Chapter 21
Goodbye
Lumipas ang ilang araw na hindi na kami masyadong nagkikita ni Gab. Siya ay abala sa OJT niya, ako naman ay abala sa finals. Pati si Karamina ay hindi ko rin maistorbo.
"Huwag mo na muna akong hintayin para sunduin," sabi ko kay Gab noong naabutan ko siyang natutulog sa parking lot.
"You sure?"
Tumango ako at ngumiti. "Text-text na lang tayo. Mamaya na tayo magkita kapag pareho na tayong nakaluwag."
Pero kahit na sa text ay madalang lang kaming nagkakausap. Sobrang dami ko talagang ginagawa. Kaya pagkatapos sa university, diretso na ako sa bahay para mag-aral.
Nang matapos na ang finals, hindi ko pa rin iniistorbo si Gab. Patapos na rin kasi siya sa OJT niya. Kasunod ay practice na para sa graduation niya.
Ang hirap talaga lumandi sa college. Nagkakaubusan palagi ng oras.
"May isang stick ka pa?" tanong ko kay Dennis.
Nasa bilyaran ako ngayon para makapag-relax. Halos balibagin na ako ng exam ko sa sobrang hirap. Kinailangan kong kumalma.
Inabutan niya ako ng isang stick at kaagad ko itong sinindihan. Kami lang tatlo ni Dennis at Boyet ang narito. Walang naglalaro. Tanging tambay lang talaga.
Si Dennis, busy sa cellphone niya. Si Boyet naman ay nakahiga sa upuan habang nakatakip ang braso sa mga mata.
"Pahangin na muna ako sa labas," paalam ko sabay tayo.
Binati ako ng malamig na hangin. Hindi maaraw. Mukhang hindi rin naman uulan. Sakto lang. Sumandal ako sa pader at humithit ng sigarilyo.
Kunot-noo kong tiningnan ang itim na sasakyang huminto sa tapat ng bilyaran. Pati na rin sina Dennis sa loob ay napatingin.
Kinuha ko ang sigarilyo mula sa bibig nang bumukas ito. Lumabas si Mary Serese, ang in ani Gabriel.
Bigla na lamang akong kinabahan. Nagkatinginan kami, tapos nagpunta ang mga mata niya sa sigarilyo na nasa kamay ko. She was watching me intently, then she smiled.
Out of cue, tinapon ko ang sigarilyo sa lupa at tinapakan ito. Nahihiya ako. Talagang nakita niya pa ako na hawak iyon.
Lumapit ako sa kanya kasi sino ba naman ang ibang pakay niya rito?
"Magandang hapon, po," bati ko.
Ngumiti siya. "Harold Benedict told me that you might be here. I assume that you're not busy. Can we talk?"
"O-Opo, sure."
"Let's go inside?" tukoy niya sa sasakyan.
"Sige, po. Kunin ko lang 'yung gamit ko."
Tumango siya at nagtungo na sa loob. Halos patakbo naman ako nang pumunta sa bilyaran upang kunin ang bag.
"Sino 'yun?" tanong ni Dennis.
"Basta, basta. Una na ako."
Tumango lang silang dalawa sa 'kin. Pumunta na ako sa sasakyan. Nasa backseat ako, kasama si Mary Serese. Nagdasal na lang ako na sana hindi ako amoy sigarilyo.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala rin naman siyang sinabi kaya mas nakakailang. Tuwid lang akong nakaupo habang nakatingin sa labas ng bintana.
Alam kaya ito ni Gabriel? Pupunta ba kami sa kanya?
Isang beses ko lang nakilala ang mama niya. Pagkatapos no'n ay hindi na ulit kami nagkita at nagkausap man lang.
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...