Chapter 31
Surreal
Nanginginig ang mga kamay ko nang paandarin ang makina ng sasakyan ko. Rinig na rinig ko rin ang dagundong ng puso dahil sa kaba at gulat.
What the fuck just happened?
Una ay nagtungo ako sa opisina ni Gabriel upang komprontahin siya. Tapos nakilala ko ang mga pinsan niya. Then Gab and I got back together. At ngayon ay nakausap ko ang Mama niya?
Para akong nahihilo. Sobrang dami ng nangyari na hindi ko alam kung maniniwala ba ako.
I need to calm down. I need to calm myself and focus on the road. Mahirap nang maaksidente ulit.
Tuliro ako nang maglakad papunta sa apartment. Pilit kong inalala iyong mga nangyari kanina. I was making sure that it really happened.
Nang isinara ang pinto ay hinulog ko ang bag sa sahig at naglakad papunta sa couch. Nang naupo ako ay huminga ako nang malalim. I placed my elbows on my legs and let my palms cover my face.
Ipinikit ko ang mga mata. Sobrang dami ng pumasok sa utak ko. It was all... surreal. It was all weird... and unbelievable.
Nagtutubig ang aking mga mata at hinayaan na tumulo iyong mga luha. I wept silently. Not because of pain, but because of relief.
Nanatili lamang ako nang ganoon ng ilang minuto. Nang mag-sink in na ang lahat ng nangyari ay tumayo ako at naglakad papunta sa bag na nasa sahig upang kunin ang cellphone.
I walked back to the couch and stared at it. Kailangan ko ng kausap. Mababaliw na yata ako.
My fingers scrolled down my contact list. Nahinto ako sa pangalan ni Karamina. Pipindutin ko na sana ito ngunit natigilan ako nang may naisip na ibang pangalan.
My fingers scrolled down my contact list and stopped at Gab's name.
Matagal ko na itong tinitigan. Kahit noong nakaraang linggo pa nang palihim ko itong kinuha mula sa opisina ni Boss. I always thought of calling him, imagining what would happen if I reached out his name.
Inisip ko pa kung ano ang mga puwedeng dahilan na dapat kong sabihin para lang marinig ulit ang boses niya sa kabilang linya.
But now, he's mine again. Putangina.
Nanlamig ang mga kamay ko nang pinindot ito. Nang itinapat ang cellphone sa tenga ay napalunok ako lalo na nang mag-ring ito.
It only took three rings. Kinagat ko ang ibabang labi nang marinig ang boses niya.
"Katarina?"
Huminga ako nang malalim. "Gab..."
"Yes, napatawag ka? Is there something wrong? Nakauwi ka ba nang maayos?"
"Oo." I sniffed. "I got home safely."
"Okay... Why are you calling? Do you have something to say?"
Napalunok ulit ako, kinakabahan. My heart was pounding so hard.
"Hey, baby," banayad niyang dagdag. "Please tell me you are not changing your mind about earlier."
Napangiti ako kasabay ng pagtulo ng isang luha mula sa kanan kong mata. I anxiously ran a hand through my hair.
"Walang nagbago, Gab."
"Oh." He sighed out of relief. "Great. That's great news, Kat. Kinabahan ako ro'n ng kaunti."
Natawa ako. Tuluyan na yata akong nababaliw. Puwede pala na umiyak na matawa at the same time?
"Gusto ko lang naman na i-confirm kung totoo ba ang nangyari kanina," sabi ko. "Hindi pa rin kasi ako makapaniwala."
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...