Chapter 17
Jealous
"Ang aga-aga naman ng simangot mo," maligaya kong sabi kay Karamina.
"I feel so stressed."
Pagod siyang bumuntong-hininga at isinara ang librong binabasa. Isinantabi niya muna iyon para kumain.
Nasa cafeteria kami ng unibersidad. Bagong sem na naman. Ibig sabihin, mas magsusunog pa kami ng kilay.
Dahil graduating na si Karamina, mas naging abala na siya dahil sa OJT nila. Ganoon din si Gab.
Kaya noong hindi pa nagsisimula ang pasukan, gumala lang kami nang gumala para sulitin ang oras. Halos sa condo ko na nga siya tumira. Mabuti na rin iyon para maging malinis din ang unit kahit papaano.
Kung saan-saan kami pumunta. Sa beach, sa bowling area, sa mga arcade. Kahit isang linggo lang iyon, sobra akong nasiyahan.
Nang pasukan na, madalas na lang kaming nagkikita. Sa Serese Jewels siya ng-OJT. Obvious na rin naman iyon kasi lalayo pa ba siya kung may sarili naman silang kumpanya.
Nagte-text pa rin naman siya. As much as possible, ayaw kong makaistorbo kaya hindi ko na siya kinukulit. Minsan din ay dumidiretso na siya sa condo.
"I feel like giving up," sabi ni Mina.
"Ngayon ka pa susuko, eh, magtatapos ka na."
"And I hate it so much. Bakit pa ba ako nag-nursing? Please wake me up in this nightmare."
Natawa ako. "OA mo."
"I will say that to you when you'll have your OJT."
"Mabuti ka nga, magtatapos ka na. Ako, may isang taon pa."
"5 years in Architecture don't seem to stress you enough to quit. Ganyan ba kapag may lovelife?"
Inikot ko ang mga mata. "Gago."
Ngumiti siya. "Kumusta na kayo?"
"Ayos lang."
"Come on, spare me some gossip. Mamamatay na ako kakaaral. And don't get me started with the rotations."
"Wala namang tsismis."
"Kat naman, eh," aniya. "Ang damot mo sa details. You can just tell me about how wonderful it is to have a boyfriend."
"Edi maghanap ka na ng boyfriend kung gusto mo naman pala."
"I don't have time. Oh my gosh, I just realized that now. I don't even have time for myself. Am I still doing the right thing?"
Ginulo niya ang buhok kaya natawa ako. Masyado talagang problemado si Karamina, pero kalmado pa rin naman siya. Sobrang mahinahon niya talagang tao.
"Magdo-doktor ka pa, 'di ba?" paalala ko.
She groaned. "That's not even helping me, Katarina."
"Pero mas malala kaya ang med school. Ang dami kong narinig na madalas sa mga nagkakajowa sa med school, nagkakahiwalay kasi sobrang busy."
"Oh gosh, I guess I'll just find a boyfriend once I'm already a resident doctor."
"Good luck." Natawa ako. "Ihanda mo na lang ang sarili na maghintay ng walo hanggang sampung taon para diyan."
Inikot niya ang mga mata. Natawa ako.
"But I am happy for you, Kat. I am happy that Mark Gabriel is treating you nice. Let's have dinner soon, so I can have the gossips from him."
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...