Chapter 33

587 15 2
                                    

Chapter 33

Lowkey

"Halika na, Kat!" tawag ni Pearl pagdating ko sa parking lot ng firm kung saan may puting SUV kung saan kami sasakay papunta sa Serese Jewels.

Muntik na nga akong mahuli kasi mukhang paandar na sila. Kaya naman tumakbo ako upang makahabol. They opened it and let me in. Hiningal pa ako.

Nasa passenger seat si Architect Oro. Nasa loob din ang mga katrabaho ko.

"Sorry, I'm late," sabi ko sa kanila.

"It's alright, Architect Bales," ani Boss.

Ngayon namin sisimulan ang floor renovation. Sabay-sabay kaming pupunta ro'n upang hands-on na gawin ang lahat ng sukat at pagtingin ng mga materyales.

Lahat kami kinakabahan kahit na hindi man namin sabihin. This is the biggest project so far. Ayaw naming mabigo ang Serese Jewels.

Sa loob ng sasakyan ay nagkuwento kami tungkol sa mga nagawang pagche-check at pagco-compute. Talagang lahat kami ang pupunta sa site ngayon dahil kailangan ng manpower.

Pagdating namin sa parking lot ay isa-isa na kaming bumaba. Nakita rin naman ang L-300 na may lamang mga gamit namin. Pinuntahan namin 'yun upang kunin lahat. Tinulungan din kami ng iilang mga staff ng Serese Jewels.

"Heto po ang mga ID ninyo," sabi ng guard at binigyan kami ng mga ID.

Sabi raw ang kailangan namin itong suotin dahil strikto ang buong lugar patungkol sa mga taong pinapapasok.

"Ang ganda talaga rito," bulong ni Pearl sa tabi ko nang pumasok na kami sa loob.

Humagikhik din si Marie sa tabi ko. "Parang nasa ibang bansa talaga 'no?"

Kinalabit ako ni Pearl. "So, ano ang feeling na may boyfriend na ganito kayaman?"

Kumunot ang noo ko at tumingin sa paligid kung may nakarinig ba. "Sige, i-broadcast mo na lang sa lahat. Huwag ka nang mahiya."

Natawa siya. "Wala namang makakarinig, eh. At saka, curious lang ako."

"Ako rin," ani Marie.

Tumigil kami sa harapan ng nakasarang elevator upang maghintay. Hinila naman kami ni Marie papunta sa gilid, malayo sa mga kasamahan namin.

"Talaga bang boyfriend mo pa rin si Mr. Serese?" tanong ni Marie sa akin.

I sighed. "Oo nga. Hinaan niyo nga ang mga boses niyo."

Pinigilan ni Pearl ang tili niya. "Ang suwerto mo naman, Katarina."

"Naku, magsitigil nga kayo. Even if he's my boyfriend, we should never really talk about him during the project. Okay?"

"Oo na, oo na," si Marie. "Nakakapanibago kasi, eh. Parang noon lang ay wala kang sinasabi tungkol sa mga lalaki, tapos malalaman na lang namin na si Mr. Gabriel Serese ang ex mo. At nagkabalikan pa."

Nahinto ang pag-uusap namin nang tinawag na kami ni Architect Oro. We proceeded to the elevator.

Napag-usapan na namin ni Gab na dapat talaga maging pribado ang relasyon naming dalawa. I don't want to look bad. At ayoko munang makaalam ang iba kong katrabaho kasi baka ano pa ang sabihin nila.

I also remember our firm's reputation. This is a big chance to let them see that we can make it.

Kaya naman kinausap ko talaga si Gab na kung puwede ay huwag siyang bumisita sa site kapag nando'n ako. It will be awkward for sure.

Walang laman ang floor kundi 'yung mga materyales na pinadala namin dito. Sobrang laki ng space, 'tsaka nakita ko kung gaano ito kalaki.

"Ang lawak pala 'no?" ani Marie na nasa tabi ko, tinitingnan din ang paligid.

Memories of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon