Chapter 32
Adjust
Naging maayos ang dinner nang gabing iyon. Sa una ay kabado pa ako't nahihiya, pero sobrang gaan kausap ni Gabriel kaya naman kaagad siyang nagustuhan nina Mama, Papa, at Tita Marissa. Si Paul lang itong hindi masyadong nakikipag-usap sa kanya.
Akala ko talaga ay magiging tahimik at awkward ang buong gabi. Hindi naman kasi ako sanay na may ipakilala sa kanila. But it was smooth.
It was everything I wanted.
Nang nagpaalam na ay sabay kaming nagtungo sa sasakyan ni Gabriel. Iniwan ko ang sasakyan ko sa opisina at magsasabay raw kami. Ihahatid niya rind aw ako bukas ng umaga sa opisina.
Pumasok ako sa passenger seat. I immediately smelled his perfume. Parang noon lang... Pumasok na rin si Gabriel sa driver seat. Pinaandar niya na ang sasakyan.
He honked at Papa's car as a gesture that we'll go. Papa honked back.
Nakasandal kami sa mga upuan namin habang nakangiti.
"Are you happy?" he softly asked.
"Sobra. Feeling ko nga illegal yata na sobrang saya ko ngayon."
Mahina siyang humalakhak. Tumingin ako sa labas ng bintana nang matanto na nakabukas pala ito.
I remember how he loves to close the window upang magpa-aircon.
Noon, hindi talaga ayos sa akin na nakasara ang mga bintana dahil nasusuka ako. Pero nakasanayan ko na rin naman ito. Nakailang biyahe na rin ako kasama ang mga katrabaho at naging ayos na rin sa akin ang may aircon.
"Isara mo na lang ang bintana, Gab," sabi ko. "Gusto mong magpa-aircon, 'di ba?"
Napangiti siya. "You still remember."
"Aba, oo naman. Bintana kaya ng sasakyan ang palagi nating pinag-aawayan dati."
I also smiled as I remember the fights we had years ago. Ang dami na talagang nagbago.
"It's fine, Katarina. Over the years, I used to love open windows. Mas presko kasi ito."
Bumaling ako sa kanya. "Talaga?"
Saglit siyang tumingin sa akin at ngumiti bago ibinalik ang mga mata sa daan.
"Yup. It also reminds me of you... Naalala ko noong muntik ka nang masuka dahil sa lakas ng aircon. You easily got nauseous."
Napangiti ako. Nakakatuwa lang dahil ganyan din ako sa tuwing pumupunta sa mga coffee shop. Kahit na pilit kong iniiwasan ang isipin si Gab kapag pumapasok sa mga gano'ng lugar, hindi ko pa rin mapigilang balikan lahat ng mga alaala.
I leaned my back on the seat and looked outside the window.
"Thank you, Kat."
Lumingon ako sa kanya. "Para saan?"
"Sa pagdala mo sa 'kin sa dinner kanina."
A warm smile plastered on my face as I faced him. Parang pinipiga ang puso ko sa saya.
I watched Gabriel's soft smile. Doon ko natanto na hindi na talaga ito panaginip. Hindi ito basta-basta na alaala lang.
"Salamat din, Gab," sabi ko. "Parang noon ay kinukulit lang kita, eh."
"I also remember how you annoyed me all the time. Tapos sumali ka pa talaga sa publication."
Natawa ako nang maalala rin iyon.
"I have a really strong feeling that you liked me. Kaya ka buntot nang buntot, 'di ba?"
"Feeling mo talaga," sabi ko. "Hindi kaya! Naiinis din kaya ako sa 'yo. Ang bait mo kasi, parang ang plastik lang."
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...