

610 17 6
                                    

Chapter 15

Differences

Nang papalapit na ang finals, naramdaman ko na na kailangan kong magsunog ng kilay. Hindi ko na pwedeng mabiro ang mga requirement na dapat kong ipasa. Idagdag mo pa ang paparating na exam.

Mas doble naman kay Gab kasi huling taon na niya ito sa kolehiyo. Busy siya sa final paper niya. Kailangan daw kasi itong matapos para wala ng problema kapag nag-OJT na siya sa susunod na sem.

Kaya naman minsan na lang kami nagkikita. Pero hindi niya pa rin nakakalimutan na i-text ako araw-araw.

Kaagad akong sumalampak sa upuan nang makapasok sa sasakyan ni Gab. Pumikit ako at kaagad na minasahe ang tulay ng ilong.

"Nakakapagod, grabe," sabi ko.

Pagod siyang tumawa. "Yeah. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa."

"Let's just find a place where we can study and eat at the same time, okay?"

Isang linggo na kaming hindi nagkikita kaya nag-usap kami na mag-aral nang sabay. Hindi rin naman problema sa 'kin kasi kahit nakakahiya man na aminin, namiss ko siya ng sobra.

"Saan?" tanong ko.

"We can go to a coffee shop and study there."

Sumimangot ako. "Hindi ako nakakapag-aral sa maraming tao."

"So, do you want to eat first? Then, we can go to somewhere else."

"Sobrang hassle na niyan."

"Then, let's go to a private restaurant."

"Masyadong mahal."

Tumingin si Gab sa akin. "So, what are we going to do?"

"Hindi ko alam."

Natahimik kaming dalawa. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan niya kaya pinatay niya iyong aircon. Hinayaan kong liparin ng hangin ang buhok ko. Malapit na ang pasko kaya gumiginaw na ang hangin.

"Saan ka ba madalas na nag-aaral?" tanong niya.

"Sa condo."

"Okay," aniya. "Doon tayo mag-aaral. We'll just have takeout."

Ngumiti ako sa kanya. "Okay."

Ngumiti rin siya sa 'kin pabalik.

Nag-U-turn kami papunta sa condo ko. Dala ni Gab ang laptop backpack niya at iilang mga libro. Dinala ko rin ang bag ko.

Bahagya akong nahiya nang maalala na hindi pa pala ako nakakapaglinis. Panigurado na makalat iyong bahay. Pero bahala na nga.

Pumasok na kami sa loob at namula ang mga pisngi ko sa rami ng nakakakalat na papel. Gab also looked around. Pang-apat na beses niya na rito kaya medyo nasanay na rin naman siya na marumi.

"Pasensya ka na," sabi ko at hinawi ang malaking kurtina.

I brushed off the crumpled papers. Iyong coffee table lamang ang nilinisan ko. Ibinalik ko rin ang iilang cup ng baso na nasa sahig.

"I can't study if it's dirty, Kat, you know that," aniya.

"Sorry, okay?"

Bumuntong-hininga siya at pagod na inilagay nang maingat ang laptop backpack sa sofa.

"Maglinis na muna tayo," aniya.

"Nakakapagod. 'Tsaka sobra akong tamad."

"It's either to clean or to not study at all."

Memories of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon