Chapter 11
Obvious
Malalim ang gabi. Malamig ang hangin. Nakakakalma ito pero hindi pa rin ako mapalagay nang maayos. Paulit-ulit kong naririnig iyong sinabi niya kay Haben kanina.
Alam ko naman na sinabi niya lang iyon para umalis na ang pinsan niya. Ano na bang nangyayari sa 'kin?
Mukhang wala lang din naman kay Gab kasi parang hindi naman siya naapektuhan. Kanina pa kami sa puwesto namin habang nag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay. Marami na rin kaming champagne na nainom.
"Pero teka nga," sabi ko. "Bakit ba kailangan mo ng ka-date? Mukhang maayos ka naman dito, eh."
Bumuntong-hininga siya. "Not really. If I don't have a date, I might be inside one of the rooms of this luxurious yacht and watch a movie. Panigurado ay mababagot lang ako."
"So, kailangan mo ng date para hindi ka mabagot?"
"That... and also I want to be saved."
Natawa ako. "Superhero na ba ako niyan?"
"Parang."
Tumitig siya sa kabuoan ng karagatan. Dahil sa ilaw mula sa yate ay parang kumikislap ang tubig. Hindi ko naman mapigilang... mapatingin sa kanya.
"Sabi mo ikukuwento mo sa 'kin," ani ko. "Kuwento ka na."
Huminga siya nang malalim. "Okay... hindi ko alam kung saan magsisimula pero susubukan kong ipaliwanag sa 'yo lahat."
Tumango ako at binigyan siya ng maliit na ngiti.
"Si Dad kasi, siya 'tong parang black sheep ng pamilya nila. Ayaw niya kasing magtino. He was a bad guy doing bad stuffs."
"Sobrang hot siguro ng papa mo," komento ko.
Mahina siyang natawa. "I admit, yes. Then, he really didn't want to do business stuffs and fled to the States. That's where she met my mother, a Filipina, who works at a diner."
"Kasali ba ang cheesy love story ng mga magulang mo sa kuwento? Skip mo na lang. Allergic ako sa romance."
Natawa ulit siya. "Yes, madame. Anyway, they got married. I was born. We were happy."
Napatitig ako sa kanya.
"Then, my grandfather, the founder of Serese Jewels, called him to come home. He is the favorite son. Kahit matigas ang ulo ni Dad, namimiss siya ni Lolo... And he told him that he'll be the next heir of Serese Jewels."
Tumingin siya sa akin na parang tapos na ang kuwento niya. Kumunot ang noo ko.
"Tapos?"
"That's all," aniya.
Mahina akong natawa. "Anong nakakalungkot dun? Ikaw ang anak ng tagapagmana. Dapat ka ngang matuwa. Kung ako pa niyan, baka nagpaparty na 'ko."
He smiled. "It's actually hard because my father's brothers and cousins are angry. Sila itong nagtrabaho ng ilang taon, nagpapa-impress kina Lolo at sa kapatid nito. Pero wala."
May punto rin naman kasi ang mga tito niya. Mukhang unfair nga. Hindi naman nila kasalanan. Tumingin ako kay Gab na seryosong nakadungaw sa dagat.
"Bakit ka masyadong naaapektuhan?" tanong ko.
"Kasi hindi pa rin nila kami kinikilala na parte ng pamilya."
Nag-iwas ako ng tingin at uminom ng champagne. Bumigat ang paligid... o baka sa pagitan lang namin.
"Even my cousins," dagdag niya.
"Eh, ba't close kayo ni Haben?"
"Si Haben lang. Ka-close niya naman lahat ng tao."
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...