Chapter 6

31 2 0
                                    

"Next, Wala pa tayong naiisip for teacher's day and christmas day. " Muling nag salita si Brice.

Kailangan pa niyan? Halos hindi na nga namin nakikita mga teacher's namin tapos may pa ganyan pa?

Ely raised her hand. "Alam ko na, alam ko na talaga! Sa teacher's day dapat susurprise natin sariling adviser. Tapos mag proprogram after kasama ibang section."

"Tss pero yung kambal hindi sinisita pag maingay." Parinig ni Earl.

Tinignan lang siya ng masama ni Ella at tumahimik na sila pareho.

"Tell them that the concept for the teacher's day program is music. Let the class dress up related to the genre. Example ha Ballad songs and dress up as a ballerina or rock songs and we need to dress up with black and chains." suggest ni Graig

"Or pwede rin lahat tayo disney movies pero ang princess or prince ay yung mga teachers then we'll all dress up as the side characters." Dagdag ni Asra.

Manghang mangha ko lang silang tinitignan. I'm proud to see them participating actively. Samantalang ang utak ko ata hindi gumagana.

Sinulat ni Brice lahat ng suggestions sa board at halos mapuno na nga namin ang second column. Third column na ang sisimulan namin which is mga concern or request. Hindi huminto si Brice at patuloy siyang nag susulat sa board.

Touch Screen television as whiteboard

Dorm for echo class

Field trip

New uniform for echo class (regular and p.e)

Active teachers

"Do you still have other concerns?" Brice asked while facing us. Sinara naman na niya ang whiteboard marker.

"Para sakin wala na"

"Okay na ko dyan"

"Im good"

Nag agree na agad ang mga kaklase ko. Well, andyan na mga reklamo namin eh. Dipende na lang kung may bago kaming irereklamo next week.

"Let's all take a break and resume our meeting later for the food stall." Tumango kami sa kanya at nag rest ako sa desk ko. Inaaya nila ako mag cafeteria pero napapagod na ako bahala na sila.

Lumabas sila para pumunta sa cafeteria. I heard Earl and Ivo will go to other classes to meet girls. May iilan pa rin namang nag stay sa room but I'm too lazy to mingle with them.

Pinag patuloy ko lang pag tingin ko sa window on my left side. Nangalay na ang ulo ko habang naka rest sa desk kaya tumingin naman ako sa right. Nakita kong nakapikit si Keith habang nakarest rin ang ulo niya sa desk.

Nakapikit lang siya kaya I used this chance to stare at his face. He has mole in his left temple at sa baba lang ng eyebrow niya. Makikita lang yung mole sa eyebrow niya kapag tulog or mas matangkad ka sa kanya.

Nanlaki mata ko nung nakita kong dumilat siya. Nagkatitigan lang kami dahil hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. 

"Keith may gusto ka ba sa cafeteria? Andon pa sila Claud." Tanong ni Ayer habang palapit siya kay Keith.

Umupo na siya ng maayos.

"I'm good." Yun lang sinagot sa kanya ni Keith.

Narinig ko pa silang nagkwekwentuhan kasama mga ibang boys. Matutulog pa sana ako kaso lumapit sakin si Iris.

"Aiby look oh, may IG friends ako na asa alpha." Nilapit sakin ni Iris ang phone niya.

"Grabe nasa room sila ngayon. They're having a party inside with foods and sound system" manghang mangha si Iris kakapanood niya ng My story ng kakilala niya.

Trials EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon