Chapter 12

612 19 6
                                    

Chapter 12

Avoid

Nang binuksan ni Karamina ang pinto, kaagad niya akong sinalubong ng gummy smile niya. Sobrang kinakabahan pa rin ako. Hindi ako mapalagay kaya naman kaagad akong pumasok sa loob.

Nakabukas ang TV at nanonood siya ng series. Nakapatay rin ang ilaw ng living room. Sumampa na ako sa sofa at kaagad na nagbuntong-hininga nang malalim.

"So, how was it?" aniya at umupo na rin si sofa.

"Mababaliw na yata ako, Mina."

"Bakit? Sobrang engrande ba? I searched it on the internet pero walang lumalabas. It must be an exclusive party."

Napalunok ako at tinitigan siya. Napansin niya iyon at nagtaas ng kilay.

"Oh my gosh, something happened! I know that look, Katarina."

"Meron nga..."

Mahina siyang napatili. "So, ano? Sumayaw ba kayo sa gitna? Pinakilala ka ba niya sa parents niya? How about his cousins."

"Mas malala pa riyan."

Nawala ang ngiti niya at napansin na seryoso ako. "You okay?"

Kinuha ko iyong throw pillow at tinakpan ang mukha. Nakakahiya, putangina. Ngayon ko lang natanto kung gaano kagago ang ginawa ko.

"Gusto raw ako ni Gab," I muttered.

"Hind kita narinig."

Inalis ko ang throw pillow at tumingin sa kanya. "Gusto ako ni Gab."

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi nang sabihin 'yun! Gago, hindi talaga ako sanay.

Ngumiti siya. "I knew it! Ang swerte mo naman at gusto ka rin ng crush mo. So, anong ginagawa mo pagkatapos?"

"Kasi... hinalikan ko siya."

Lumubo ang mga mata ni Karamina. "Ano?!" sigaw niya.

Dahil sa gulat ay tumayo siya at nakapameywang sa harapan ko. Sobrang seryoso ng mukha niya kaya naman natakot na 'ko.

"You kissed Gab Serese?"

Tumango ako.

"Sa lips ba?"

"Sa gilid lang."

She gasped. "Ibang klase ka, Kat. Ganyan ka ba sa mga crush mo?"

"Hindi naman."

Nakahalik na ako noon kaya hindi na bago sa akin ang mga ganyan. Kaso ibang kaso 'to, eh. Si Gab 'to. Iba si Gab sa kanila.

Inaamin ko na hindi ako conservative na tao. Madalas ako sa bar. Muntik na nga kaming maghalikan ni Haben. Pero sobrang bait lang talaga ang tingin ko kay Gab. Kaya bigla na akong nakonsensya sa ginawa.

"Masama ba? Dapat ko na ba siyang iwasan?"

"Of course, not," aniya. "I am just surprised. Kiss kaagad, Katarina? Kumalma ka nga muna."

Bumuntong-hininga ako at ipinatong na ang mga paa sa sofa. Sobra akong nag-aalala. Malay ko ba naman ay ayaw ni Gab sa mga ganoon.

"So, what are your thoughts about it? Is it out of impulse? O baka naman tinutukso mo lang siya, Kat."

Kumunot ang noo ko. "Hindi, ah. Masyado lang akong kinilig."

"Naku, delikado ka pala kung kinikilig."

Nag-iwas ako ng tingin.

"Pero what do you think? Anong plano mo?"

"Wala akong plano."

Memories of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon