Chapter 29
Cousins
"Bakit sobrang late mo yatang pumasok, Katarina?"
Yumuko ako upang hindi matingnan si Pearl sa mata nang sinalubong niya ako pagkapasok sa opisina. It's already 10 a.m. Dalawang oras na lang ay lunch break na kaya naman sobrang kapal na yata ng mukha ko.
Sana pala nag-half day na lang ako.
Sinundan niya ako patungo sa desk ko. "Huy, ba't ka nga late? Kanina ka pa hinahanap ni Boss."
"Traffic lang," sagot ko.
Lumapit naman si Marie. "Weh? Sure ka?"
"Oo nga."
Hindi ko sila pinansin at binuksan na ang laptop ko.
"Eh, ba't namumula ang mga mata mo?" tanong ni Marie na may halong pagdududa.
"Late akong nakatulog. 'Di ba galing pa ako sa Mama ko?"
"Ay sus!"
Tumayo ako at binitbit ang laptop ko. "Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala."
Humagikhik si Marie. "Sabay tayong mag-lunch mamaya. May utang ka sa amin na kuwento."
Kumunot ang noo ko. Sinabayan niya ako sa paglalakad papunta sa opisina ni Architect Oro.
"Anong utang? Wala akong utang sa inyo."
"Basta, basta. Ikaw, ha. Super secretive mo na!"
"Ewan ko sa 'yo," sabi ko at pumasok na sa opisina para iwasan siya.
Ramdam na ramdam ko ang kaba buong araw. Nag-desisyon kasi ako na pupuntahan ko si Gabriel mamayang hapon upang sabihin sa kanya ang desisyon ko.
I have thought about it and I'm sure.
Tama si Mama na dapat kong magpakatotoo. Takot man ako kung ano ang mangyari, at least ay sinubukan namin pareho. This chance should not be taken for granted.
Buong araw din ay panay ang pagsulyap-sulyap ng mga katrabaho ko sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa kanila ngunit ayaw nila akong punahin.
"Bakit kayo nakatingin sa 'kin nang ganyan?" tanong ko sa kanila.
"Wala lang."
Iyon lagi ang sinasabi nila. I don't want to believe it. Ano ako, tanga?
Nang lunch break ay lumapit sina Pearl at Marie sa desk ko upang alukin ako na sumama sa kanila.
"Sa susunod na lang ako. Kailangan ko pang i-check iyong ginawa ko noong nakaraan," sagot ko.
"Aba, mamaya na 'yan. Kain muna tayo," sabi ni Marie.
"Oo, nga! Trabaho ka nang trabaho, eh," ani Pearl.
Bumuntong-hininga ako at tiningnan sila.
"Tara na, sumama ka na sa 'min," si Marie at hinawakan ang kamay ko at sinubukan akong patayuin.
"Hay, sige na nga," sabi ko.
Humagikhik silang dalawa at napailing na lamang ako.
Maraming kainan sa labas ng firm kasi malapit lang sa highway. Kaya naman doon na kami dumiretso. Habang papunta ro'n, palagi silang nakatingin sa akin.
Nang makapili na ng upuan ay nag-order na kaagad kami. Pagdating ng mga pagkain namin, kaagad ko silang tinumbok.
"Ano bang meron sa mga tingin ninyo, ha? Kanina ko pa 'yan napapansin, eh. Kahit iyong iba nating mga kasamahan."
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...