Nagising ako sa idlip ko ng marinig ang ingay ng mga kaklase. They're effin shouting!
"Let it go, let it go. Can't hold it back anymore!"
"Anymore. We don't talk anymore like we used to be!"
"Bee uhm. Bee do bee dapdap sabi ng jeep sabi ng jeep beep beep!"
"Beep beep. Hoy Ivo ayusin mo naman yang kanta mo!!" Reklamo ni Ayer habang kinakamot ang ulo niya.
"De wala pre. Para ka namang others, dugtungan mo."
"Edi beep beep, Oh oh I'm stuck in traffic. Bumper to bumper babe!" Inis na kanta ni Ayer kaya nag tawanan sila.
Ahh nag lalaro pala sila ng connect the music with the last word or something. Kaya pala kanina pa ko nakakarinig ng sigaw, kanta, wala sa tono at mga pang aasar nila.
Tinignan ko naman si Keith sa tabi ko na nakatingin sa kanila at tumatawa lang. Nakita ko na naman ang mole niya sa left temple niya.
Nagulat ako ng bigla siyang mapatingin sakin habang may ngiti sa labi niya.
Nilapit niya mukha sakin at tinaas ang dalawang kilay niya. "Hmm?" bulong niya kaya nag iwas ako kaagad ng tingin.
"Uhh wala wala. Malapit na ba tayo?" Tanong ko.
"Uhh I think? Pero kanina nagsisigawan sila Aldo kanina dun eh." Nag kibit balikat lang siya at nakatitig pa rin sakin.
"Ano ginagawa nila?" I asked him at tumingin sa mga kaklase naming naglalaro. Parang ang gulo kasi nila masyado.
"They're playing a music game. Nag aaway away na nga sila kanina kasi hindi sila sumusunod sa rules."
"Huh bakit ano ba ginagawa?"
"Sabi kasi dapat ung end na word yun yung start ng song mo pero ang ginawa nila kung anong katunog ng end song ginawa nila pang start."
"Huh?"
"Uhmm example...uhm ayaw ko pala." Hinawakan niya yung string ng hoodie niya. "Kanina rin nag aaway sila kasi from English song nagiging Korean song. Si Asra nga kanina nag spaspanish na"
Tumawa ako sa kwento niya. "Kaya pala halo halong ingay narinig ko kaya nagising ako." Yan pang mga kaibigan eh laman ng bar at karaoke yan eh.
Tumango lang siya. Maya maya nakarinig na naman ako ng sigawan pero hindi na laro.
"Aldo nadaanan na natin 'to ah?!" Sigaw ni Deborah habang nakatingin sa bintana.
Tumingin ako sa labas at nakita ko na sobrang dilim na talaga. Sa side ng window ko ay puro puno tapos sinilip ko yung bintana sa kabila at nakita kong bangin iyon.
Ahh oo nga pala sabi nila may dadaanan daw kaming bundok pero bakit naman kami naliligaw. Hindi ko pa naman alam ang daan dito dahil unang beses ko to.
"Malay ko ba! Ayan sabi ng TP app eh." Sumigaw pabalik si Aldo habang nakahawak parin sa manibela.
Ang gwagwapo ng mga kaklase ko. Gaya nga ng sinabi ko nung una, Aldo looks rougher than Keith. Mas maugat ang kamay niya at moreno. Siya yung maiisip mo na nag dadala ng mga mamahalin ng kotse. Pero ayan siya driver ng mini bus namin ngayon. I giggled inside my head.
"TP app sinusundan pero naliligaw pa rin ta'yo?"
"Aano ba trip ng TP app na yan?"
"Hoy Claud, kaya kayo bumabagsak eh. Saan saan niyo kasi dinadala users niyo."
![](https://img.wattpad.com/cover/290683875-288-k785170.jpg)
BINABASA MO ANG
Trials End
RomansaI am Takibi Aiby Flammia, daughter of the CEO of Flammia Airlines. I want to continue the legacy of my father and grandfathers. I want to be an airplane that can carry the people I love with their baggage of expectations. I should study hard and ear...