Chapter 18
Work
Nag-text si Gab sa akin nang gabing iyon pero masyado akong galit kaya hindi ko na pinansin. Kinabukasan ay nauna na ako sa unibersidad. Madalas ay sinusundo niya talaga ako pero ayaw ko muna siyang makita ngayon. Kaya nag-text ako na huwag na akong sunduin.
Sa tuwing may libreng oras, sa bilyaran ako tumatambay. Kahit may OJT si Gab at wala siya sa university, ayaw ko pa rin na tumambay ro'n kasi nababadtrip lang ako.
Hindi ko alam kung ano ang problema ko.
Gusto ko na sabihin ito kay Karamina pero parang nakakahiya yata. Hindi ko kayang sabihin sa kanya.
"Ayos ka lang, Nene?" tanong ni Boyet.
"Oo naman."
Uminom siya ng alak at sinalinan din ako. Ininom ko iyon at ibinalik sa kanya ang baso.
Kami lamang dalawa ang nasa bilyaran ngayon. Malakas ang ulan. Wala rin akong klase kaya naman sinulit ko ang pagtambay rito.
"Gusto mo ng sigarilyo?" alok niya.
Tiningnan ko ang kaha na inilahad niya at bigla ko na lang naalala si Gab. Ayaw niya sa mga sigarilyo. Ayaw niya sa mga ganito.
Mapait akong ngumiti at umiling.
"Pass na muna," tanggi ko.
"Ikaw bahala. Kung gusto mo, hingi ka lang sa 'kin."
Nagsindi siya ng sigarilyo at hinithit na ito. Pareho lang kaming nakaupo sa mesa at nakatitig sa kawalan.
Punyeta, sinasabayan yata ng ulan ang lungkot ko ngayon.
"Mukhang hindi ka yata ayos, eh," ani Boyet.
Bumuntong-hininga ako at nagsalin ng alak sa baso. Inubos ko ito.
Bigla na lang may namuong luha sa mga mata ko. Napansin iyon ni Boyet ngunit wala siyang sinabi.
Nagsalin na lang ulit siya ng alak sa baso ko at ibinigay sa akin. May kumawala na luha sa mata ko at kaagad ko namang pinunasan.
"Putangina," bulong ko at tinaggap iyong baso.
Inubos ko na naman ito. Medyo nararamdaman ko na ang alak na gumuguhit sa tiyan ko.
"Mukhang mabigat yata ang puso mo, Nene," ani Boyet.
"Sobrang bigat nga, punyeta," bulong ko.
Hindi ko na mapigilan ang luha sa pag-agos. Hinayaan ko na lang din iyon. Nakita na rin naman ni Boyet.
"Inaway ka ba? Sinaktan ka?"
Umiling ako.
"Sabihin mo lang sa 'kin kung nanakit 'yung rich kid na 'yun."
Natawa ako. "Gago."
"Seryoso nga kasi."
Lumakas ang ihip ng hangin. Mas lumakas din ang buhos ng ulan.
Gustong-gusto ko nang magsindi ng sigarilyo pero pinipigilan ako ng konsensya ko. Naiisip ko palagi si Gab. Iyon din ang dahilan kung ba't hindi na ako naninigarilyo nitong mga nakaraang araw.
"Ako yata ang may problema, Boyet," ani ko.
Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paghithit ng sigarilyo.
"Nahihiya ako sa kanya, eh. Hindi kami... bagay."
"Bakit naman?"
Ngumisi ako at tumingin sa kanya. "Tingnan mo nga ako."
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...