Chapter 25
Meeting
Hindi ako nakahinga nang maayos nang marinig ang balita tungkol sa kliyente namin. I really had to excuse myself from the ruckus and went to the comfort room.
Pagkapasok sa cubicle ay napasandal ako sa likod ng pinto. My heart went to my chest, feeling my heartbeat rising.
Oh my gosh. Mark Gabriel Serese. With our firm.
Me... working for Gab Serese.
I let that sink in as I took a few deep breaths.
Hindi pa nga ako ayos mula sa aksidente kung saan kami nagkita ulit. Tapos pagpasok ko sa trabaho ay ganoong balita ang madadatnan ko?
Hindi ako handa. I did not even expect this shit to happen.
Gomez Architecture & Associates is not the best firm... at least for the standard. Kinakapos na nga kami at pito lamang ang trabahante.
It was a struggling firm. And to get chosen to work for the number one jewelry brand in the country is pointless.
Gusto kong isipin na baka napili nga kami dahil sa galing namin. Ngunit sinasabi ng kutob ko na may kinalaman ang ugnayan ko kay Gab sa desisyong ito.
Sana naman hindi.
Pagbalik ko, natigilan ako upang pagmasdan ang mukha ng mga katrabaho ko. They are happy about the news. May kliyente na kami. Big time pa. I should not be bitter about it.
"May pa-pizza raw si Boss mamaya!" ani Pearl.
"Talaga?" at pumilit ng ngiti.
"Oo naman! Ang tagal din nating walang kliyente 'no. Bawal umabsent, okay?"
Natawa ako at tumango.
Nang magpa-deliver na ng pizza at iba pang inumin at pagkain ay nagtungo na kaming lahat sa meeting room.
Nakita ko roon ang boss namin na halos mapunit na ang labi sa kakangiti. He was old and he built the firm from scratch. For sure, this project is a huge break.
Umupo na kami sa long table at nasa tapat naman ang mga pagkain.
"For sure, you heard the news," nakangiting bungad ng boss namin.
"Opo!" the group said in chorus.
"It's been a long time since we had a client. Maraming salamat at nanatili kayo sa firm na ito."
Architect Luis Oro was the 3rd placer of the board exam in his take. He was brilliant and empathetic. Dahil may bilib sa sarili ay nagtayo siya ng firm kasi ito naman talaga ang pangarap niya.
Kaya nga lang, the world of architecture is competitive. Hindi lang sapat na top 3 ka sa board exam. Kailangan mo ng maraming credentials, lalo na kung may balak na magtayo ng sariling firm.
But he has faith. Sa simula ay maraming nag-aapply ngunit dahil wala masyadong kliyente ay nag-resign din.
Pero niligtas niya ang buhay naming lahat. The seven of us were not a place holder. Pasang awa nga ang grades ko noong kolehiyo. Kaya naman pahirapan sa paghahanap ng trabaho.
"Ang importante ay masipag," sabi niya nang mag-apply ako.
Suwerte ako dahil may mabait kaming boss. Para na rin kaming pamilya rito. Pati sina Pearl at Marie ay nanatili rin kahit may mga offer sa labas ng firm.
"They are expected to come here this weekend, so we need to prepare," aniya.
"Kinakabahan ako," bulong ni Marie.
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...