Chapter 07

636 22 7
                                    

Chapter 07

Sigarilyo

Napamura ako nang magising dahil sa lakas ng katok ng pinto. I groaned in annoyance. Kahit hindi ko pa man nakikita kung sino 'yang halos balibagin ang pinto kakakatok, alam ko na kaagad kung sino.

Padabog akong bumangon mula sa malambot na kama at inis na binuksan ang pinto. Napangiti si Gabriel nang makita ang simangot ko.

"Good morning," aniya.

"Putangina, anong oras pa ba?"

Tumingin siya sa relo niya. "Ala sais pa."

"7:30 magsisimula ang workshop! Ano bang nasa isip mo?! Ang aga-aga pa!"

Inis kong sinipa ang pinto at pumasok na sa loob ng unit. Narinig ko ang halakhak ni Gab pero hindi ko iyon pinansin. Patalon akong bumalik sa pagkakahiga at inis na tinakpan ang mukha gamit ang unan.

"I am just making sure that you're on time, Katarina. We should not be late."

"Tangina mo!" sabi ko kahit hindi niya naman maririnig kasi may unan sa mukha ko.

"I'll come back in an hour."

"Huwag ka nang bumalik pa!"

Natawa na naman siya at narinig ko ang pagsara ng pinto. Sinubukan kong kumalma pero hindi na ako makatulog pa. Bwisit! Nakakainis talaga!

Hindi na ako makatulog ulit. Kaya naman wala na akong choice kundi bumangon at magtungo sa CR upang maligo.

Hindi ko na mabilang kung ilang mura ang pinakawalan ko. Bwisit! Bwisit talaga!

Nagbihis lang ako ng puting long-sleeve at brown na trouser. Nag-braid na rin ako sa buhok. Hindi na naalis ang simangot ko.

Kape.

Kailangan ko ng kape.

Padabog kong isinara ang pinto. Napatalon naman 'yung staff ng hotel dahil sa lakas nito. Wala ako sa mood kaya bahala siya. Bahala silang lahat! Nyeta!

Pagdating ko sa restaurant ay naabutan ko roon si Gab habang nag-aalmusal. May binabasa siya. Nang magkatinginan kami ay inirapan ko lamang siya.

Nag-order na ako ng kape at isang donut at nagtungo na sa mesa ni Gab. Nasa gilid kami ng glass wall kaya nakikita ko na umuulan. Sinamaan ko ng tingin ang kasama ko na konti na lang ay sasapakin ko na.

Wala akong pakialam kung siya ang nagbayad ng room ko! Napamura na naman ako.

"Maaga ka yata ngayon," aniya.

"Bakit pa nga ba?"

Humalakhak siya. "Why are you so angry? I just woke you up. Mahirap na mahuli lalo na at importante ito."

"Alam mo ba na dalawang oras lang ang tulog ko? Nakikita mo 'to?" Itinuro ko ang eyebags ko. "Mukha na akong zombie."

Hindi kasi ako makatulog nang maayos kagabi. Ewan ko ba. Palagi ko na lang iniisip si Gab at iyong repleksyon niya sa tubig. Hindi ako mapalagay. Kahit ilang beses na akong pumikit, naiisip ko pa rin si Gab.

Lalo na nang mapanaginipan ko siya.

Tapos siya pa itong unang nakita ko pagkagising.

Mababaliw na yata ako.

"I am already dead with your stares," aniya. "Pasensya na. Ayaw ko lang na ma-late. I am sorry."

"Sorry mo mukha mo."

Pagkatapos naming mag-agahan ay dumiretso na kami sa function hall. May dalawang session at magkasunod pa kaya naman mabigat ang trabaho. Iniisip ko pa nga lang, napapagod na ako.

Memories of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon