Chapter 22

27 3 0
                                        

Nabalot kami sa katahimikan dahil sa nangyari. Nakatayo pa rin si Brice sa gitna at tulala. Wala na munang nagsalita o nagbalak kausapin si Brice.

Nabasag ang katahimikan namin sa narinig namin.

"Hugo Brice Lewis will be the president of our class." Diretso ang tingin ni Keith kay Brice ngayon.

Nakita ko paano umangat ang ulo ni Brice at gulat sa narinig. Nagtangka panga siyang magsalita pero kinakain ata iyon ng dila niya.

Gulat na napalingon lahat ng boys kay Keith. Kitang kita ko ang disapproval sa mga mukha nila. They looked disappointed in Keith's decision.

Pero ako...deep inside alam ko... si Brice lang ang bagay na maging president.

Nagkamali siya pero pinakita niya na wala siyang pake sa mga back up or connections sa likod namin. Nagalit siya sa mga kaklase niya.....

....Hindi sa mga anak ng mga presidente ng kumpanya.

"Pero Keith!"

"Keith pag isipan mo naman!"

"Bro papayag naman ako, pero anong rason?"

"Pagkatapos niyang magsalita ng ganyan?!"

"No hell no."

Nakita kong dahan dahan tumayo si Keith sa kanyang upuan. Lahat kami pinanood siya habang naglalakad siya papunta kay Brice. Pag tabi ni kay Brice, sakin unang tumama ang mata niya. Ngumiti siya at naisip ko kung anong binabalak niya.

Huminga ako ng malalim at tumayo kaya napatingin sakin ang lahat. Lumapit na ako kaagad sa harap at tumabi sa kabila ni Brice. Nasa gitna na namin siya ngayon ni Keith.

Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ng aking mga kaibigan lalo na kay Blanca. Tinignan ko naman sina Rave at Ella na wala masyadong reaksyon sa ginawa ko. Sina Ely, Deborah, Twilla, Iris at Asra naman nakanganga.

"Do you trust me?" Keith asked them.

They all nodded even if there's still confusion in their eyes.

"Do you trust Aiby?" Keith looked at me.

Still, they all nodded.

"Then trust Brice" yan ang huling sinabi ni Keith

Nag salita na rin ako. "Give Brice a chance. He can do it.." I smiled at them.

Oo alam kong may pagka OA ang sinabi kong 'he can do it'. Kasi hindi lang naman president ang ibibigay namin kay Brice. Napangiti ako habang iniisip kung ano magiging reaksyon ng mga kaklase ko sa oras na malaman nila ang plano.

Ang iba ay nag iiwas ng tingin sakin at yung iba nakatingin lang. Tumingin ako kay Keith at nakitang nakatingin na rin pala sakin. Tumango kami sa isa't isa at nag simula na mag lakad pabalik sa aming upuan.

Pag upo namin nag salita si Brice. "I'm sorry." Umupo na rin siya.

Two days have passed nung nag away si Earl at Brice. I knew Earl was short tempered and treasures his pride very much. I didn't expect Brice to just explode like that in front of our class. Yes, he's wrong but it doesn't mean na wala na siyang magagawang mabuti.

Pagpasok ko ngayon sa room nakita kong nakaupo si Claud habang nakapalibot sa kanya ang mga kaklase ko. Pumasok kami at nakitang tumingin sila sakin at bumalik kaagad kay Claud.

Kinalabit ko si Blanca. "Is Claud alright?"

"I think he's alright but ang alam ko yung company nila hindi." Sumagot siya.

Trials EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon