Chapter 04

641 26 3
                                    

Chapter 04

Partner

Muntik ko nang ihagis ang cellphone nang magising ako dahil sa pag-ring nito. Inaantok pa rin ako kaya naman hindi na ako nag-abala pang buksan ang mga mata habang kinuha 'yung cellphone sa bedside table.

"Bakit, anong kailangan mo?" bulong ko nang sagutin ito.

"Katarina."

Nahinto ako nang marinig ang boses ni Papa. Binuksan ko ang kanang mata para basahin 'yung caller ID at nakita ang pangalan niya.

Napamura ako sa isipan.

Kay aga-aga. Base sa cellphone, alas otso na. Pero wala akong pakialam. Mamayang hapon pa ang klase ko.

Hindi na ako inaantok. Kaya naman nakadilat na ako at umayos ng higa. Nakatitig ako sa kisame at ramdam na ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko.

"Bakit?" malamig kong tanong.

"Nagising ba kita?"

Nanigas ang mga panga ko kakapigil sa galit lalo na at malambing ang boses niya.

"Anong kailangan mo?"

"Tumawag lang ako para mangumusta."

Mangumusta? Muntik na akong masuka roon, ah. Humugot ako ng malalim na hininga.

"May pera pa ako," sagot ko. "Bayad naman na ang tuition ko. Wala pa namang problema sa pera."

"Hindi lang sa pera, anak," aniya sa kabilang linya. "Ikaw? Kumusta ka na? Nahihirapan ka ba ngayon? 3rd year ka na, 'di ba? Panigurado ay mahirap na ang subjects mo."

Nanigas ang panga ko. "4th year na ako."

Naramdaman ko ang pagkailang niya sa kabilang linya. Mapait akong napangiti. Naiintindihan ko naman na wala na siyang pakialam sa akin. So, why try? He can just drop the fucking act.

Putangina. Nasira na ang umaga ko.

"Ah, 4th year... 'Di ba limang taon 'yang kurso mo? Ano, kaya pa ba?"

"Ayos lang ako," malamig kong tugon. "Mauna na ako. Late na ako."

"Sige, anak. Bumisita ka rito, ha? Pwede tayong mag-dinner."

No, thanks. Ba't pa ba kasi sobrang trying hard niyang isali ako sa bago niyang pamilya? Tanggap ko naman na simula nang iniwan namin si Mama... Nang pinilit niya akong isama sa kabit niya... Alam ko na wala ng pag-asa.

"Titingnan ko," sabi ko. "Sige."

Hindi ko na hinintay ang paalam niya at ibinaba na ang tawag. Napabangon ako sa inis at itinapon ang cellphone sa kama. Napapikit ako at huminga nang malalim upang kalma.

Kape.

Kailangan ko ng kape.

Nagtungo na ako sa kusina para kumain at mag-kape. Plano ko sanang manood na lang ng mga palabas nang makita ko ang group chat ng official publication.

Layla: See you this 10 a.m.! Sa hall lang kayo, okay? Medyo male-late ako but I can catch up.

"May meeting na naman?" bulong ko sa sarili.

Sana mapatawad ako ni Karamina pero ayoko na. Masyadong demanding naman nito. Napamura na naman ako.

Bwisit. Imbis na wala sana akong gagawin ngayon. Sinipa ko sa inis ang paa ng mesa. Sa tingin ko ay mapapaaway ako nitong lagay ko ngayon.

Nang pumasok sa university, nakabusangot ang mukha ko. Kahit may iilang bumati ay hindi ko pinansin. Diretso lamang akong naglakad nang makita ko si Gab.

Memories of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon