Chapter 10
Party
"Putangina."
Iyan kaagad ang lumabas sa bibig ko nang tingnan ang sarili sa salamin.
Nakasuot ako ng puting dress. Long sleeves ito pero medyo kita pa rin ang mga braso ko dahil sa tela nitong manipis kay visible ng konti ang mga tattoo. Maayos naman at simple. Gusto ko rin kahit papaano.
"It suits you well," puna ni Karamina.
Sumimangot ako sa kanya. Tinanggal ko na ang towel na nakapulupot sa basang buhok at isinablay sa rack. Umupo na ako sa harapan ng vanity mirror.
Ngayong gabi na ang party. Dahil hindi ko naman kaya na mag-isang maghanda, tinawagan ko si Mina upang matulungan niya ako.
Dala niya na lahat – damit, makeup, mga alahas, heels, at kung anu-ano pa. Nang inilabas niya lang iyon lahat ay napabuntong-hininga kaagad ako.
"Nakakahiya 'to," sambit ko.
Sinimulan na niyang ayusan ang buhok ko.
"You should really stop frowning, Kat. Smile more."
"Paano ako ngingiti nito?" I sighed. "Paano kaya kung aayaw na lang ako. Tatawagan ko na lang si Gab na masakit ang tiyan ko. Mukhang hindi ko talaga kaya."
"You already done that before. Nagulat pa nga ako nang sinabi mo sa 'kin na pumayag ka na ulit na maging kasama niya."
Natahimik kami saglit nang itinapat niya ang blower upang patuyuin ang buhok ko.
"But you are comfortable with the dress, right?" aniya.
"Oo naman."
"Then you can rock it. Ikaw pa ba?"
Sumimangot ako. "Madali lang sa 'yo na sabihin kasi hindi ikaw ang pupunta sa party."
"I bet that I'll be fine if I go to the party."
"Edi ikaw na."
Mahina lamang siyang natawa.
Sobra akong kinakabahan. Hindi naman ako ganito palagi. Na-conscious na rin ako sa mga tattoo ko. Lalo na nang itinali na ni Mina ang buhok at nakita pa iyong maliit na tattoo na nasa gilid ng leeg ko.
"Sa tingin mo ba ay magugustuhan ako nila?" mahina kong tanong.
"Of course, Kat. You are an amazing person. You are also funny. Kaya mo 'yan."
Pinaatras niya na ang upuan ko para simulant na ang makeup. Napahinto siya at binigyan ako ng maliit na ngiti.
"Huwag ka nang kabahan, okay? They will like you."
Tumango ako kahit tagilid na ang confidence ko. Matapos ang kalahating oras ay pinakawalan na ako ni Karamina.
Nang tumingin na sa salamin, bahagya akong nagulat sa mukha kong nakaayos. Hindi naman kasi ako mahilig sa makeup kaya hindi rin ako sanay. Medyo namangha ako lalo na sa lip gloss na nasa labi.
"Let me take pictures," ani Mina.
"Huwag na. Nakakahiya."
"Pang-remembrance lang naman. I will not post it."
I sighed and rolled my eyes. Pumayag na rin ako at kinuhanan na niya ako ng pictures. Marunong naman akong magsuot ng heels kaya hindi ito naging problema sa 'kin.
"Susunduin ka ba ni Gab dito?"
"Oo raw."
Bigla siyang nanggigil. "That's so cute! Both of you can make a good couple."
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...