Chapter 24
Sign
Pagdating ko sa firm ay kaagad akong sinalubong nina Pearl at Marie tungkol sa text ko.
"Kumusta ka? Malala ba?"
Umiling ako. "Hindi naman, Pearl. Sasakyan lang iyong casualty."
Nakahinga nang maluwag si Marie. "Mabuti naman kung ganoon, Katarina. Kanina pa kami nag-aalala sa 'yo."
Nang hapon, nakipagkita ako kay Karamina para mag-usap tungkol sa nangyari. She's already in her post grad internship. Ilang buwan na lang ay sasabak na siya sa review para sa kanilang licensure exam for medical doctors.
Even if we already have our own lives, we still keep in touch. Right now, I really need to talk to her.
Siya ang kasama ko nang maghiwalay kami ni Gab. Nakita niya kung paano ako umiyak. It was so unlikely of me. But I accepted that I loved Gab and it's just painful to even think about it.
Imbis na sa ospital kami magkita, pumunta kami sa malapit na fast food chain. Gutom daw kasi siya.
"It's very, very stressful! Oh my gosh, pakiramdam ko ay hindi ko na talaga kaya ito," she ranted.
"You also said that when we were in college but you never did."
Bumuntong-hininga siya. "Pagod na ako, Katarina. Hindi ko rin mapigilang ma-pressure sa paparating na exam."
"Kaya mo pa rin 'yan."
She exhaled and dwelled on her sandwich. Ngunit nahinto siya at tumingin sa akin.
Nagtaas ako ng kilay. "What?"
"Something's fishy. Bakit ka nakipagkita sa 'kin?"
I looked away. "Wala lang. Masama ba na gusto ko lang makipagkita sa 'yo?"
She eyed me. "Naku, Katarina, you can lie to everyone but me. Spill."
Napangiti na lang ako. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ito sisimulan. I felt my ears heating up.
Matagal na naming hindi pinag-usapan si Gabriel. His name is taboo.
"May nabangga ako kanina."
Her eyes widened. "Really? Are you hurt?"
Umiling ako.
"How about your car? Pinapakaba mo ako, Katarina."
"I'm really fine. My car was towed. Pinadala ko na sa isang talyer upang maayos."
Nakahinga siya nang maluwag.
"Pero..."
"Pero ano? Oh, God. Don't tell me may taong nadamay? So far, wala pa naman akong narinig na aksidente sa emergency room."
"Mina, wala akong nasaktan na taon."
Huminga siya nang maluwag. "Good..."
"Pero kasi 'yung nabangga ko..." I trailed off.
"Dinemanda ka ba? Pinagbayad ka? Pauutangin kita, 'wag kang mag-alala."
Kabado akong tumawa. "It's not like that... Iyong sasakyang nabangga ko kasi... kay Gab."
She was surprised. Of course, she should be.
Alam niya na ayaw kong pag-usapan si Gab. Ilang gabi ko ring inisip kung ano kaya ang puwedeng mangyari kung hindi kami naghiwalay.
We both loved each other. We were just so... different.
We couldn't adjust. Tama si Papa na hindi lang sapat ang pagmamahal. My love for him was not enough. We both lived in different worlds.
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...