Chapter 26
Coffee
Nagpaalam ako nang maaga sa opisina. Hindi kasi naging maganda ang pakiramdam ko.
I was bothered about the idea of working with Gabriel. Hindi ako mapakali.
Kaya nang pagdating sa apartment ay nag-shower ako at nag-blow dry ng buhok. Binuksan ko ang laptop upang pag-aralan na ang gagawin sa renovation. Ngunit blangko akong tumingin sa screen.
Every second or two, I zoned out. Iniisip ko palagi si Gab at ang muling pagdating niya sa buhay ko.
I took a deep breath and went to the web and searched his name.
Mark Gabriel Serese
Ang daming article na lumabas. Mostly ay iyong tungkol sa paglipat ng buong Serese Jewels sa papa niya. I saw many pictures of him.
My heart clenched the moment I realized that I once held his heart.
Dahil hindi rin naman ako makapag-concentrate ay isinara ko na lang ang laptop at nagtungo sa balkonahe dala ang cellphone ko. I dialed Karamina's number.
"Hello?" she answered on the other line.
"Busy ka ba?"
"Nope. " She yawned. "Kakauwi ko lang ng bahay."
Poor, Mina. Halata ang pagod sa boses niya. I took a deep breath.
"Saglit lang 'to... 'Tsaka gusto ko ring manghingi ng advice."
Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi.
She giggled. "Wow, that's new. Promise, hindi kita pagtatawanan."
I rolled my eyes and later broke into a cheeky smile.
"Kasi... Kinuha ni Gab ang firm namin para sa renovation ng opisina nila," bulong ko.
She went silent on the other line. Napapikit ako dahil do'n.
I just realized how emotional I was with the whole situation.
"Ayos ka lang?" her voice was filled with worry.
Nagbuntong-hininga ako. "Hindi ko alam, eh. Nagulat na nga ako nang magkita kami sa aksidente tapos ngayon naman, siya na ang kliyente ko."
"Gusto mong uminom?"
Malungkot akong natawa. "Gago, huwag na. May review ka pa bukas."
"In case you want somebody to share your sadness with..."
"Sa ibang panahon na lang, Karamina."
She chuckled. "Eh, ba't ka ganyan, Kat? Affected ka pa rin ba?"
Hindi ako nakasagot.
"Ang tagal na nun. 4 years? 5?"
I licked my lower lip. "Kaya nga, eh... Hindi ko lang maintindihan ang nararamdaman ko, Mina. I feel so caught up."
"Well, you told me the situation of your firm. May client na kayo. That's a great thing. Just focus on that first."
Pagkatapos niya akong pangaralan na kailangan kong isantabi ang nararamdaman ko ay tumambay muna ako sa balkonahe.
I muttered a curse and closed my eyes. I felt my face flushing. Gusto kong umiyak.
Pero bakit? Para saan?
Brushing those thoughts away, I went inside the apartment to prepare for food.
Kinabukasan, pinatawag ulit kami sa meeting room patungkol sa bago naming project.
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...