Chapter 20
Bulag-bulagan
Alas onse nang mag-text si Gab kung nasaan na raw ako. Buong oras akong nasa pinakadulo ng resort, sa may maliit na jacuzzi upang libangin ang sarili. May mga kumakausap naman sa 'kin. Small talk, mga ganoon. Pero pagod na talaga ako.
"Hey, I've been looking for you," bungad ni Gab nang magkita kami.
Tipid akong ngumiti. "Uuwi na ba tayo?"
"Gusto mo na bang umuwi?"
Ayaw niya pang umuwi. Nakikita ko sa mga mata niya. Nag-eenjoy siya kasama ang mga kaibigan niya kasi ngayon lang siya nakaluwag-luwag sa rami ng ginagawa.
"Puwede mo na ba akong ihatid?" sabi ko. "Pagod na ako. Balik ka na lang dito. O baka mag-taxi na lang ako pauwi para hindi ka na maistorbo."
He smiled a little. "No, ihahatid na kita."
Tumango ako.
"Gusto mo bang magpaalam sa kanila?"
"Huwag na lang. Ikaw na lang ang magsabi. Tutal babalik ka naman dito."
Nagpunta na kami sa labas ng resort. Natatamaan na ako sa alak na nainom kaya nang umupo sa passenger seat, ipinikit ko ang mga mata.
Pinatay ni Gab upang hindi ako masilawan. Lihim akong napangiti dahil doon. Ngunit kaagad napawi ang ngiti ko nang maisip kung ano ba ang ginagawa ko ngayon.
"Is the party fun?" malambing niyang tanong.
"Yep," nakapikit ko pa ring tugon.
Mabuti na lang at madilim upang hindi niya makita ang mukha ko.
"Ngayon ko pa lang sila nakita ulit. I couldn't even catch up with their life. I've been so busy lately."
Paano kung sabihin ko sa kanya na hindi talaga ako nasiyahan ngayong gabi? Ano naman kasing nakakatuwa kung nakaupo ka lang sa gilid. Kung ang pakiramdam ko kanina ay mag-isa lang ako?
I could not fit in. That's the truth.
Sinubukan ko namang makipag-usap kanina. Pero hindi ko lang tipo ang mga ganoong bagay. It was all too much for me.
Pero kung saan siya masaya, sige ayos lang. Hindi naman siguro masama ang isang beses na ganito. Pero sino ba ang lolokohin ko? Hindi lang naman yata ito isang gabi lang.
Kung gusto kong makasama si Gabriel, kadikit na roon ang ganoon na buhay.
Pag-uwi ko, kaagad akong natulog nang may kaunting luha.
* * *
Papalapit na ang kaarawan ni Pablo. Hindi naman talaga big deal sa amin ang ganoong bagay pero nag-iba iyon nang marinig namin ang sinabi niya noong isang araw sa bilyaran.
"Naiinggit ako sa birthday party ng anak ko, putangina. Ba't ba mas masaya ang mga birthday ng mga bata kaysa sa mga matatanda? Hindi naman maaalala ng mga bata kung ano ang nangyari, eh."
Kaya nang papalapit na ang kaarawan niya, naghanda kami nina Haben, Dennis, at Boyet. Kami ni Haben ang gumastos ng lahat. Sina Dennis naman at Boyet ang naghanda. Sinama na rin namin ang asawa ni Pablo at ang baby niya.
Inayusan namin ang bilyaran ng mga design. Nilinisan din namin.
"Gago, paano kung masuntok tayo ni Pablo nito?" tanong ko.
"Edi susuntukin ko rin siya!" ani Haben.
Ngunit tumawa siya ng hilaw nang magkatinginan sila sa asawa ni Pablo. Namutla si Haben kaya naman nagtawanan kami.
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...