Chapter 19

546 16 4
                                    

Chapter 19

Understand

Iyon ang pinakaunang malaking away naman ni Gab. Naging maayos din naman kami pagkatapos. Hinatid niya ako pauwi. Tumawag din siya nang makauwi na siya sa unit niya.

'Tsaka ko lang natanto na natatakot pala ako kung ano ang mangyayari kung sakaling hindi maganda ang naging kalabasan ng away namin.

Baka may mangyaring hindi ko kayanin.

Dahil sa pagod ay nakatulog din naman ako.

Kinabukasan ay nagpunta ako sa malaking bahay. Nag-text ako kay Papa tungkol doon dahil ang sadya ko lang naman talaga ay si Paul. As much as possible, ayaw kong makita sila.

"Kukumustahin ko lang naman ang bata," sabi ko nang tumawag si Papa sa akin.

"Puwede naman tayong mag-dinner, Katarina," aniya sa kabilang linya.

"Ayaw ko nga, Pa. Bibisitahin ko lang naman si Paul. Aalis din naman ako kapag hapon na."

Hindi ko gusto na nakikita ang bagong asawa niya. Mabait si Marissa pero hindi ko pa rin tanggap na step-mother ko na siya. Si Paul lang ang tanggap ko.

"May pera ka pa ba?"

Bumuntong-hininga ako. "Oo, mayroon pa."

Nang ibinaba ko na ang tawag ay sumakay na ako ng traysikel papunta sa village nila.

Wala kasi akong pasok. Wala ring tao sa bilyaran. Busy si Gab. Kaya naman bibisitahin ko na lang si Paul. Panigurado ay nababagot na rin 'yun sa malaki nilang bahay.

Binati ako ng mga kasambahay pagdating ko roon. Kaagad akong pumasok sa loob at nakita si Paul na naglalaro na naman sa sala nila.

"Ate Katarina!" nakangiti niyang bungad.

Ngumiti na rin. "Kumusta?"

Tumakbo siya at yumakap sa akin. Ginulo ko ang buhok niya. Sabay kaming umupo sa sahig ng sala kung saan may mga laruan na nagkalat.

"I'm fine. My class just ended," aniya. "Mabuti naman po at bumisita kayo rito. Namiss po kita."

"Wala akong ginagawa, eh. Ano ang ginagawa mo?"

Kagaya noong huli kong punta sa bahay nila, naglaro lang kami ng mga blocks. Ginagawa naming mga bahay at kung anu-ano pa.

"Ate," tawag ni Paul.

"O ano?"

"Do you have other drawings on your skin like on your finger?"

Mahina akong natawa. "Mayroon pa."

Kuminang ang mga mata niya. "Talaga, po?"

Tumango ako. I have never been vocal about my tattoos. Pero sobrang inosente ni Paul at gusto niya itong malaman.

Hinubad ko ang jacket na suot. Nakasuot lang ako ng vest sa loob kaya naman napasinghap siya sa gulat nang makita ang mga nasa braso ko.

"Ang dami, po," aniya.

Natawa ako. Itinali ko na rin ang buhok upang makita niya rin iyong nasa leeg ko.

"I saw it on youtube. It is written with needles."

"Oo, nga."

Ngumiwi siya. "Hindi po ba masakit?"

"Masakit. May sa likuran ko pa."

Hinayaan ko si Paul na tingnan ang mga maliliit na tattoo sa mga braso ko. Pati nga iyong nanonood na kasambahay ay napamangha.

Siguro tama nga si Gab noong gabing tumambay kami sa swimming pool. Inosente kasi ako tingnan. Idagdag mo pang height ko kaya para pa akong bata. Hindi mo aakalain na marami pala akong tattoo.

Memories of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon