Chapter 01
Good boy
"O, shot na!"
Inilapag ko na muna ang billiard stick at nagtungo kay Dennis upang inumin ang alak na para sa 'kin.
"Kayo na muna. Mamaya na ako maglalaro," sabi ko at umupo na sa lumang upuan.
"Mabuti nga, para naman makalaro kami. Ang galing-galing mo na mag-billiard, eh," ani Boyet.
Napailing na lang ako at sumandal sa upuan para tingnan silang maglaro ng billiard.
Sa tuwing walang ginagawa, tumatambay ako rito. Nasa gilid lang naman ng unibersidad na pinapasukan ko kaya walang hassle sa pagpunta.
Sina Dennis, Pablo, at Boyet ang mga tambay na halos whole day naka-duty sa bilyaran. Ewan ko ba kung ba't ang daming oras ng mga lalaking 'to. Naalala ko pa kung paano nila ako inaway nang mapadpad ako rito.
"Hoy, bata. Huwag mo 'yang pakialaman," naalala kong sabi ni Pablo nang maabutan nila akong naglalaro.
Nakahubad pa sila at baho tingnan. Kaagad na napadpad ang kanilang tingin sa mga tattoo na nasa balikat ko dahil hinubad ko ang jacket na suot at tanging t-shirt lang ang naiwan.
"Hindi ako bata," ani ko.
"Bawal ka rito. Hideout namin 'to," sit ani Boyet.
"Nakapangalan ba sa inyo?"
"Amoy mayaman ka, Nene. Maling mapadpad rito."
Napangisi ako. "Aalis lang ako kung matalo niyo 'ko sa billiard."
Pagkatapos kong matalo ang tatlo, napangisi ako nang mapansin ang gulat sa mga mukha nila. Lalo na nang dumukot ako ng sigarilyo at sinindihan ito sa harapan nila.
"Gusto kita, bata," ani Dennis.
Kaya naman mula noon, dito na ako tumatambay kapag break time. Hindi naman sila nagrereklamo. Akala yata nila ay matatakot ako kasi panay ang hubad ni Boyet ng t-shirt. Si Pablo naman ay kahit saan may tattoo. Si Dennis lang itong mukhang nag-aaral.
Mukhang mga walang kinabukasan, pero mabubuting tao.
Mas gusto kong makasama sila kaysa sa mga taga-university. Napakaarte. Akala mo naman kung sino.
"Wala ka bang klase?" tanong ni Dennis sa 'kin.
"Wala na. Nakakaumay sa condo. Dito na muna ako."
"Sosyal mo naman, Nene," si Boyet.
Umiling na lamang ako at hinubad ang jacket dahil napakainit. Napansin ko ang titig ni Dennis sa mga balikat ko.
"May bago ka na namang tattoo?"
Tumingin ako sa anchor na nasa may siko. Last week ko lang ito pinalagay. Maliit lang naman pero sobrang itim nung tinta.
"Ah, oo. Boring, eh."
"Hindi ka pa ba nahuhuli ng Dean ninyo? Catholic 'yan, 'di ba? Private pa."
Sumingit naman si Pablo. "Maraming artista ang nag-aaral diyan. Mga mayayaman. Aminin mo na kasi sa 'min, Kat. Ano bang trabaho ng mga magulang mo?"
"Baka sindikato," tugon ni Boyet.
"Secret nga. Ang kulit, eh," sabi ko. "Tsaka sobrang dami ng mga estudyante diyan. Hindi kami mahuhuli."
"Nakita ko pa nga noong nakaraan 'yung anak ni Carol Constantino, eh. Iyong artista."
Uminom na lang ako ng alak nang magsimula na silang mag-usap tungkol sa mga artista. Hindi naman ako interesado kaya nakinig na lang din ako.
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...