Chapter 13
Couple
Nakasunod lamang si Gab sa 'kin. Mabuti na lang at nakatalikod pa ako sa kanya para mahanda ko ang sarili. Binuksan ko na ang unit at pumasok sa loob.
'Tsaka ko lang napansin ang kalat. Maraming papel na nasa paligid. Hindi rin naka-arrange ito. Tapos iyong easel pa na nasa sala.
Bahala na.
Tumingin ako kay Gab na nasa pinto pa rin, nagdadalawang-isip na pumasok.
"Halika," alok ko. "Kung gusto mong mag-usap, dito tayo mag-uusap."
"O-Okay," aniya at pumasok na.
Tumingin siya sa paligid. Mukhang hindi yata siya sanay na makalat ang paligid.
"Makalat kaya rito ka na sa sala kasi medyo malinis naman kahit papaano."
Tumango siya at umupo na sa sofa.
Nagbukas ako ng isa pang easel sa tabi ng nakabukas kong easel. Nilagyan ko ito ng canvas at inilagay sa gitna namin ang mga pintura at paintbrush.
"Dito ang puwesto mo," sabi ko at tinuro iyong katabing easel.
"Oh, okay."
Lumapit na si Gab at naupo sa stool sa tapat ng kanyang easel. Tumingin siya sa bulaklak na sinimulan ko kanina.
Nagpanggap ako na ayos lang at hindi kinakabahan. At ano ba ang ginagawa namin? Bakit kami nagpipinta kung dapat ay nag-uusap kami ngayon?
Tahimik lang si Gab at nagsimula na ring magpinta. Mukhang hindi naman siya naguguluhan.
"Ano ba ang gusto mong sabihin?" mahina kong tanong.
Inilapag niya ang hawak na paintbrush at humarap sa 'kin. Napalunok ako at nagpatuloy sa pagpipinta kahit hindi na mapalagay.
"Katarina..." tawag niya. "I am here to make things clear between us."
"May dapat ba tayong linawin?"
"Yes. You are ignoring me."
Saglit akong tumingin sa kanya. "Wala naman na akong sadya sa 'yo kasi wala na ako sa publication. Ba't pa kita papansinin?"
"Kat, seryoso ako. Bakit mo 'ko hinalikan? Do you like me too?"
Kumurap-kurap ako. Bahagya nang nanginig ang mga kamay ko kaya inilapag ko na ang paintbrush at buong tapang siyang tiningnan.
Gab's eyes were soothing me. Na kahit kinakabahan ako ay alam ko na hindi dapat ako mag-alala. Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya, sinusulit ang buong oras na nandito siya sa tabi ko.
"Because you are driving me insane, Kat," puno ng paghihinagpis ang boses niya. "And I hate how that guy was so close to you while I was so far away."
"Huwag tayong maglokohan, Gab."
"Hindi naman ako nagloloko, eh. I am dead serious."
"And what? Magkaiba tayo, Gab. Sa tingin mo ba hindi tayo mag-aaway niyan?"
"Pwede naman nating subukan," aniya.
Bumuntong-hininga ako at yumuko. "Nakakahiya 'to pero... gusto rin kita."
Nang mag-angat ng tingin, nakangiti na si Gab sa 'kin. Tuluyan na rin akong bumigay at ngumiti na rin. Putangina.
"I don't want to pressure you-"
"Pwede ba kitang maging boyfriend?"
Hindi talaga ako pinapalya ng bibig ko. Nagulat si Gab ngunit kaagad rin namang natawa.
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...