Chapter 05

627 25 5
                                    

Chapter 05

Stolen

Pagkapasok ko sa coffee shop na chinat sa 'kin ni Gab ay kaagad kong nakita ang simangot niya kahit nasa pintuan pa ako. Tumingin siya sa relo niya at dismayadong umiling sa 'kin. Mahina akong natawa at nagtungo sa kanya.

Dahil wala na rin naman siyang magawa ay pumayag na siya na kasama ako. Kukulitin ko rin naman silang lahat kung hindi ako makakasama.

Kung ano ang gusto ko, makukuha ko.

"20 minutes," aniya paglapit ko sa mesa. "You are very late."

"Pasensya ka na. Traffic lang. Nahirapan pa nga akong makahanap ng taxi."

Bumuntong-hininga siya at binuksan na ang kanyang laptop.

"What do you want to eat?" tanong niya.

"Bakit? Libre mo 'ko?"

"Oo. Kaya ano ang gusto mong kainin?"

Napangiti ako. "Yiee, ganyan ka ba lahat sa mga crush mo?"

Kumunot ang noo niya. "Hindi kita crush."

Natawa ako. "Sus, kunwari ka pa."

Napailing na lamang siya at walang sabi na tumayo. Agaw-pansin talaga itong si Gab, eh. Kahit 'di mo kilala, halata na sobrang galante. Mukha ring matalino.

Nakatingin lamang ako sa kanya nang maglakad na siya sa counter upang mag-order. Ipinatong ko ang siko sa mesa at ang mukha naman ay nasa palad habang nakatitig kay Gab.

Napatingin siya sa 'kin at nagkunot-noo. Ngumiti ulit ako. Iniwas na niya ang tingin sa 'kin para kausapin 'yung cashier.

Hindi ko rin alam kung ba't hindi ko maalis-alis ang tingin kay Gab. Ayos na 'yung insidente sa 7-Eleven, eh. Pero nang makita ko ulit siya sa meeting, alam ko na nakuha na niya ang atensyon ko.

Crush? Pwede na rin. Crushable din naman siya, eh.

Bored? Baka.

Pero kahit na siguro umalis ako sa publication team, kukulitin at kukulitin ko pa rin siya.

"Jeez, stop staring at me like a creep," aniya nang makabalik na sa table.

Nag-order siya ng dark chocolate shake sa 'kin at donut. Sa kanya naman ay iced coffee lang.

"Hindi ako kumakain ng matamis," sabi ko at kinuha ang kape niya. "Salamat."

Pagod siyang bumuntong-hininga. "Kung sinabi mo 'yan sa 'kin, edi sana nag-order na rin ako ng kape para sa 'yo."

"Hindi mo inantay ang sasabihin ko. Kumaripas ka na lang ng takbo papunta sa cashier."

"Oh my god," sabi niya sa hangin.

Humagikhik ako at ininom na 'yung iced coffee. Wala naman siyang choice kundi tanggapin 'yung inorder niya para sa 'kin.

"Okay, let's start brainstorming," aniya.

"Okay."

Tumingin siya sa 'kin. Pati sa likuran ko na para bang may nakalimutan akong dalhin.

"O, bakit?" tanong ko.

"Nasaan na ang mga gamit mo? Laptop? Notes? Ballpen?"

"Kailangan pa ba 'yun?"

Nanigas ang panga niya at napapikit sa inis. Nakatitig lamang ako sa kanya at 'di mapigilang mapansin kung gaano kakinis ang mukha niya. Ang unfair. Wala man lang dark spots. Ano ba skincare niya?

Memories of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon