Chapter 08
Date
Kinabukasan ay dumiretso ako sa university upang hanapin si Layla. Wala na rin naman akong problema kasi natapos ko naman nang maayos ang tungkol sa event. Basta ayaw ko na talaga. Suko na ako.
Magsisinungaling ako kung sasabihin ko rin na tungkol lamang ito sa katamaran ko. Malaking parte sa 'kin iyong pagkailang ko kay Gab. Ako itong kulit nang kulit, eh, tapos ako na ngayon ang aatras.
Tanga. Isang malaking tanga.
Tutal pagkauwi mula sa event ay sinend ko rin naman kaagad kay Gab iyong mga picture through email. Pati na rin si Layla ay binigyan ko na ng kopya. Basta tapos na ako.
"Backout na 'ko," sabi ko nang magkita kami ni Layla.
Kaagad na nawala ang ngiti niya. Hinila niya ako sa gilid upang magkausap kami nang matino.
"What do you mean, Kat? Anong backout?"
"Ayaw ko nang sumali sa publication. Tutal wala naman tayong pinag-usapan na iba, 'di ba? Wala naman akong pinangako sa 'yo."
"But..." Huminga siya nang malalim. "We really need photo-journalists now, Kat. That's why I recruited you, 'di ba? I thought we're already done with this?"
"Basta ayaw ko na. Tinatamad na ako."
"But..." she trailed off.
"Nag-email na ako. Nandoon na lahat ng pictures sa debate workshop. Huwag niyo na akong kulitin pa."
Ayaw talaga akong pakawalan ni Layla. Halatang-halata sa mga mata niya na ayaw niya akong bitawan. Pero wala na talaga akong magagawa pa.
"Fine, Katarina. Thank you pa rin sa pagpayag. 'Tsaka you did great. The photos are amazing."
Wala na rin naman akong magawa pa. Tama rin sila. Nakakahiya kasi wala naman akong masyadong background pagdating sa journalism na 'yan. 'Tsaka ayaw ko na masyadong ginagamit ang utak ko. Matalino ako pero tamad rin.
Nang papunta na sa klase ko ay nakatanggap ako ng text.
Karamina: Layla told me about it. Are you okay? Let's meet later.
Kat: Ayos lang naman ako. Pero sige.
Karamina: For sure male-late ka na naman. Bili na lang ako ng pagkain mo.
Buong klase ay nakahati ang atensyon ko. Nakikinig ako sa discussion pero lumilipad ang isipan ko sa desisyong pag-backout.
Ni hindi ko man lang sinabihan si Gab.
'Tsaka, ewan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nakakainis lang. Hindi naman ako ganito.
Malakas ang bilib ko sa sarili. Kaya nga maraming naiintimidate sa 'kin. Pero ngayon, nakaramdam ako ng krisis.
Nyeta. Hindi maalis-alis ang mukha ni Gab sa utak ko. Paulit-ulit na nagre-replay. Lalo na noong tinanggap niya iyong sigarilyo.
Hindi ako nakatulog nang maayos at binabagabag niya ang utak ko. Kaya naman nagdesisyon na lang akong mag-email ng mga picture para may kopya siya.
Pero mas lumala yata lalo na nang makita ko ang mga picture niya roon. Iyong mga stolen shot niya, iyong sa bus na tulog siya. Tangina. Tangina talaga.
Pagdating ko sa cafeteria ay nandoon na si Karamina at nagbabasa ng libro. Napangiti siya sa akin at itinulak sa banda ko ang mga pagkain na binili niya.
"Ayos ka lang ba?" bungad niya sa akin.
"Oo naman."
Tinitigan niya ako nang mariin. Nag-iwas ako ng tingin at binuksan ang banana chips na dala niya at kinain na iyon.
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...