Chapter 28

552 20 5
                                    

Chapter 28

Portrait

It's just easy to avoid Serese Jewels after that phone call. Hindi ako nagsisisi. Hindi rin ako nahihiya. Gusto ko lang na maiwasan kung ano ang puwedeng mangyari kung sakaling magkita o magkausap kami ulit.

Hindi na rin problema kasi si Arch. Oro talaga ang masyadong hands on tungkol sa project. Ako naman ay inako na ang sa piggery para hindi na talaga ako magkaroon ng connection sa Serese Jewels.

Bago lumabas para mag-lunch break, kumatok ako sa opisina ni Arch. Oro.

"Pasensya na po, Boss. Busy po ba kayo?" sabi ko nang pinapasok niya ako.

His table was so messy. But every Architect's table is messy. Nakasuot siya ng salamin at hindi man lang niya ako tiningnan nang pumasok dahil busy siya sa pagtitipa sa laptop niya.

"Hindi naman, Arch. Bales."

Lumapit ako sa mesa niya. "Tungkol po sa piggery... Natapos na po namin ang blueprint. We would like to ask you to check it."

Nag-angat siya ng tingin at ngumiti. "Huwag na. May tiwala naman ako sa inyo, eh."

"Salamat, po." I smiled. "Actually... magpapaalam po sana ako ngayong hapon."

Itinabi niya na muna ang laptop at tumingin sa akin. "Bakit?"

"Pupuntahan ko po kasi ang Mama ko. Importante po kasi, eh."

He nodded. "Okay. Just make sure you don't leave anything behind."

Ngumiti ako. "Sige, po. Thank you."

Kaagad akong nagligpit ng mga gamit. It's a long drive. That's why I'll head directly. Babalik din naman ako kaagad. Gusto ko lang talaga na makausap si Mama ngayon.

I felt like a child running away from home... running away from my problems. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kabigat ang nararamdaman ko dahil sa tawag na iyon.

I couldn't think straight. So I have no choice but to talk to someone. Hindi si Katarina. Hindi sina Pablo. Hindi sina Pearl.

Gusto ko lang na makausap ang Mama ko.

It's like we are in a same situation. I know she'll understand me. I know she'll make me sane.

Alas kuwatro nang makarating ako sa Ministry of Jesus. Hindi ako nagpaalam na pupunta kaya naman gulat akong binati ng mga taga roon.

"Si Mama?" tanong ko sa babaeng nasa receiving area.

"Nasa kusina po yata. Mukhang naghahanda ng hapunan."

Tumango ako. "Puwede mo bang ipaalam na nandito ako?"

"Opo, walang problema."

Ngumiti ako. "Salamat. Pakisabi na rin na sa overlooking ako maghihintay."

Dumiretso na ako sa overlooking. Hindi pa naman dumidilim ngunit nakabukas na ang mga ilaw. Malamig ang hangin kahit maayos naman ang panahon.

Isa rin iyan sa nagustuhan ko sa lugar na ito. Siguro dahil nasa may bulubundukin kaya mahangin.

Nakaupo lang ako roon habang nakatanaw sa view. Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Mama.

"Bakit hindi ka tumawag?" aniya at naupo sa kaharap na upuan.

"Para surprise," biro ko.

She chuckled. "Dito ka na maghapunan."

"Sige po."

"Uuwi ka rin ba ngayong gabi?"

"Opo. May trabaho pa ako bukas. Pumunta talaga ako rito para makausap ka nang maayos."

Memories of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon