Chapter 03
Tingin
"Himala naman at nagpakita ka na," sabi ni Boyet.
"Namiss mo 'ko 'no?"
"Asa ka. Mas mabuti nga 'yun para makalaro kami nang maayos dito. Ang daya mo."
"Magaling kamo."
Natawa na lamang siya at umiling. Nakipag-handshake naman si Pablo sa 'kin. Si Dennis ay tinanguan lang ako.
Umupo ako sa sirang bench at hinubad ang suot kong blazer. Namiss kong tumambay rito. Nitong nakaraan kasi ay masyado na akong naging abala.
Bukod sa mga gawain sa eskuwela, dumagdag rin sa problema ko 'yung publication.
Hindi naman sa ayaw ko... Nakakainis lang talaga. Ayaw kong maging busy.
"Akala ko ay nakalimutan mo na kami, Nene."
"Dapat na ba akong umiyak niyan, Boyet?"
Umiling na lamang siya at tumira na.
Ayaw pang aminin, eh, halata naman na namiss nila ako. Isang linggo pa nga akong nawala.
Unang tingin pa lang sa kanila, alam mo na na sila iyong tipo na ayaw mong banggain. Balita ko ay may asawa't anak na raw si Pablo pero iniwanan siya. Kaya naging tambay. Si Pablo naman, ewan ko ba, plano yatang punuin ang buong katawan ng tattoo.
Si Dennis naman, ayaw magtino sa pag-aaral. Nagrerebelde sa mga magulang kaya tumatambay rito.
Bukod sa akin, may iba pa namang tumatambay rito. Bihira lang talaga ang mga taga-University.
"Akala ko ay magiging katulad ka na ni Haben, eh," ani Dennis.
Isa pa 'yun.
Nitong mga nakaraang buwan ay hindi na pumupunta rito. Hindi rin naman kami masyadong malapit. Nakikita ko pa rin naman iyon sa loob ng University.
Kinuha ko ang cellphone nang mag mag-text.
Princess: Kitty kat, nasaan ka na? Nasa café na kami ni Gigi. We're waiting for you here.
Bumuntong-hininga ako at kinuha na ang blazer upang suotin ulit. Tumayo na rin ako at ibinulsa ang cellphone.
"O, aalis ka na naman?" ani Pablo.
"Busy, eh. Masyadong clingy, amputa."
Mahinang natawa si Dennis. "Magparamdam ka raw kasi. Crush ka niyan."
"Gago ka."
Ngumisi ako. "Huwag kang mag-alala, babe. Babalik din ako rito."
"Kadiri ka, Katarina."
"Crush mo naman."
Natawa na nang tuluyan si Dennis kaya binatukan siya ni Pablo. Nagpaalam na ako sa kanila at nangako na babalik ako kapag nakaluwag-luwag.
Pumara na ako ng taxi papunta sa café. Pagdating ko roon, nakita ko kaagad ang isa pang barkada ko mula sa glass wall. Nag-uusap na sila at kumakain.
Ewan ko ba kung ba't ko sila naging kaibigan. Simula nang makita nila ako sa likuran ng eskuwelahan namin noong high school na naninigarilyo ay nagsimula na kaming mag-usap.
"Bawal 'yan, ah?" naalala kong suway sa kanila.
Ngumisi si Gigi. "Bawal din 'yan, ah?" sabay tingin niya sa sigarilyo ko.
"Hindi bawal kung walang nakakaalam," si Princess.
Mas matanda ako sa kanilang dalawa ng isang taon. Pero simula nang tumambay na kami roon para manigarilyo ay naging malapit na kami. Kahit ako lang itong nawalay sa kolehiyo ay hindi pa rin nila ako nakakalimutan.
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...