Chapter 35

709 20 9
                                    

Note: This is the last chapter of Memories of the Wind. Next update will be the End. Thank you so much and happy new year! I hope I'll see you again in my other stories :) 

--

Chapter 35

Seal

Nang bumalik ako sa ospital, nagulat ako nang wala na sa ICU si Paul at inilipat na raw sa isang private room. It turned out that he woke up a few minutes after Gab and I went home. Hindi lang daw nila ako natawagan kasi pareho silang lowbat.

Kaya naman nang pumasok sa kuwarto ay tuluyan akong humagulhol nang makita si Paul na nakaupo na sa kama niya.

Dumiretso ako ro'n at niyakap siya matapos na ilagay ang mga dala sa mesa.

"Sobra akong nag-alala sa 'yo," sabi ko habang umiiyak.

He chuckled. "I'm fine, Ate. You don't need to cry anymore."

Pero hindi ako nakinig at umiyak pa rin. Narinig ko na natawa si Papa. Si Tita Marissa naman ay naluha na rin at nahawa sa akin.

"Tinakot mo 'ko," sabi ko.

"I'm alive now. You can stop crying."

Pinunasan ko ang mga luha sa mukha. "Bumili ako ng chocolate drink. 'Di ba paborito mo 'yun?"

"Yep."

Tumayo ako at binuksan ang mga pinamili upang ibigay sa kanya iyong binili ko kanina sa grocery store. Pero bago ko ibinigay kay Paul, tumingin na muna ako kay Papa.

"Ayos lang ba 'to sa kanya?"

"Of course, Kat."

Binigay ko na ito kay Paul. Tinulungan ko pa siyang ipasok iyong straw.

"Kaya ko naman, Ate." Natawa pa siya. "I'm big already, you know."

"Kahit na. Huwag mo akong ma-big-big diyan, Paul." Lumingon ako kay Papa. "May bawal pa ba siya?"

"Wala. He just needs to rest."

Pagkatapos ko siyang tanungin tungkol sa mga nangyari sa buhay niya, pinatulog na namin siya ulit upang makapagpahinga.

Nagpresenta rin ako na magbantay kasi busy rin naman sina Mama at Papa. Plano ko mang mag-leave, alam ko na hindi puwede dahil sa on going na renovation.

Kahit na ayos naman daw si Paul, gusto ko pa rin siyang tutukan. But I won't pull some strings.

Kaya naman kinabukasan ay pumasok ako sa trabaho. Pinaalam ko na rin kay Gabriel na nagising na si Paul. He called me last night to check up on him.

"O, kumusta na?" ani Marie nang salubungin ako.

Wala pang masyadong tao. Maaga rin naman kasi akong pumasok dahil nahiya ako kahapon.

"Ayos lang naman..."

Sinabihan ko si Marie tungkol sa nangyari sa kapatid ko.

"Mabuti naman at nagising na siya," aniya. "Alam mo ba, may ilan na masyadong naalag 'yung utak at na-comatose pa talaga."

"Kaya nga masyado akong kinabahan, eh."

"Pero maiba tayo. Alam mo ba na kayo ang usapan dito kahapon? Naku, naku, naku! Headlines kayo ng tsismis 'no!"

Akala ko ay mag-aalala ako dahil do'n. Pero dahil sa nangyari kay Paul, natanto ko na mas may mga bagay pa palang dapat kong alalahanin kaysa sa pagiging pribado ng relasyon namin ni Gab.

It will still spread.

"Naghihinala na sila na baka raw nililigawan ka ni Mr. Serese!"

Natawa ako. "Nililigawan? Hindi ba girlfriend?"

Memories of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon