Chapter 27

567 21 6
                                    

Chapter 27

Miss

Umaambon na lang kaya naman tinakbo na namin ang daan papunta sa Serese Jewels. Nakasunod kaming tatlo kay Gabriel. Pagdating sa main entrance, kaagad na dinaluhan si Gab ng mga taga roon.

"Good morning, Sir," sabi ng isang lalaki.

Marami rin ang bumati sa kanya. They were all worried because he got wet from the little drizzle even if it's not really a big deal.

Siguro big deal lang talaga sa kanya kasi isa siyang Serese.

Sumunod kaming tatlo papasok ngunit hinarangan kami ng guard.

"ID po," aniya.

Gab looked at the guard. "They're with me. Give them the VIP IDs."

"O-Okay, Sir."

Tumango ang guard at kumuha ng mga ID na nasa isang box. May maliit na lace ang naka-laminate na ID na may logo ng Serese Jewels. May nakalagay rin doon na VIP. Binigay niya ito sa akin at ipinasa ko naman ang dalawa sa mga kasama ko.

"Wow, pati ID sosyal din," bulong ni Marie.

Nagpasalamat ako sa guard at pumasok na sa pinakaloob. Nakaabang si Gab sa amin.

"Follow me," aniya.

Tumango kami at sumunod na sa kanya.

We couldn't keep our eyes to ourselves. Sobrang ganda ng Serese Jewels. Aakalain mo na nasa ibang bansa ka.

It was full of gold and silver everywhere. Sa likuran iyong main store, habang itong dinaanan naman namin ay pang-exclusive lang.

There's a very huge chandelier in the lobby. Para itong isang five-star hotel. Ang linis at lawak din.

"Nakakatakot namang pumasok dito," bulong ni Pearl.

Mahina akong natawa. "Oo nga."

May dalawang elevator. Iyong isa ay para sa mga normal na empleyado. Habang iyong pangalawa naman ay mas malawak at para lamang sa mga exclusive na tao.

Doon kami pumasok sa ikalawang elevator kasama si Gab at iyong isang lalaki na sumalubong sa kanya sa labas kanina.

Sobrang tahimik ng buong elevator. I was not awkward at all because we already talked with Gabriel. I'm happy to know that we're in a good term.

Ngunit ang dalawa ko namang kasama ay na-iintimidate kay Gabriel. Gets ko rin naman kasi matangkad siya. Kaya naninibago ako kina Pearl at Marie. Gusto ko tuloy na matawa.

"Let's discuss the details in my office," sabi ni Gab.

"Okay, Mr. Serese," si Marie.

Paglabas sa elevator, napanganga ako sa napakalawak na lugar. It was like the ground floor. Para nga itong hotel!

May chandelier sa pinakataas kaya mas lumiwanag ang kabuoan ng paligid. You can see elegance and sophistication everywhere.

Habang dumaan kami sa mga cubicle, panay ang pagbati ng mga nagtatrabaho kay Gabriel. They all went silent and conscious.

Nang pumasok kami sa opisina niya, aakalain mong nasa isang living area ka. It was really high class that you wouldn't thought it's an office.

Ito nga yata ang pinakamalaki naming proyekto. Natatakot tuloy akong pumalya.

Gab sat on the swivel chair. On his desk, I saw his nameplate. Bagay sa kanya ang ganito.

"So, your firm told me that a field architect is coming?" aniya.

Memories of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon