Chapter 30
Accept
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya nanatili lamang akong nakatayo. It was overwhelming to see them all at once. Hindi rin ako kumportable. At saka, tangina? Bad timing talaga, eh!
"We heard a lot about you," sabi ni River, iyong masungit na dating naging kaaway ni Gab.
Ngayong nandito na siya, ibig sabihin ay nagkabati na sila ni Gabriel? Ang dami sigurong nangyari sa pagitan nila nitong mga nakaraang taon.
Tumawa si Chester, iyong chinito. "Alam mo ba na pina-cancel niya lahat ng meeting niya ngayon kasi mas may importante raw siyang kikitain?"
Kumurap-kurap lang ako at hindi mapalagay lalo na at isa-isa nila akong tinanong at kinulit. They were friendly. Rich but yeah, friendly. And annoying.
Putangina.
Kahit iyong dalawang pinakatahimik sa kanila ay nasa sulok lang at nakangiti sa akin. I guess that counted as a friendly gesture. Pero mas lalo lang akong na-stress.
Ba't ba sa rami ng panahon, ngayon pa talaga sila sumabat?
"Seriously, guys," si Gab. "You are scaring her."
"Haben is scaring her," Emmanuel, the buffed guy, pointed at the guy beside me smiling so wide.
"Luh? Wala nga akong ginagawa, eh. 'Tsaka tropa kami ni Kat 'no. 'Di ba, Kat?"
Itinaas-baba ni Haben ang kilay niya sa 'kin kaya naman inirapan ko siya.
"Torpa mo naman lahat, eh," Joseph, the youngest, mumbled.
Iyong isang tahimik na lalaki na parang inaantok ay tumayo na. "Come on, that's enough. We're making her uncomfortable."
"KJ ka talaga, Jimson," ani Haben.
Tinaasan siya ng kilay no'ng Jimson kaya hilaw na tumawa si Haben. Then he started to push the other guys outside the room. May ilan na nagreklamo. May ilan na natatawa.
"I'm sorry for the interruption," sabi ni Joseph at tumango sa akin nang tumayo na siya upang umalis.
"A-Ayos lang," sabi ko, naguguluhan.
Siguro masyado lang akong na-overwhelm dahil ang dami nila. Nag-iinit ang mga pisngi ko. Nanatili lamang akong nakatayo ro'n habang tiningnan ang mga pinsan ni Gab na lumabas ng opisina niya.
"Bye, Katarina!" ani Haben.
"Nice to meet you, Kat," si River.
"I hope we'll have a nice dinner someday," sabi naman ni Chester.
Isa-isa nila akong binati at tumango lang ako bilang tugon. Hindi pa yata sila titigil kung hindi sila tinulak ni Jimson palabas. Ang ingay nila, lalo na si River dahil angal nang angal nang hinila ni Jimson ang laylayan ng polo niya.
Tumingin siya sa akin at tumango. Tinanguan din niya si Gab at isinara na ang pinto. Pagkaalis nila ay tumahimik ang buong opisina.
Nang kami na lang dalawa ni Gabriel ay hindi ko alam ang sasabihin! Masyado na akong nawala dahil sa biglang pagsulpot ng mga pinsan niya.
Yumuko ako at tiningnan ang sapatos upang mag-isip. Bumalik ang kaba sa puso ko lalo na nang nakita ko ang mga sapatos ni Gabriel na humarap sa akin.
"Katarina..." tawag niya.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Namumula ang mga tenga ni Gabriel ngunit seryoso ang mukha niya.
"Pasensya na," sabi ko. "W-Wrong timing yata 'to."
BINABASA MO ANG
Memories of the Wind
RomanceKatarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful. It is haunting. Kaya naman ito ang nagtulak sa kanyang mag-rebelde. She never believes that kindnes...