Chapter 14
Mama
Pagkatapos ng midterms ay nagising ako nang may text mula kay Papa. Pagkatingin ko roon ay sumimangot ako.
Papa: Anak, punta ka rito mamaya. Dinner tayo :)
Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kalendaryo pero wala namang celebration. Ilang buwan na rin pala akong hindi nakapunta dun.
Bigla kong naisip si Paul. Kumusta kaya siya? Ano kaya ang ginagawa niya kapag wala sina Papa at iyong Mama niya? Kawawang bata.
Alas kuwatro nang pumunta ako sa bahay. Wala rin naman kaming masyadong pasok lalo na at katatapos lang ng exam. Nagpaalam na rin ako kay Gab na may lakad ako.
Nag-traysikel lamang ako. May kalayuan ang village nila kaya malaki ang ibinayad ko. Sinadya ko talaga na wala pa ang mga doktor para malaro ko naman iyong bata.
Home-schooled na nga, wala pang kaibigan kasi hindi pinapalabas.
"Ate Kat!" bungad ni Paul.
Sinalubong niya ako ng yakap kaya napangiti na ako. Hindi ako mahilig sa mga bata pero walang kasali roon ang half-brother ko.
Masyado lang talaga siyang nakakaawa.
"Anong ginagawa mo?"
"Naglalaro, po," sabay ngiti niya.
Sinamahan ko siya sa malaki nilang sala. Naupo kami sa sahig. May mga nakakalat na lego roon. May mga bahay rin na gawa sa lego. Kanina niya pa yata ito binubuo.
"Ang tagal niyo pong hindi bumisita, Ate. Namiss ka namin."
"Busy lang sa school."
"Di po ba mga ganito ang inaaral ninyo? Sabi raw po kasi ni Daddy, nag-aaral daw kayo kung paano gumuhit ng mga bahay."
Ngumiti ako at tumango.
"Ano po ang tingin niyo sa design ko?"
Ipinakita niya sa akin ang mga ginagawang bahay. Matalino si Paul. Mas matalino pa kaysa sa mga kaedad niya. Kaya naman nakakamangha ang mga ginawa niyang bahay.
"Maayos naman. Kanina mo pa 'to ginagawa?" tanong ko.
"Opo. Kaninang umaga. Nakakapagod na nga, eh, pero kaya ko pa po kasi nakaka-enjoy. I also want to design houses in the future. Like you, Ate."
Napangiti ako at ginulo ang buhok niya.
"Samahan kitang maglaro kung okay lang sa 'yo," sabi ko.
"Sige, po!"
Habang naglalaro ay tinatanong niya ako tungkol sa ginagawa ko sa school. Nagkukuwentuhan lamang kami tungkol sa kahit na ano.
Naiintindihan ko kung ba't ganito na lang kasabik si Paul kasi palagi na lang siya sa bahay. Kung pwede lang ay dalhin ko 'to sa condo para naman makabisita roon. Kaso, ayaw ko rin.
Ayaw kong may ugnayan sa Papa ko o sa pamilya niya.
Kung hindi lang dahil sa kapatid ko, baka hindi na nila ako nakita pa.
Hindi na namin namalayan na lumalim na pala ang gabi. Naaamoy ko na ang niluluto ng mga maid para sa gaganaping dinner.
"Magandang gabi po, Dok," rinig kong bati ng maid sa labas.
Kaagad na nawala ang ngiti ko. Tinigilan ko na ang paglaro at tumingin na lang kay Paul. Kamukha niya si Papa. Nakakainis.
Pumasok na ang dalawang doktor at kaagad na nagulat nang makita ako.
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...